Ang Kidnapper kong Gwapoby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 41
Unedited...
"M-Mommy?" tawag ni Dale at binuksan ang
lampshade.
"Shit! Pakipatay, baby!" Utos ni Anndy kaya
agad na pinatay ng anak ang lampshade.
Nasa ibabaw pa kasi niya si Zero.
"Mommy? Bakit nandito si Daddy?"
inosenteng tanong ni Dale habang padapang
nakatunghay sa mga magulang niya.
"Baby? Pakitalikod," pakiusap ni Anndy.
Naramdaman niya ang pagbaba ni Zero sa
ilalim ng kumot na nasa paanan niya.
Nang tumalikod ang anak, mabilis na
nagbihis ang dalawa.
"Daddy? Dito ka na po ma-sleep?" tanong ni
Dale na parang wala naman dito ang nakita.
Basta sa murang edad, ang naiintindihan
lang niya ay magkatabi ang mga magulang.
Binuhat ni Zero ang anak at kinalong.
"Hindi pa. Baby? Huwag mong ipagsabi sa
iba na magkatabi sina Mommy at Daddy,
ha."
Tumango naman si Dale, "Good boy,"
nakangiting sabi ni Zero at ginulo ang buhok
ng bata. Naupo si Anndy sa tabi ni Zero at
niyakap ang mag-ama niya.
"Kailan tayo maging malaya?" malungkot na
tanong ni Anndy.
"Malapit na," sagot ni Zero, "Inaayos lang
namin ang passport ni Dale. Nakahanap na
kami ng batang kasing tangkad niya. Ang
problema lang ay kung paano ito
mapapayag na magsuot ng face mask."
"Pasuutin ko siya palagi ng maskara para--"
"No," mabilis na pagtutol ni Zero, "Huwag
mo silang bigyan ng rason para magduda."
"Pero bata pa lang naman si Dale at normal
lang na--"
"Baril ang palagi niyang hawak. Do you
think, hindi sila nag-iisip? Lahat ng kilos
ninyong mag-ina, binabantayan. Believe me,
huwag mo silang bigyan ng idea tungkol sa
face mask."
Napabuntonghininga si Anndy. Kailangan
niyang umakto ng normal.
"Alis na 'ko," paalam ni Zero at muling
pinahiga ang anak sa kama pero bumangon
naman si Dale.
"Aalis ka na, Daddy?" inosenteng tanong ni
Dale. Malungkot na yumuko si Zero at
pinagmasdan ang nakatingala sa kaniyang
anak.
"Oo, ingatan mo ang Mommy Anndy mo,
okay? Huwag mong hayaang saktan siya ng
bad guys, okay?"
"Ayee ayee captain!" sagot ng bata kaya
napangiti na naman si Zero.
Hinapit niya sa bewang si Anndy, "Ingat
kayo. Si Dale, huwag mong pabayaan."
"Z-Zero? Kailan ka babalik?" malungkot na
tanong ng dalaga at muling niyakap si Zero.
"Hindi ko alam. Mahirap kapag mahuli nilang
kino-control ko ang CCTV," sagot ni Zero.
Kung itatakas man niya si Anndy, natatakot
pa rin siya sa magiging sitwasyon nila lalo na
kay Dale. Hindi nila kayang tumakbo
habambuhay.
"Kung malaman lang sana natin ang
mastermind ng nagpa-kidnap sa 'yo noon,"
ani Anndy.
"Hindi ko rin alam kung sino siya. Pero may
malaking kaugnayan siya sa inyo. Nasisiguro
ko," sagot ni Zero. Pinaiimbistigahan na niya
kung sinu-sino ang mga naging kalaban ng
lolo't lola nito. Isa pa lang ang alam niya, si
Baron. Ang matinik na kalaban ng mga
Villafuerte at Lacson. Pero kung siya man,
hindi na siya makaganti dahil matagal nang
patay ito.
"Hindi ako makakapayag na malaya siyang
gumagalaw sa lipunang ito!" madiing wika
niya at muling napatingin sa maamong
mukha ng dalaga. Ang sama ng taong iyon.
Paano kung hindi siya dumating? Paano
kung hindi niya nakuha ang sapatos ni
Anndy? Baka sumabog ang katawan nito sa
harap ng pamilya at mga bisita nila.
Umilaw ang timer niya. "I have to go,"
paalam niya.
"Daddy? Iiwan mo kami?" malungkot na
tanong ni Dale.
"Hindi ko kayo iiwan," sagot ni Zero at
lumapit sa bintana.
"Daddy!" tawag ni Dale na nakasunod sa
kaniya.
"Be a good boy, okay?" pakiusap niya at
napasulyap kay Anndy, "Ingatan mo ang
anak natin."
Matamis na ngumiti si Anndy habang
nakatitig kay Zero na nasisilawan ng liwanag
ng buwan, "I will."
Sinilip ni Zero ang mga guwardiya sa baba
at nang makitang walang nakatingin,
maingat na binuksan niya ang bintana saka
tumalon sa malapit na sanga ng punong
kahoy.
"Cool!" manghang sabi ni Dale nang hindi na
makita ang ama.
"Baby? Promise me, wala kang
pagsasabihang nakita mo si Daddy, okay?"
pakiusap ni Anndy nang maisara ang bintana
at makapal na kurtina.
"Yes, Mommy," sabi ni Dale at mabilis na
binuhat si Dale sa kama para mahiga.
Kinumutan niya ang katawan nila at niyakap
si Dale na para bang hindi sila nagising mula
kaninang nahiga sila. Ilang segundo na lang,
babalik na sa normal ang CCTV nila.
--------------------
"Gusto mong sumama?" tanong ni Lee
Patrick kay Anndy. Alas kuwatro na ng
hapon nang maisipan ng dalagang lumabas
sa kuwarto.
"Thanks, pero baka istorbo pa kami ni Dale
sa inyo ni Tintin," sagot ni Anndy at naupo
sa tabi ng kapatid na nagme-merienda.
Pupunta na naman ang mag-asawa ngayon
sa resort nila. Gusto sana niyang
magbakasyon doon pero baka maalala lang
niya si Zero kapag makita ang dagat.
"Mabuti naman at alam mo," nakangising
sabi ni Lee Patrick at inubos ang banana
cupcake.
"Ang torpe kong kuya, malandi na,"
nakangiting sabi ni Anndy kaya sumimangot
si Lee Patrick.
"Hindi akp torpe. May respeto lang.
Palibhasa puro kayo buntis muna bago
magpakasal!" depensa nito sa sarili.
"Virgin ba talaga si Tintin noong ikinasal
kayo?" nagdududang tanong ni Anndy.
"Respeto sa bestfriend mo," naiinis na sagot
ni Lee Patrick. Bakit ba walang naniniwalang
hindi talaga niya ginalaw si Christine?
Siyempre kaya niyang magtiis kaya hindi
naman ganoon si Christine. Isa pa, deserve
niya ang ganoong treatment. Ang dami na
nitong pinagdaanan kaya gusto niyang
iparamdam sa asawa na special ito at
sobrang iniingatan niya. E, da ganoon siya
magpakita ng respeto, ano ang magagawa
nila?
"Mabuti pa kayo, puro na lang vacation and
tour samantalang ako, palagi na lang sa
bahay," malungkot na sabi ni Anndy. Sina
Lolo Demetrio at Lola Regine nila, nasa
ibang bansa.
"Niyayaya ka, ayaw mo naman," wika ni Lee
Patrick.
"Kayo na lang. Na-o-OP lang ako."
"Sus, nandiyan naman si Baby Dale," sabi ni
Lee Patrick.
"Iba pa rin kapag buo ang pamilya!"
malungkot na sagot ni Anndy kaya napailing
si Lee Patrick.
"Sana naisip mo 'yan bago ka magpabuntis
sa kaniya!"
"Mahal ko si Zero!" giit ni Anndy.
"Kung mahal ka niyan, dapat matagal na
niyang hinarap kami."
"Hindi mo po kasi naintindihan Kuya Lee
Patrick," naiinis na sabi ni Anndy.
"Kung mahal ka niya, handa niyang harapin
ang pamilya pero inanakan ka lang niya.
Ginawang parausan habang nasa isla kayo.
Anndy naman, na-inlove ka sa masamang
tao pa!" giit ni Lee Patrick na kulang lang ay
ibunggo niya ang ulo ng kapatid sa pader
nang matauhan. Ang bata pa ni Anndy noon.
Malamang sinamantala nito ang murang
edad niya.
"How old is he? Baka ka-edad lang 'yan ni
Daddy. Hindi ka ba naaawa kay Dale? Baka
matakot lang siya sa mukha ng ama niya!"
Question mark pa rin ang mukha ni Zero sa
kanila. Basta matangkad ayon sa kuha ng
CCTV noong itinakas niya si Anndy.
"Guwapo siya kaysa sa 'yo!" depensa ni
Anndy.
"Sira na nga ang puso't utak mo, pati pa
naman mga mata mo, malabo na rin.
Gumaya ka na lang kaya sa bestfriend mo,
sobrang linaw ng mga mata,"
pagmamayabang ni Lee Patrick.
"Malinaw nga po. Kaya nga si Pelmar ang
first love niya," sagot ni Anndy na
ikinatahimik ni Lee Patrick. Okay, alam
niyang natamaan ang kuya niya.
"Ako pa rin ang first love niya. First
boyfriend lang talaga si Pelmar!" giit ni Lee
Patrick na namumula ang mukha.
"Really? Pero kung hindi--"
"Tama na!" saway ni Lee Patrick saka
tumayo, "Gusto kong mag-swimming."
Nakatingin si Anndy sa kapatid na palabas
ng bahay. Hanggang ngayon, nasasaktan pa
rin ito kapag pag-usapan nila ang first
boyfriend ni Christine. Ang manhid naman
kasi ni Lee Patrick noon. Kung sabagay,
kahit siya ma bestfriend, hindi rin niya
napansin. Oo nga't tinutukso nila sina
Patrick at Tintin noon pero hindi niya
nahalatang apektado na pala si Christine.
"Anndy? Nasaan si Dale?" tanong ni Dylan
habang palapit sa kaniya.
"S-Sa labas po, kasama ang kambal nina
Kuya LL," sagot ni Anndy. Naupo ang ama
niya sa harapan kaya napakagat siya sa
ibabang labi. Nagtatampo siya rito. Akala
niya, ito na ang saviour niya at hero pero
ito pa ang hindi makakaintindi sa kaniya.
"Huwag mo akong tingnan ng ganiyan,
Princess," ani Dylan nang mapansin ang mga
titig ng anak.
"Daddy--"
"Kapag mahanap ko siya, ipapakulong ko
siya at pagbayaran ang ginawa niya sa 'yo!"
"Mabait na tao si Zero. Daddy, nagawa lang
niya iyon dahil--"
"Mali pa rin ang dukutin ang anak ng may
anak!"
"Pero mali rin na ilayo mo kami sa kaniya!
May anak siya at sa tingin mo, hindi
pagdukot ang ginagawa ninyo kay Zero?
Hindi ninyo siya binibigyan ng pagkakataong
makasama kami lalo na si Dale!" sumbat ni
Anndy.
"Hindi ko kayo tinatago sa kaniya. Malaya
siyang harapin kami para makuha kayo!" may
paghamon sa boses ni Dylan. Kung
mapapatunayan niyang hindi masamang tao
si Zero, sino siya para pigilan ang dalawa?
Pero hindi niya mapalagpas ang pagdukot
nito kay Anndy. Paano kung napahamak ang
unica hija niya? Z g daming panagutan ni
Zero sa kanila.
"Pero papatayin ninyo siya. Ipapakulong
habambuhay. Hindi ko iyon makakaya!" giit
ni Anndy. Hindi naman niya puwedeng
aminin na may iba pa silang kalaban dahil
magtataka ang mga ito kung paano niya
nalaman.
"Kailangan lang niyang harapin ang resulta
ng kababuyan niya!" galit na sabi ni Dylan.
"Mahal ko siya at higit sa lahat, ama siya ng
apo mo!" giit ni Anndy.
Malungkot na napatitig si Dylan sa bunsong
anak, "Ang laki na ng ipinagbago mo, hindi
na ikaw ang prinsesa ko."
"Ako pa rin 'to, Dad. H-Hindi mo lang ako
naintindihan," malungkot na sagot ni Anndy
saka napayuko. Naaawa na siya sa ama.
Alam niyang nahihirapan din ito pero may
pamilya na siya. Kailangan din niyang
ipagtanggol ang lalaking mahal niya para
mabuo ang kanilang pamilya.
"I-I'm sorry, Dad," paumanhin ni Anndy saka
kinuha ang sombrero at lumabas patungo sa
hardin para magpahangin.
Napatingin siya sa playground. Naglalaro
sina Luis at Gabriel pero wala si Dale.
"Nasaan na kaya ang duwendeng 'yon?"
nakangiting tanong niya sa sarili. May little
duwende na sila ni Zero. Parang kailan lang,
nasa isla pa sila at nag-iisip siya kung paano
takasan si Zero para makauwi na sa pamilya
pero ngayon, nag-iisip pa rin siya kung
paano na naman makatakas sa pamilya para
balikan at ang kidnapper niya. Napatingin
siya sa garahe dahil narinig niya ang
pagbukas ng gate at may sasakyang
pumasok.
"Mommy!" sigaw ni Dale habang patakbong
lumapit sa kaniya at takot na takot ang
mukha kaya kinabahan si Anndy.
"Mommy!" muling tawag ni Dale at agad na
nagtago sa likuran niya at niyakap ang
dalawang binti niya na para bang ginawa
siyang panangga laban sa mga kalaban nito.
"Hey, boy!" natatawang tawag ng babaeng
kahit may edad na, ang sexy pa rin nito.
Actually, sila lang ang nakakaalam ng edad
nito na hindi halata dahil nagmumukha lang
itong trenta 'y singko.
"Mommy, tago mo 'ko," bulong ni Dale at
sumiksik sa likod ng binti ng ina. Mula noon,
takot ito sa matandang ito dahil palagi itong
niloloko noong nasa Japan pa sila.
"L-Lola Angel," bati ni Anndy at
nakipagbeso-beso sa matanda.
"Hey, tumataba ka," puri ni Angel kay Anndy
at napasulyap kay Dale.
"Anndy!" sabay na bati nina Erin at Lulu na
palapit sa kaniya kaya biglang kinabahan si
Anndy. Medyo kumulubot lang ang balat ng
tatlong lola niya pero walang pagbabago sa
mga kilos nila. Maaamo ang mukha pero
nagiging halimaw kapag may bumangga sa
kanila.
"B-Bakit ho nandito kayo?" nauutal na
tanong niya sa tatlo. Kung saan ang mga ito,
nandoon din ang gulo.
"Last week pa sana kaso busy lang," sagot ni
Erin.
"Oh? Gusto lang naming tulungan ang
daddy mo sa paghahanap ng kidnapper
mo," ani Lulu kaya natigilan si Anndy.
Nilagpasan na siya ng tatlo at pumasok sa
mansion.
"M-Mommy? I'm scared," bulong ni Dale na
takot na takot ang mga mata kaya binuhat
ni Anndy ang anak at naupo sa bench.
"Me too," bulong ni Anndy at niyakap ang
anak. Sobrang nabahala siya para kay Zero.
Kung mamamatay tao man si Zero, mas
marami na ang napatay nina Erin at Lulu,
kasi trained assasin sila.
BINABASA MO ANG
Ang Kidnapper Kong Gwapo
AksiKinidnap niya ang prinsesa ng mga Lacson pero paano niya masosolusyunan ang problema kung ayaw na nitong umuwi sa kanila? Paano nya bubuhayin ang maarte at mayamang babae kung isa lamang siyang kidnapper nito?