Ang Kidnapper kong Gwapo
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 7
Unedited...
Nakikita ni Anndy ang ilaw na naging tuldok
na lang sa paningin niya dahil malayo na sila
sa pusod ng dagat. Nakayakap siya sa
bewang ng lalaking kahit pangalan, hindi
niya alam. Ang lakas ng alon at tanging
liwanag ng buwan at mga bituing kumikislap
sa kalangitan ang gumagabay sa kanila.
Mahigit isang oras na silang naglalakbay
pero mukhang walang katapusan ang biyahe
nila gamit itong water scooter.
"Malayo pa ba tayo?" nag-aalalang tanong
niya nang wala nang makita kahit ilaw.
Madilim at puro ingay ng alon ang kaniyang
naririnig.
"Medyo, tatlong oras pa," sagot ng binata.
Pareho naman silang naka-life vest pero
paano kung may pating?
"Baka may makasalubong tayong malakig
shark," naiiyak na sabi ni Anndy. Sanay
naman silang mamasyal sa dagat kapag trip
ng pamilya dahil may yacht sila pero ang
maglakbay na scooter ang gamit at ganito
pa kalalim, natatakot siya. Madilim ang
paligid nang nagtago ang buwan sa makapal
na ulam at tanging ilaw mula sa water
scooter ang nagbibigay liwanag sa daanan
nila.
"Kyaah!" tili niya nang umalsa ang sinasakyan
dahil parang may matigas na bagay itong
nadaanan tapos biglang gumalaw kaya
medyo tumagilid sila. Baka malaking
balyena.
"Kumapit ka kasi nang mahigpit!" galit na
sabi ng binata. Mabuti na lang dahil
nahawakan niya ang isang kamay ni Anndy
na nasa bewang niya, "huwag kang mag-
panic! Mamamatay tayo sa kaartehan mo!"
Sanay siya sa dagat pero madilim. Kapag
matumba sila, mahihirapan siyang hagilapin
si Anndy.
"N-Natatakot ako," bulong niya at hinigpitan
ang pagkayakap sa bewang ng binata na
para bang ito ang pinaghuhugutan niya ng
lakas. Naalala niya ang pinsang si Mandy,
takot na takot 'yon sa tubig lalo na sa
dagat. Ngayon, mukhang siya ang
tigapagmana ng phobia nito.
"H-Hindi ba tayo mauubusan ng gasolina?
Paano kung mabutasan tayo?" Baka may
madaanan silang matulis na bagay na
palutang-lutan o 'di kaya'y malaking isda.
"Full tank tayo, may dalawang litro pa
tayong ekstra but I can assure you, aabot
tayo bago maubos ang nasa tangke," sagot
ng binata.
Napadila si Anndy sa gilid ng mga labi.
Nalalasahan niya ang alat ng tubig dagat na
tumatalsik sa mukha niya. Ang pait din ng
mga mata niya dahil sa tubig-dagat. Sa
isang kakahuyan sila dumaan. Pagdating
nila, sa tabing-dagat, nakahanda na itong
water scooter. Ang sabi ng binata, hindi sila
puwedeng dumaan sa main port dahil
maraming nag-aabang sa kanila.
Alam ni Anndy makukuha ng ama ang access
sa lahat ng CCTV sa main road at sigurado
siyang gumagawa na ng paraan ang mga ito
para mahanap siya. Alam din niyang
nakarating na sa kanila na nakatakas sila.
Ang lokasyon na lang nila pero kahit
cellphone, wala siya.
Alas kuwatro ng madaling araw, nakadaong
sila sa isang maliit na isla. Itinali ng binata
ang scooter sa isang napakamalaking puno.
"Halika na," yaya nito na nauna nang
maglakad.
"S-Saan na tayo?" tanong ni Anndy. Madilim
pa rin ang daang tinatahak nila dahil
sumuong sila sa kakahuyan.
Nanayo ang balahibo niya nang nagsiliparan
ang mga paniking nasa dahon ng mataas at
malaking buri palm.
"N-Natatakot ako," naiiyak na sabi niya saka
niyakap ang sarili nang maramdaman ang
malaking pakpak na humampas sa likod niya,
"m-may aswang."
Bakit ganito? Kung sa Maynila, masasamang
tao tapos dito naman, masasamang ispiritu.
Ganito na ba talaga siya kamalas? Habang
naglalakad, naririnig niya ang tunog ng mga
tuyong dahon na naaapakan.
"A-Aray!" naiiyak na sabi niya nang madapa
dahil sa nakausling ugat ng malaking balete.
"Okay ka lang?" tanong ng binata at
binalikan ito. Naaninag niya si Anndy na
nakaupo habang hawak ang tuhod.
"H-Hindi ko na kayang maglakad, iwan mo
na ako," sagot ng dalaga. Baka aswang
talaga ito tapos ipapakain siya sa tribu nila.
"Halika!" sabi ng binata at binuhat si Anndy
na parang bagong kasal kahit na masakit
ang mga braso niya. Pasalamat siya dahil
nanumbalik nang kaunti ang lakas niya.
Kakain na lang siya ng gulay para bumalik
ang nawalang dugo niya dahil sa sugat.
"M-Mabigat ako..."
50kgs siya. Kahit payat, matangkad siya
kaya alam niyang mabigat siya.
"Hindi ko ikakamatay ang pagbuhat ng
singkuwenta kilong babae," tinatamad na
sagot ng binata. Pagod na siya, nagugutom
pa kaya kailangan niya ng pahinga at
pagkain. Sigurado siyang mas lalo na si
Anndy. Hindi ito sanay at marami ang hindi
kanais-nais na nangyari sa kanila. Masakit na
rin ang mga paa nitong puno ng sugat.
Ipinulupot ni Anndy ang mga kamay sa leeg
ng binatang amoy dagat. Pagod na siya at
higit sa lahat, gusto na niyabg matulog.
Magaan sa pakiramdam, matapos ang ilang
araw, ngayon lang siya nakapagpahinga at
sa bisig pa nito. Hinihila na siya ng antok
nang maaninag ang liwanag na nagmula sa
maliit na kubo.
Nagsimula na ring magtiktilaok ang mga
manok. Hudyat na umaga na.
"Uncle?" tawag ng binata nang malapit na
sila, "Uncle? Gising ka na ba?"
"Hijo!" tawag ng bulalas ng matanda na may
bitbit na lamparang de gas mula sa likuran
ng maliit na kubo. Nasa
"Magandang umaga ho," magalang na bati
ng binata.
"Sino 'yan?" tanong ng lalaki
na nakatingin
kay Anndy. Ibinaba ng binata si Anndy.
"Mamaya na ho tayo mag-usap, may
makakain ka na ba? Kanina pa kami
nagugutom," tanong ng binata at sumunod
sa tiyuhin na pumasok sa loob ng kubong
gawa sa kahoy ang haligi, kawayan ang
dingding at nipa naman ang bubong.
Pagpasok nila, lupa pa rin ang apakan. May
mahabang upuan na gawa sa kahoy at sa
bandang dulo ay kusina. Sa itaas ng apat na
baitang na hagdan ang malawak na tulugan.
"Magluluto pa ako," sagot nito at pumunta
sa kusina.
"Inaantok ka na?" tanong ng binata kay
Anndy na hindi kumikibo.
"I-Inaantok ako," sagot ng dalaga.
"Halika sa taas," yaya ng binata at inalalayan
siyang umakyat. Malawak ang espasyo na
ang sahig ay kawayan.
Kaunti lang ang gamit. Apat na kahon ng
karton na lagayan ng damit.
(Mahina ako sa description kaya heto na
'yung kubo pero walang cemento)
"B-Baka bumigay ang kawayang sahig," wika
ni Anndy sa binatang inaayos na ang banig,
dalawang unan at isang kumot na higaan
niya. Rumaragitnit kasi ang kawayang sahig
sa tuwing hahakbang siya.
"Matibay 'yan, masanay ka rin kapag tumagal
ka na," anito.
"I-Ibig sabihin, tatagal tayo rito?" nag-
aalalang tanong ni Anndy.
"Safe tayo sa lugar na ito," sagot ng binata,
"matulog ka na, gisingin na kang kiga kapag
luto na ang pagkain."
Bumaba na ito. Naiiyak na naman si Anndy
pero bago pa tumulo ang mga luha niya,
nahiga na siya sa banig. Papaliwanag na sa
labas pero ang buhay niya, padilim nang
padilim.
Masakit ang buong katawan ni Anndy nang
magising. Maliwanag na sa labas kaya
bumangon siya para bumaba.
"Kailan kaya ako magigising na nasa kuwarto
ko na ako?" tanong niya sa sarili. Pababa na
siya ng hagdan ang marinig ang pag-uusap
ng dalawa.
"Ano ang balak mo sa kaniya?"
"Wala pa. Hanggat hindi ko nagawa ang
gusto ko, dito muna siya," sagot ng binata.
Napatingin sila nang marinig ang pagbaba ni
Andy.
"Mabuti at gising ka na, kumain ka na," sabi
ng binata.
Nanghihinang lumapit si Anndy sa kanila na
nasa mesa.
"Nauna na kami, hindi ka na namin ginising
dahil masarap ang tulog mo," sabi ng
tiyuhin ng binata kaya ngumiti si Anndy.
"Salamat po sa pagkain."
Nanginginig ang mga kamay na naglagay
siya ng kanina sa plato. Nang mapansin ng
binata, ito na ang naglagay ng sabaw ng
tinolang manok sa plato ng dalaga.
Nagsimulang kumain si Anndy. Dahil sa
pagod at gutom ang panginginig ng mga
kamay niya kaya nakarami siyang kanin.
"Zero, paano kung may makakita sa inyo at
magsumbong?" tanong ng tiyuhin.
"Sabihin ninyong asawa ko siya," sagot ng
binata kaya napatingin si Anndy rito,
"walang nakaalam na ako ang kasama ni
Anndy kaya malaya akong gumalaw."
"Paano siya?" tanong ng tiyuhin na inginuso
si Anndy.
"News blackout ang mga Lacson. Ang
pagkakaalam ng lahat, sa Japan si Anndy
ngayon," sagot ni Zero na napasulyap sa
dalagang ipinagpatuloy ang pagkain.
"Okay, huwag lang sana kayong masundan
dito sa pulo," nag-aalalang sabi ng tiyuhin.
Tatlong oras ang lalakbayin ng turista bago
makarating sa kanilang pulo kaya malayo pa
lang ang mga ito, malalaman na ng lahat na
may paparating.
"Basta kapag may magtanong, sabihin
ninyong asawa ko na si Anndy," pakiusap ng
binata.
"Ako ang bahala, o siya, aalis muna ako.
Gagawa pa kami ng bahay ni Aleng Nina,"
paalam ng tiyuhin at tumayo na saka
lumabas.
"Zero pala ang pangalan mo," sabi ni Anndy
habang kumakain.
"Tapusin mo na ang kinakain mo at
magpahinga ulit," sabi ng binata.
"Hindi ba puwedeng magkaibigan lang tayo?
Ayoko ng mag-asawa tayo," pagtutol ng
dalaga.
"Mas mabuti na 'yong mag-asawa," sagot
ng binata, "para kapag mabuntis kita,
walang magtataka."
Napatigil si Anndy sa pagkain at napatitig sa
mukha nitong nakangisi, "depende sa kung
paano mo ako aakitin, Anndy."
"Kapal ng mukha mo!" singhal ng dalaga
kaya mas lalong lumakas ang pagtawa ni
Zero.
"Biro lang, seryoso ka naman. Kumain ka pa,
marami pang kanin sa kaldero."
Tumayo si Zero at iniwan si Anndy na
nakasimangot.
BINABASA MO ANG
Ang Kidnapper Kong Gwapo
ActionKinidnap niya ang prinsesa ng mga Lacson pero paano niya masosolusyunan ang problema kung ayaw na nitong umuwi sa kanila? Paano nya bubuhayin ang maarte at mayamang babae kung isa lamang siyang kidnapper nito?