29

3.5K 121 4
                                    

Ang Kidnapper kong Gwapo

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 29 ( Paalam )

Unedited...

"Kaya pala iniwan mo si Ligaya, ang ganda
naman pala ang ipinalit mo sa kaniya,"
nakangiting sabi ni Jason habang nakatitig
kay Anndy na papalapit sa kanila na may
bitbit na basket.
Napatingin si Zero sa dalaga habang
nakangiting lumalapit sa kanila. Angat pa rin
ang kaputian nito sa mga tagarito. Kung
sabagay, nasa loob lang naman ito ng bahay
at kahit paano, gumagamit ng lotion.
Litaw ang mahahaba nitong binti sa suot na
kupas na maong shorts katerno ng medyo
maluwag na dirty white tshirt.
"Baby Z!" tawag ni Anndy kaya tumayo si
Zero at sinalubong ang dalaga, "May dala
akong merienda. Nagpaturo akong magluto
kay Aleng Marimar ng biko!"
"Wow! Ang sarap naman ng merienda
namin," ani Laurence. Kinuha ni Zero ang
bitbit ni Anndy at inilapag sa mesang nasa
gitna ng cottage.
"Ulol! Para lang 'yan kay Baby Z niya,"
natatawang sabat ni Jason.
"Hindi. Marami ito kaya kasya para sa inyo,"
sabi ni Anndy.
"Ayos!" masayang sabi ni Laurence.
Habang kumakain, nagbibiruan pa ang tatlo.
"Pahinga na ninyo bukas," sabi ni Anndy. Ito
ang huling araw nila sa paggawa ng
cottages. Ang sabi ni Zero, next month daw
nilang umpisahan ang pagpatayo ng building
sa kabilang resort.
"Oo nga. Mabuti at nakaabot sa fiesta," sabi
n Laurence. Bukas na ang fiesta nila.
"Ang saya naman! Punta kami sa inyo,"
excited na sabi ni Anndy. Makapagperya na
naman sila ni Zero. Mula nang may mangyari
uli sa kanila, palagi na nilang ginagawa iyon.
Ang saya niya dahil pakiramdam niya, mag-
asawa na talaga sila ni Zero. Nagsusungit pa
rin ito pero minsan na lang. Si Ligaya lang
talaga ang tinik sa buhay niya dahil madalas
pa rin itong dumadalaw pero wala siyang
pakialam. Basta siya anh inuuwian ni Zero
kahit na wala itong sinabing mahal din siya
nito.
"Sige. Sayang lang at hindi nakaabot ang
alagang baboy ninyo. Sana may le-lechon-in
tayo."
"Hmm? Hindi pa raw siya manganganak sabi
ni Zero. Next month pa yata e," sabi ni
Anndy. Nasanay na siya sa dalawang
kaibigan ni Zero at minsan ay nakakasabay
na siya sa mga biro nila.
"Si Ligaya? Pupunta ba siya sa inyo?"
tanong ni Jason.
"Ewan ko," sagot ni Laurence.
"Sus, kunwari ka pa. Kaya ka lang naman
nagtatrabaho rito dahil sa kaniya," tukso ni
Jason. May kaya sina Laurence at hindi ito
magtitiis bilang karpentero kung hindi dahil
kay Ligaya.
"Ang hirap kasi kapag nakagapos na ang
puso niya sa iba," napakamot sa ulo na
sagot ni Laurence.
Napasulyap si Anndy kay Zero na kumakain
ng biko na nakalagay sa dahon ng saging.
"Kumain ka na?" tanong ni Zero nang
mapansing nakatitig si Anndy sa kaniya.
"Bago ako umalis, kumain na ako," sagot ni
Anndy. Minsan, gusto niyang itanong kung
mahal pa ba nito si Ligaya? o kung
nasasaktan din ba ito sa tuwing lalapit si
Laurence sa ex-girlfriend nito.
"Kumain ka ulit," sabi ni Zero at sinubuan
siya.
"S-Sige," nahihiyang sagot ni Anndy at
kinain ang ibinibigay ni Zero.
"Masarap ang pagluto mo," wika ni Zero.
"Talaga?" tila nagliwanag ang mga mata ni
Anndy.
"Yes," sagot ni Zero at ipinagpatuloy ang
pagkain.
"Tawag kayo ni Mayor," sabi ng kasamahan
nilang palapit sa kanila. May bitbit itong
puting sobre.
"Ayos! Sahod na. May pangsabong ako
bukas!" nakangising sabi ni Jason na
tumayo.
"Dito ka lang, kukunin ko lang ang sahod,"
sabi ni Zero at tumayo kaya naiwang mag-
isa si Anndy.
Napatingin siya sa malawak na karagatan.
Maganda ang isla na ito pero para sa kaniya,
ordinaryo lang ang resort. Siguro dahil
nasanay ang mga mata niya sa family resorts
nila lalo na ang nasa Iloilo na katabi lang ng
Gigantes Island.
"Kumusta na kayo, Mommy? Daddy? Mga
kuya?" malungkot na bulong niya sa hangin
saka ipinikit ang mga mata para alalahanin
ang mga mukha nila. Napangiti siya habang
ginugunita ang alaala kasama ang pamilya.
Mula sa kung paano mainis ang quadruplets
sa luto ng Mommy Ann nila, at sa kung
paano nandidiri ang mga ito sa pagiging
malambing ng ama nila. Kahit ang mga
pinsang Villafuerte at Rodriguez, naalala rin
niya.
"Tin? Kumusta ka na?" bulong ni Anndy.
Sayang, wala siyang pagkuwentuhan ng sakit
at hirap na dinanas niya. Akala niya noon,
hindi siya mabubuhay nang wala ang
bestfriend dahil palagi na lang itong
nandiyan sa kaniya. Tila isang pader na
anumang oras ay masasandalan niya.
Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang
mga luha niya. Pinahidan niya ito at ngumiti.
"I wish na makakauwi na ako at mayakap
kayo," taimtim na bulong niya. Sana lang ay
may mabait na jenie na nakikinig sa kaniya
kung sakaling nasa lugar nga siya ng mga
engkanto.
"Uwi na tayo."
Napalingon si Anndy nang magsalita si Zero
sa likuran niya. Nakabalik na pala ito.
"Sige," sabi ni Anndy at niligpit ang lahat ng
gamit. "Sina Laurence?"
"Umuwi na. Maghahanda pa sila ng
kakataying baka mamayang gabi," sagot ni
Zero.
"Baby Z? Punta tayo sa perya mamaya?"
"Huwag mo akong tawaging Baby Z,"
reklamo ni Zero kaya napalabi si Anndy.
"Gustong gusto mong tawagin kitang Baby
Z. Ikaw nga, Baby A ang tawag mo sa 'kin
e," ani Anndy.
"Tsk! Basta huwag na 'yong Baby Z kapag
hindi naman tayo nag--"
"Body bonding?" nakangiting sabat ni
Anndy.
"Bilisan mo na nga at magluluto pa ako!"
pag-iiba ni Zero at napatingin kay Anndy
habang naglalagay ng gamit sa basket.
Aaminin niya, araw-araw niya itong nakikita
pero hindi siya nagsasawa sa mukha nito. Sa
tuwing titigan niya ang mukha nito, animo'y
isang batang nagmamakaawa sa kaniya sa
lahat ng bagay. Ang pinakaayaw pa naman
niya ay ang magbigay ng awa sa mga ito lalo
na sa kasapi ng Lacson.
Binitbit niya ang basket at naglakad na
pauwi. Nakabuntot naman si Anndy sa
kaniyal.
"Baby Z!" tawag ni Anndy at sinabayan si
Zero saka ipinulupot ang kamay sa braso ng
binata para hindi mahuli sa paglalakad.
"Para tayong mag-ama!" wika ni Zero. Isang
ama habang bitbit ang dalagitang anak.
"Hindi a," parang batang pagtutol ni Anndy,
"Mag-asawa tayo."
"Ang kulit mo!" wika ni Zero na
nakasalubong ang kilay at hinayaan lang si
Anndy na kumapit sa kaniya.
Pagkarating nila sa tinutuluyan, nagpahinga
muna sila sa labas.
"Baby Z? Paano kung quadruplets din ang
babies natin?" tanong ni Anndy habang
nakaupo sila sa duyang ginawa ni Zero para
sa kaniya.
Hindi kumibo si Zero. Nakatitig lang sa
malawak na karagatan.
Isinandig ni Anndy ang ulo sa balikat ng
binata at pinagmasdan ang tinatanaw ni
Zero.
"Ano ang ipangalan natin sa kanila? Baby B,
Baby C, Baby D at Baby E? Pero 26 ang
alphabet kaya may twenty four pa tayong
buuin."
Napatahimik siya nang nanlilisik ang mga
matang nakatitig si Zero sa kaniya. Kapag
ganito ang hitsura, pinapatahimik na siya
nito.
"I-Ipangalan na lang natin sa mga anak ni
Bhabz ang ibang letters."
Biglang tumayo si Zero, "Magliligpit lang ako
ng mga gamit natin," paalam ni Zero. Uuwi
na sila sa makalawa sa bahay-kubo nila.
----------------------
"Zero? Saan tayo pupunta? Hindi pa ba tayo
pupunta kina Laurence?" tanong ni Anndy
nang bumaba sila sa jeep.
"Bibili lang tayo," sagot ni Zero habang
naglalakad. Alas siyete pa lang ng umaga.
Ang usapan nila ay dapat nandoon na sila
bago magtanghalian dahil tutulong pa si
Zero sa pag-lechon ng baboy.
"Ano ang bibilhin natin?" tanong ni Anndy.
Hinawakan niya ang kamay ni Zero para hindi
mahuli sa paglalakad.
"Isda," sagot ni Zero at ipinagpatuloy nila
ang paglalakad.
Matapos ang kinse minutos na paglalakad ay
nakarating sila sa daungan ng mga bangka.
Marami ang nakahilirang bangka at may ilan
din namang mangingisda.
"Marami ba ang isdang bibilhin natin?"
tanong ni Anndy at napatingin sa bangkang
may mga bumababang pasahero na
kakarating lang.
"Medyo," tipid na sagot ni Zero at may
dinukot na puting sobre sa bulsa.
"Anndy? May nakalimutan ako. Kailangan ko
pala ng lagayan ng isda," sabi ni Zero.
"Isupot na lang natin," sagot ni Anndy na
nakatingala sa binata.
"Kailangan ko ng banyera, marami ang
isdang bibilhin natin dahil iihawin para
pulutan," sagot ni Zero.
"Ganoon ba?" ani Anndy.
"Dito ka lang muna. Kukuha lang ako sa
bahay nina Laurence," sabi ni Zero.
"Sama ako," sabi ni Anndy.
"Dito ka lang, hindi na kasya sa motor
pagbalik. Isa pa, bantayan mo ang bangkang
parating. Baka maunahan tayo ng iba.
Sabihin mong tatlong banyera ang bibilhin
natin," bilin ni Zero at inabot kay Anndy ang
puting sobre.
"Babalik ka kaagad?" nag-aalalang tanong ni
Anndy. Medyo malayo pa ang bayan kaya
baka matagal siyang balikan ng binata.
"Oo. May motor naman si Laurence," sagot
ni Zero at tinanggal ang kamay ni Anndy sa
braso niya.
"Sige. Paano ko malalaman na iyon na
pala?" tanong ni Anndy.
"May lambat naman at walang ibang karga
iyon kundi dalawa o tatlong mangingisda.
Basta may lalapit namang mga mamimili,"
sagot ni Zero na titig na titig sa inosenteng
mukha ni Anndy.
"Sige, dito lang ako," nakangiting sabi ni
Anndy.
Naramdaman niya ang paglapat ng mainit na
mga labi ni Zero sa likod ng balikat ka.
"Ingat ka, Anndy," sabi ni Zero saka
tumalikod sa kaniya.
"Zero!" tawag ni Anndy habang nakalingon
sa binata, "bilisan mo."
Isang tipid na ngiti ang isinagot ni Zero
bago siya iniwan.
Napaupo si Anndy sa malaking bato nang
mainip sa kakahintay. Ayaw niyang lumapit
sa mga tao dahil nahihiya siya at nakatingin
ang mga ito sa kaniya.
May mga sumakay sa bangkang kakarating
lang. Malamang paalis na naman ito.
Binuksan niya ang sobre at binilang ang
pera. Mahigit walong libo ang laman.
Mukhang ito pa ang sahod ni Zero kahapon
kaya napatitig siya rito.
Mahigit kalahating oras nang wala pa si Zero
kaya lumapit siya sa kumpol ng mga taong
malapit sa bangka.
"Hindi na ho puwede. Isa na lang ang
makakasakay," wika ng bangkero sa limang
magbabarkada.
"Ay, Kuya, hindi puwedeng maiwan ang isa
sa amin," maarteng sagot ng babaeng mas
maitim sa kanilang lahat.
"Ikaw Miss? Sasakay ka ba? Maglalayag na
kami. Isa na lang talaga ang kulang," tanong
ng bangkero kaya napatitig si Anndy sa
hawak na sobre.
"Ikaw na, hindi na kami sasakay. Sa susunod
na lang kami," sabi ng babaeng may
mahabang buhok.
"M-May dumadaong bang mangingisda
rito?" tanong ni Anndy.
"Sa kabilang port ang daungan ng
mangingisda," sagot ng babaeng
pinakamaitim. Mangingisda rin kasi ang ama
nito.
Napahigpit ang pagkahawak ni Anndy sa
puting sobre. Ibig sabihin, sinadya ni Zero
na iwan siya rito. Hindi na siya nito
babalikan.
"Miss? Ano na? Mamayang alas kuwatro ng
hapon pa ang susunod na bangka," sabi ng
bangkero. Dalawang biyahe lang sila kada
araw dahil dalawa lang ang pampasaherong
bangka. Isa sa umaga at isa sa hapon.
"A-Ako na po ang sasakay," sagot ni Anndy.
Mabibigat ang mga paang humakbang siya
paakyat sa bangka habang inalalayan ng isa
pang bangkero.
"Sa likuran ka na, Miss," magalang na sabi
ng binatilyo kaya wala sa sariling pumunta
siya sa likuran at naupo.
Sumenyas ang bangkero na aalis na sila kaya
tinanggal na ng kasama nito ang lubid na
nakatali sa malaking posteng gawa sa bato.
"Mommy, daddy, kuya, makakauwi na ako,"
bulong ni Anndy nang umandar na ang
bangka. May pera siyang pauwi. Pagdating
niya mamaya sa kung saan man pupunta ang
bangkang sinasakyan, puwede siyang
humingi ng tulong sa mga tao para
magpahatid sa police station at magpasundo
sa mga magulang. Pero paano kung sa
pagdaong nila, bala ng kalaban ang
nakaabang sa kaniya?
Pinahidan niya ang mga luha nang tila guhit
ng lapis sa papel na lang ang dalampasigan
sa kaniya. Sa wakas, makikita na niya ang
pamilya. Makakalaya na siya mula sa
kidnapper niya.
"Z-Zero..." bulong niya. Si Zero, iiwan na
niya. Hindi na niya ito makikita.
Magpapakasal na sila ni Ligaya. Malaya na
siya kapalit ng kalayaan nito. Si Bhabz, iiwan
na niya ang alaga niya habang hindi pa ito
nakapanganak. Biglang lumakas ang pag-
iyak niya kasabay ng pagtalsik ng tubig
dagat sa balat niya dahil malakas nang
palakas ang alon.
"Hindi ba, siya ang asawa ni Zero? Aalis
siya? Iiwan na niya si Zero?" bulong ng
isang pasahero sa kasama. Nasa unahan lang
sila ni Anndy pero kahit na maingay ang
makina, hindi ito nakaligtas sa pandinig ni
Anndy.
"Baka nag-away sila," sagot ng isa.
"Z-Zero..." sambit ni Anndy at biglang
napatayo.
"Miss, maupo ka lang. Baka tataob ang
bangka," pakiusap ng bangkero kay Anndy.
"K-Kuya? B-Babalik ho ako. K-Kuya, babalik
ho ako. N-Naiwan po ang asawa ko..."
natarantang wika niya kaya napatingin ang
mga pasahero sa kaniya.
"Malayo na ho tayo," sagot ng bangkero.
Umiling si Anndy, "B-Balik ho tayo. P-
Parang mo na po. I-Ibalik po ninyo ako,"
umiiyak na pakiusap niya at naglakad
patungo sa unahan ng bangka pero pinigilan
ng bangkero.
"Malayo na tayo. Hindi na puwede," sabat
ng babaeng matanda.
"P-Pakiusap po, b-babalik po ako,"
nagamamakaawang sabi ni Anndy na hilam
ng luha ang mga mata. Naninikip din ang
dibdib niya sa kakaiyak.
Tatalon na sana siya sa bangka pero
napigilan siya ng lalaking pasahero.
"Miss, bumalik ka na lang mamaya.
Nagmamadali rin kami," sabi nito.
"B-Babalik po ako sa a-asawa ko," pakiusap
niya. Alam niyang mahal na rin siya ni Zero
pero ayaw lang aminin nito. Nararamdaman
niya, nagpipigil lang si Zero pero mahal siya
nito.
Wala siyang nagawa kundi ang umiyak nang
umiyak nang hindi na nakita pa ang isla.
"Z-Zero..." humihikbing sambit niya. Paulit-
ulit lang.
Nagtataka siya nang tumigil ang makina ng
bangka.
"Miss? Lumipat ka na sa kabilang bangka
para makabalik ka na sa isla," sabi ng
bangkero nang makasalubong nila ang
bangka ng dalawang mangingisda.
"Talaga ho?" masiglang sabi ni Anndy at
tumayo. Inalalayan siya ng dalawang lalaking
pasahero para makalipat sa bangka.
"Boss, ingatan n'yo 'yan, asawa 'yan ni Zero.
Kapag may manggyaring masama sa kaniya,
lagot kayo kina Pablo," pagbibigay alam ng
bangkero sa dalawang mangingisda.
"Ayos, Boss!" sagot ng matandang
mangingisda sa bangkero.
"S-Salamat po," pasalamat ni Anndy sa
bangkero.
"Kuya? Salamat po sa pagpasakay,"
pasalamat ni Anndy at napasulyap sa batang
kasama nito na inaayos ang lambat. Sa
tantiya niya, nasa sampung taong gulang pa
lang ito.
"Wala iyon," sagot ng matanda bago
umubo.
Napag-alaman ni Anndy na mag-ama sila at
dalawang araw nang nangingisda. Kilala nila
sina Zero at Pablo kaya naging kampante si
Anndy. Oo nga't madumi ang damit at amoy
isda na sila pero hindi sila masamang tao.
Kinakausap siya ng mag-ama at
nakipagtawanan sa kaniya. Ang galing din
kumanta ng anak nito.
Tumulo na naman ang mga luha niya nang
matanaw ang pusod ng dagat.
Pagdating nila sa dalampasigan,
nagpasalamat si Anndy sa mag-ama.
Binigyan din niya ito ng tatlong libo mula sa
perang ibinigay ni Zero.
Mabilis na tumakbo siya na hindi niya alam
kung saan patungo.
"Z-Zero..." bulong niya habang naglalakad.
Alam niyang hindi na siya nito babalikan
kaya uuwian na lang niya ito. Bahala na kung
magalit ito sa kaniya.
Nanlalabo na ang paningin niya dahil sa mga
luha pero binaybay niya ang walang katao-
taong kalsada. Umaasa siya na sana ay may
sasakyang dadaan para magpahatid siya sa
bayan.
Pagod na siya. Nananakit ang mga paa sa
paglalakad kaya naupo muna siya sa
malaking bato na nasa gilid ng kalsada. Iyak
siya ng iyak. Tila isa siyang maamong tupa
na nawawala sa gitna ng masukal at madilim
na gubat habang hinahanap ang ama.
Pinahidan niya ang mga luha habang
nakayuko. Napatingin siya sa malaking paa
na nasa harapan niya. Biglang bumilis ang
pagtibok ng kaniyang puso. Kilala niya ang
sandal at mga paa.
"Z-Zero..." luhaang sambit niya at tumingala
sa lalaking nasa tapat niya.
"Zero!" hiyaw niya at tumayo saka niyakap
ang binata, "Z-Zero, iniwan mo ako."
""Hindi ba't sabi ko na sa 'yo, huwag mo
akong mahalin?" seryosong saad ni Zero.
"H-Hindi ko kayang hindi ka m-mahalin,"
humihikbing sagot niya saka niyakap nang
mahigpit si Zero kahit na sobrang pagod na
siya. Isinubsob niya ang mukha sa malapad
na dibdib nito sala humagulgol sa pag-iyak.
"A-Akala ko, h-hindi na kita m-makikita."
Kumalas si Zero at hinawakan siya sa
magkabilang balikat, "Hindi ako nag-aalaga
ng bata." Pinahidan niya ang masaganang
luha ni Anndy saka hinapit ito sa bewang,
"ngayon lang," dagdag ni Zero at inangkin
ang mga labi ng dalaga.

A/n:
And they lived happily ever after. Charot.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon