Janice povNapangiti akong lumabas sa paaralan kung saan nag aaral ang kapatid kong si jay! Sa halos tatlong araw kong pabalik balik dito sa wakas nakakuha na ako ng trabaho. Medyo kalayuan man mula sa amin pero nilalakad ko nalang para na rin makatingin tingin ako sa paligid!
Matagal na mula noong iniwan ko dito kaya marami ng nagbabago. Halos umabot ng 15 minutes ang nilalakad ko hanggang sa matanaw ko na ang daan papunta sa amin.
Nagulat ako ng makita ko si angel nakatayo doon! Tumakbo itong lumapit sa akin! Ano ang ginawa niya dito?
"Naghulat ka na 'ko?tanong ko sa kanya
(Hinihintay mo ba ako?)"Pinasundo ka ni tatay para pumunta ka sa malaking bahay!!"sabi nito
"Kailangan pa ba ako doon!! Andoon ka naman aah!!"ani ko saka lumakad na kaya sumabay na din ang kapatid ko!
"Alam mo naman si tatay diba?? Pakiramdam ko rin gusto ka niyang ipakilala ni kuya clarck!!"sabi nito
Hindi ko mapigilang mag ikot ng mata!!
"Ganoon ba ka gwapo si clark para puntahan ko lang doon!! Isa pa magtuturo na ako bukas kaya wala akong time sa ganyan!!"tugon ko
Tumawa lang si angel kaya inirapan ko!!
"Si ate talaga...malay mo type mo pala si kuya clarck!! Ang gwapo niya ate at ang puti pa..."kilig nitong sabi
"Atsaka ang bango ng amoy niya!!"ngisi nito.
May kasamang pikit pa sa mata.
Hinampas ko ito at inirapan kaya nag ayos ito!!"Umayos ka nga!! Bata kapa sa ganyang bagay angel!!"inis kong sabi
Suminghot ito!!
"Nagwagwapuhan lang naman ako ate..."tugon nito
"May pasok na bukas angel ba't hindi na lang yun ang inisip mo!!"angil kong sabi at binilisan na ang paglalakad.
Nitong nakaraan lang panay ang pag uusap nila tungkol kay clark!! Nakakairita na!!
Kinabukasan maaga palang pumuputak na si tatay. Hindi ko na ito pinansin. Pinagpatuloy ko ang paglagay ng mga gamit sa bag ko!! Ang aga aga nanenermon!!
"Wala ka man lang plano na pumunta sa malaking bahay!! Nakakahiya kay clarck... gusto ka pa naman niyang makilala!!"malakas na boses na sabi nito. Nasa labas ito ng bahay nangangape.
"Wag niyo ng pansinin ang tatay niyo!!"nakangiti sabi ni nanay na lumapit sa akin at hinaplos ang buhok ko.
"Congrats jade!!"Tumango ako saka ngumiti!
"Let's go!!"ani ni angel na palabas ng kwarto .
May suot ng bag. Nakauniform na din ito!!"Teka lang ate angel!!"patiling sabi ni jay sa kabilang kwarto
Namaywang si angel at pinuntahan sa kwarto si jay!
"Parang babae ka pang kumilos sa akin ah!!"narinig kong inis na sabi ni angel.
Huminga ako ng malalim. Tinapik ako ni nanay!
"Masanay ka na dalawang yan!!"ani nito saka dinampot ang maliit na walet na nakapatong sa mesa.
"Mauna na ako baka gising na si clarck!!"ani nito saka lumabas na sa bahay.
"Felix ang aga pa para mag ingay!!"narinig kong sabi ni nanay kay tatay sa labas ng bahay kung saan ito nakaupo.
"Mauna na ako!!"narinig kong paalam nito
"Jade ang mga kapatid mo huh...sabay na kayong umuwi paghapon para macheck mo kung ok lang sila!!"habilin nito"O!!"ikli kong tugon saka pinuntahan ang kwarto ni jay para silipin!
Kanina pa ito nagbibihis. Naabutan ko si angel na namaywang pa rin nakatingin kay jay.
Panay naman ang suklay ni jay sa buhok na nilagyan ng gel!"Ano ba jay...kanina ka pa diyan!! Pag ako ma late yari ka talaga!!"inis na sabi nito sa kapatid.
"Nag aayos...baka may pinormahan na!!"panunukso ko kay jay.
"Naku ate ganyan talaga yan!! Kahit walang pasok ang tagal mag ayos!!"inis na sabi nito saka lumabas na sa kwarto.
Napatawa ako! Pagkatapos mag suklay nito agad na dinampot ang bag saka sinuot!
"Pasensiya na ate jade ganito talaga ako mag bihis!"hinging paumanhin nito
"Tsk...tara na.."ani ko saka nauna ng lumabas sa kwarto. Sakto naman palabas mula sa banyo si jordan bagong ligo!
"Morning teh.."bati nito saka tuloy tuloy na pumasok sa kwarto nito para mag bihis.
"Mauna na kami!!"sabi ko sa kanya saka dinampot ang bag ko na nakapatong sa mesa.
"O! Mag ingat kayo!!"tugon nito mula sa kwarto
Agad akong lumabas. Nakaupo pa rin si tatay humihigop ng kape!!
"Tay alis na kami!!"paalam ko
"Kung may panahon ka naman pumunta ka sa malaking bahay para makilala mo si clarck ikaw lang ata ang hindi nakakilala sa kanya!! Alam mo ba halos mga teenager ngayon at dalaga dito sa atin si clarck ang bukang-bibig nila!!"mahabang sabi sa akin.
Tumango ako para matapos na ang panenermon nito!!
"Ngayon weekend tay sasama ako sa tubohan!!"pinal kong sabi
"Mauna na kami tay.."paalam ko saka umalis na."Talaga pumunta ka sa tubohan te??"takang tanong ni angel na nakasunod sa akin. Tumango ako!
"Diba hate mong pumunta sa tubohan dahil ayaw mong magka-"Dati yun!!"putol ko sa iba pang sabihin ni angel. Dati naman ayaw ko talaga kasi ang kakati ng mga dahon.
"Si ate..."panunukso ni jay na nakasunod din sa amin!
"Excuse me!!! May jowa na ako sa manila at ang gwapo pa!!"sabi ko sa mga ito para tigilan na ako.
Ng may nagtilian na mga dalagita sa likuran namin. Base sa suot nitong uniform nasa highschool na ang mga ito!!
"Ang gwapo ni kuya clarck!!"naririnig kong tili ng isang babae na kulot. Napahinto ako sa paglalakad kaya nalampasan na kami. Nagtaka si angel at si jay sa akin.
"Siguro masarap humalik yun!!"tili din ng isa
"Ang pula ng labi niya 'no!! Ang swerte naman ng Girlfriend niya!!"tugon din ng isa pang babae. Ang mga bata talaga ngayon!
"Te?"takang untag sa akin ni angel
Umiiling ako saka nagsimula ng humakbang!
"Panigurado si clarck ang topic sa mga girls namin ngayon sa school!"ani ni jay
Agad kaming sumakay ng motorela papunta sa paaralan kung saan ako nagtuturo at kung saan din nag aaral si jay.
Humiwalay din ng landas namin si angel kasi sa kabilang side ang highschool .
"Dito tayo magkita mamayang hapon!!"bilin ko ni angel. Tumango ito!
"Mag ingat ka!! Ang bag at wallet mo huh!!"habilin ko kaya tumango ito!"Bye..."ani nito at nakisabay na rin sa ilang estudyante na naglalakad.
Agad kung niyaya si jay papunta na sa direksiyon ng paaralan!
Dahil bago lang din ako kaya nanibago rin ako sa mga bata.
Nasa grade five ako nagtuturo at mabuti naman mababait ang mga studyante k0!•••••
💜
BINABASA MO ANG
Endless love
RandomDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.