17

3.2K 109 2
                                    


Ang Kidnapper kong Gwapo

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 17

Unedited...

"Morning!" bati ni Anndy kay Zero habang
inilapag ang sinangag at pritong tuyo at
scrambled eggs.
"Morning," tipid na sagot ni Zero at
dumiresto sa kusina saka kumuha ng tubig
sa banga at nagmumog.
Nang matapos ay itinapon niya ang ahas sa
malayo. Mabuti na lang dahil hindi nag-
iinarte si Anndy pagkagising nito dahil sa
patay na ahas.
"Kain na," yaya ni Anndy at nilagyan ng
plato ang puwesto ni Zero.
Tahimik na naupo ang binata sa tabi niya.
Napasulyap si Anndy rito, nanlalalim ang
mga mata at ang laki ng eyebags.
"Hindi ka ba nakatulog kagabi?" tanong ni
Anndy. Hindi niya naramdaman dahil nang
ipikit niya ang mga mata, ang sarap na ng
tulog niya na hindi niya nararamdaman ang
nangyayari sa paligid.
"Paano ako makakatulog?" tanong ni Zero,
"eh, ang ingay ng biik mo!"
Iyak nang iyak ang baboy. Hindi naman niya
mapuntahan dahil ang higpit ng yakap ni
Anndy sa kaniya.
"Kinakagat nga siya ng lamok," wika ni
Anndy.
"Nagutom lang siya. Hindi mo ba siya
binigyan kagabi?" tanong ni Zero na mas
piniling kumain na nakakamay.
"Binigyan ko naman," sagot ni Anndy.
Siyempre hindi niya aaminin na kaunti lang
ang binigay niyang pagkain dahil baka
magalit ito.
"Pagkatapos nito, maligo ka na, aalis tayo,"
pag-iiba ni Zero.
"Talaga? Pupunta tayo sa bayan?"
"Oo, may party dress ka naman diyan, 'di
ba? Iyon ang suotin mo," sagot ng binata.
Nang pumunta siya sa Maynila, may mga
binili siyang damit para kay Anndy. Tamang-
tama lang para sa party.
"Pupunta tayo sa birthday party ni Ligaya?"
tanong ni Anndy na parang nawalan ng
gana. Naalala niyang ngayong Linggo pala
ang kaarawan ng ex-girlfriend nito.
"Yes," sagot ni Zero.
"Kawawa naman si Bhabz, walang
magpapakain sa kaniya," wika ni Anndy.
"Kung naaawa ka sa biik mo, maiwan ka rito.
Ako na lang ang pupunta," sagot ni Zero.
"Sasama na ako," mabilis na sagot ni Anndy
kahit na labag sa kalooban. Naiinis talaga
siya kay Ligaya kahit ba wala naman itong
nagawang masama sa kaniya. Parang ang
hambog kaya mabigat ang dugo niya rito.
Pagkatapos nilang kumain, naligo na siya sa
balon. Nakatapid lang siya ng puting
tuwalya habang inilagay sa ulo ang maliit
palangganang may lamang damit na
isasampay niya.
Habang nagsasampay siya, nakita niya si
Zero na pumunta sa balon.
Napabuntonghininga siya. Hala, naalala niya
ang tungkol sa ahas nito kagabi. As in nakita
talaga niya. Sa tingim niya, mas malaki at
mahaba kaysa sa karaniwan. Malalaki rin
naman ang sa mga kuya niya pero iba pa rin
kapag kay Zero.
Pumasok siya sa loob ng bahay para
magbihis na.
Nang sumilip siya sa bintana, pabalik na si
Zero kaya inayos na niya ang sarili saka
bumaba. Hinayaan niyang nakalugay ang
mahabang buhok.
"Hintayin mo ako sa labas at bigyan mo ng
sapat na pagkain ang alaga mo para hindi
magutom," wika ni Zero.
"Matagal ba tayo?" tanong ni Anndy.
"Alas tres ang simula ng party kaya baka
gabihin tayo," sagot ng binata.
"Doon na naman tayo matutulog?" tanong ni
Anndy na tutol ang kalooban. Gusto niyang
umuwi kahit na alas dose na ng gabi
matapos ang party pero si Zero pa rin ang
masunod.
"Tingnan natin," sagot ni Zero.
Lumabas na si Anndy at iniwanan ng tubig
at pagkain si Bhabz.
Nang lumabas si Zero, tumayo si Anndy.
"Z-Zero? Baka nakawin siya."
"Walang kukuha sa kaniya. Kung nag-aalala
ka sa baboy mo, maiwan ka rito," ani Zero.
"Baka puwede natin siyang dalhin?" pakiusap
ni Anndy, "itatali lang natin siya sa puno na
malapit sa party."
"Sasama kang mag-isa o maiwan kang
kasama mo 'yan!"
Kaunti na lang mapupuno na naman siya kay
Anndy. Sinalubong niya ang naluluhang mga
mata nito na nagpapaawa pa. No, kahit ano
ang mangyari, hindi siya papayag na isasama
nito ang lintik na biik.
Naglakad na siya. Mukhang ayaw talaga
nitong sumama. Mabuti nga at walang
pasaway sa buhay niya.
"Zero! Sasama kami!" sigaw ni Anndy kaya
tumigil siya at hinarap ito pero biglang
nawalan ng kulay ang mukha. Hila nito ang
nakataling baboy habang humahabol sa
kaniya. Ang bilis din namang tumakbo ng
baboy na nakabuntot kay Anndy.
"Hindi ka ba titigil?" sigaw niya at pinutol
ang sanga ng bayabas saka pagalit na
sinalubong si Anndy para mapalo ito. Swear,
mapapalo talaga niya si Anndy para
magtanda.
"I-Ibabalik ko lang si Bhabz," wika ni Anndy
at hinila naman ang biik pabalik sa bahay.
"Dito kayong dalawa ng baboy mo!" galit na
sabi ni Zero at ipinagpatuloy ang paglakad.
Bahala na si Anndy. Paglingon niya, wala pa
ang dalaga kaya binilisan niya ang paglalakad
para hindi nito maabutan. Pagdating niya sa
kalsada, wala pang sasakyan kaya naghugas
muna siya ng paa sa maliit na balon sa gilid
ng kalsada.
"Z-Zero!" hinihingal na tawag ni Anndy.
"Haist! Bakit ka ba sumama?"
"Dahil gusto ko!" sagot ni Anndy at
nakihugas din ng paa. Binuhusan ni Zero ang
paa nito ng tubig.
Yumuko ang binata at tinanggal ang putik
na kumapit sa mga paa ng dalaga. Ang puti
ng mga paa ni Anndy kahit na may peklat
ito dahil sa mga naapakan pero ang lambot
pa rin nito. Parang paa ng isang prinsesa.
Kung sabagay, prinsesa naman si Anndy.
Prinsesa na kinidnap niya at dinala sa lugar
na kung saan, wala karangyaan. Malayo sa
lipunan at hindi mahalaga ang ginto't pilak.
"T-Tapos ka na?" naiilang na tanong ni
Anndy nang maramdamang hinahaplos ni
Zero ang mga paa niya. Nakikiliti siya.
"Okay na 'yan," sabi ni Zero at tumayo.
Muling isinuot ni Anndy ang itim na sandal.
"S-Salamat," pasalamat ng dalaga at
pasimpleng sinulyapan si Zero. Ang guwapo
nito sa suot na black polo shirt at relaxed
jeans.
Dumaan ang jeep at pinasakay siya ni Zero
tapos sumabit ito dahil punuan na. Naiilang
si Anndy dahil ang mga kababaihang nasa
loob ng sasakyan ay napapasulyap sa kaniya.
Meron pa ngang napapatunganga.
Pagdating sa bayan, dumaan muna sila kina
Laurence.
"Ang aga naman ninyo, mamayang alas tres
pa 'yon," sabi ni Laurence at humarap kay
Anndy, "hi, Princess."
"Hello," nakangiting bati ni Anndy.
"Uuwi kasi kami ni Princess," sagot ni Zero
at napasulyap kay Anndy na napatingala sa
punong may naglalambitin na unggoy.
"Princess, lumayo ka riyan," saway ni Zero.
Pasaway talaga ito.
"Okay lang, hindi naman 'yan delikado,
mabait 'yan sa mga babae," nakangiting sabi
ni Laurence.
Nakipagkuwentuhan muna sila sa mga
magulang ni Laurence.
"Kain na tayo," yaya ng ina ni Laurence nang
maluto na ang tinolang manok.
Pumunta na sila mesa. Inilabas ng ina nito
ang babasaging plato at magandang kutsara
na nakatago sa aparador.
"Kumain ka nang marami," nakangiting sabi
ni Ginang Luningning na sobrang
nagagandahan kay Anndy.
"Salamat po," magalang na sabi ni Anndy.
"Ito oh, masarap ang manok, para sa 'yo
'yan," sabi nito at inabot ang mangkok kay
Anndy na puro laman ang hiwa.
"Kayo ho?" tanong ni Anndy.
"Mayroon kami," sagot ni Laurence at
sinimulan nang kumain.
Napansin ni Anndy na paa at leeg ang
kinakain ng ni Aleng Luningning.
"Kumain ka pa nang, marami pa ang kanin sa
kaldero," sabi ng ginang kaya ngumiti si
Laurence. Siya ang kumuha ng kanin kaya
alam niyang wala nang lamang kanin ang
kaldero nila. Hindi naman nila inaasahang
mapabisita sina Zero.
"Busog na po ako," sagot ng dalaga. Ang
dami nga ng nakain niya dahil ang sarap ng
tinolang manok na papaya at dahon ng sili
ang sahog.
Pasado ala una nang sumakay sila sa lumang
pickup truck ni Laurence para pumunta sa
resort nina Ligaya. Habang nasa biyahe,
itinali ni Anndy ang mahabang buhok dahil
naiinitan siya. Pagdating nila, marami na ang
mga bisita. Private resort ito ng pamilya
nina Ligaya. Iginala ni Anndy ang paningin sa
paligid, wala namang bago maliban sa white
sand. Siguro dahil para sa kaniya, walang
tatalo sa private resort nila sa Iloilo na
matataas na tao sa lipunan ang mga turista.
Napatingin sa kanila ang mga bisitang halos
ka-edad lang nina Zero. Sino ba naman ang
hindi? Si Laurence lang yata ang may
sasakyan sa kanilang lugar maliban kina
Ligaya. Isa pa, marami ang nagkakagusto
rito. Pero mas napatulala sila kay Zero. Mas
guwapo at malakas ang hatak nito sa mga
babae lalo na't matangkad.
"Zero! Oh my ghad, dumating ka!" masayang
sabi ni Ligaya at mabilis na niyakap ang
binata.
"Siya ang boyfriend ni Ligaya, 'di ba?"
tanong ng baklang bisita.
"Hala, bumalik na pala siya?" wika ng katabi
nito.
"Oo, hindi kasi kayo pumunta sa disco,"
sabat ng babaeng nakatirintas ang
mahabang buhok.
Nainis si Anndy dahil lumipat sa kaniya ang
tingin ng ibang bisita.
"Sino siya?" tanong ng bakla. Lahat ng tao
rito ay magkakilala kaya alam nilang dayuhan
lang si Anndy.
"Asawa ni Zero," sabat ng nakatirintas ang
buhok.
"May asawa na pala siya? Wala nang pag-
asa si Ligaya?"
"Ang ganda niya!" puri ng isa habang
nakatitig kay Anndy. Simple lang ito pero
nangingibabaw talaga ang ganda sa mga
bisita. Ang kinis at ang puti pa ng kutis nito.
"Halikayo Zero, maupo kayo," masiglang
wika ni Ligaya na hinayaan ang mga
tsismoso't tsismosa niyang bisita. Basta
pumunta si Zero kaya masaya siya.
Iniwan muna sila ni Ligaya kaya iginala ni
Zero ang mga mata sa paligid at isa-isang
kinilatis ang mga bisita. Napasulyap siya sa
lalaking kakapasok lang. Sa tantiya niya, 5'8"
ang height at napakabrusko nito tingnan sa
katawan dahil hitik na hitik ang biceps sa
suot na puting sleeveless. Formal party ito
kaya nakapormal din ang mga bisita kahit
paano.
Matapos ang maikling program,
nagpasalamat si Ligaya sa mga bisita dumalo
lalo na kay Zero kaya tuksuhan ang mga
bisita.
Nanggigigil na sumusubo si Anndy habang
nababasag na ang eardrums dahil sa ingay
ng nasa paligid at humihingi pa ng kiss.
"Kiss nila puwet nila!" bulong ni Anndy at
napasulyap sa katabi. Ne wala man lang
itong ginawa para itama ang mga ito.
Ngingiti-ngiti pa ang mokong.
"Zero, halika," tawag ni Ligaya kaya
nagtuksuhan naman ang mga ito.
Pinigilan ni Anndy ang kanang kamay ng
binata sa ilalim ng mesa.
"Huwag kang pumunta sa gitna," mahinang
sabi ng dalaga na hindi nakatingin kay Zero.
"Hindi ito oras para maging isip bata,"
bulong ni Zero at sapilitang hinila ang kamay
mula kay Anndy at tumayo saka lumapit kay
Ligaya.
"Puta! Ingat!" galit na sabi ng lalaking
nakaputing sando nang masagi ni Zero ang
likod ng upuan niya nang mapadaan ito.
"Sorry po, nagmamadali lang akong
puntahan si Ligaya," paumanhin ni Zero at
itinuloy ang pagpunta kay Ligaya.
"S-Salamat at dumating ka, akala ko, hindi
mo na ako babalikan," naiiyak na sabi ni
Ligaya at niyakap si Zero. Natigilan ang
binata. Minahal naman niya si Ligaya pero sa
tingin niya, hindi na siya karapat-dapat sa
tapat na pagmamahal nito.
"Ligaya--" Hindi na natuloy pa ni Zero ang
sasabihin nang tumingala ang dalaga at
mariing hinalikan siya sa mga labi. Sa
pagkagulat, hindi siya nakakilos kaagad.
Tilian ang mga babae na kinikilig sa ginawa
ni Ligaya.
"Bagay kayo! Pakasal na!" hiyaw ng bakla.
"Kasalan na!" tili ng nasa pinakadulong mesa.
"Katay na naman ng baboy!" hiyaw ng nasa
unahan kaya natauhan si Zero. Iginala niya
ang mga mata.
"Excuse me, Ligaya," paalam niya at hinabol
si Anndy na palabas na ng party.
"Anndy!" tawag niya at tumakbo para
maabutan ito.
"Anndy, sandali!" Napatigil ang dalaga nang
hawakan niya sa kanang braso. Ang ingay ng
alon na humahampas sa malalaking bato sa
gilid ng dagat.
"B-Bakit ka umiiyak?" tanong niya nang
pagharap ni Anndy at tumutulo ang mga
luha.
"N-Naiinis ako sa 'yo! Pinakilala mo akong
asawa sa k-kababayan mo pero h-hinalikan
mo si Ligaya sa harap nila. N-Nakakiinis ka!"
humihikbing sagot ni Anndy at pinahidan
ang mga luha. Ang unfair ni Zero.
"Nagseselos ka ba?" tanong ni Zero at
nagtagis ang bagang.
"H-Hindi a. Nagmumukha lang akong
kawawa sa h-harapan nila," sagot ni Anndy.
Alam naman niyang mahal pa nito si Ligaya.
Parang ang sama tuloy niya dahil siya pa
yata ang tinik sa pag-iibigan nila sa harap
ng tagarito.
"Tumigil ka na sa pag-iyak! Nagmumukha
kang selosang asawa ko!" saway ni Zero.
May iilang bisitang naglalakad dito sa
dalampasigan na napatingin sa kanila.
"Bumalik ka na kay Ligaya mo, uuwi na ako!"
naiinis na sabi ni Anndy at lumabas na sa
resort kaya walang nagawa si Zero kundi
sundan si Anndy.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon