Janice pov
Nagising ako sa malakas na katok sa pinto. Ayaw ko sana bigyan ng pansin pero mas lalaong lumakas ang katok. Mabilis akong bumangon saka binuksan ang pinto.
Nanlaki ang mata ko ng mabungaran ko si steven nakatayo at mukhang bagong Ligo. Nasara ko ulit ang pinto kaya kumatok ito.
"Maliligo muna ako!"pasigaw ko na sabi pero todo katok ito kaya pinagbuksan ko nalang. Nanlaki ang mata ko ng tinabig ako nito saka walang babala na pumasok sa kwarto.
"Ang sabi ko maliligo pa ako! Sa baba mo na ako hintayin!"gigil ko na sabi nito pero kampante itong umupo sa sofa at nag number four pa sa paa.
"How's your sleep?"
Hindi ko mapigilan mag taas ng kilay sa tanong niya. Kailan pa ito naging ganito. Napangisi ako saka namaywang.
"Kung pwede lumabas ka muna para makaligo na ako wag kang mag alala hindi ako tatakas dito!"echos nito.
Ngumiti ito saka tumayo.
"Hihintayin kita sa baba para mag almusal!"ani nito saka umalis na
Napahinga ako ng maluwang saka napaupo sa kama. Ang bilis ng tibok ng dibdib ko. Bakit napakaamo ng mukha niya ngayon. Nitong huli lang palaging magtagpo ang kilay nito at nakasimangot. May sayad talaga.
Nang makontento ako sa pagligo agad akong nagbihis para bumaba. Pinili ko muna ang isang maitim na short at off shoulder na blouse na kulay itim din.
Agad kong binulsa ang susi ng kwarto ko saka tinahak ang lobby patungo sa elavator pababa. Naabutan ko si russel at si steven nagtawanan sa waiting area.
"Sorry sa pag hihintay! Congratulations russel!"ngiti ko na bati kay russel. Ngumiti lang ito saka tumayo na.
"Thank you janice...Let's eat first!"anyaya pa nito saka nagpatiuna lumakad. Tumayo na din si steven at sumunod kay russel. Napairap ako. Aba't masungit na din siya ngayon! Kanina lang ang ganda ng mode ngayon nag susungit.
Sumunod nalang din ako sa kanila. Napahinto pa ako sa paglalakad ng mapansin ko na marami na ang nakaupo sa may mesa. Nakakahiya.
Napalingon din sa akin si steven at sumenyas na lumapit na kaya wala akong choice kundi sumunod. Magpabebe pa ba ako eh gutom na ang mga anak ko sa tiyan.
"Next time don't wear this kind of thing!"mahina pero diin na bulong sa akin ni steven saka pinaghila ako ng upuan. Ano ba ang pinag sasabi nito? May problema ba siya sa suot ko!
"Oh..hi...your—?"ani ng isang babae sa kabilang panig nakatingin sa akin.
"My ghad hindi ko alam na may iba ka rin palang kasama steven.."ani din ng isa
"Just a friend of mine!"tugon lang ng hudyong lalaki sa tabi ko
Napatawa ang ilang kababaihan sa kabila.
"I'm janice..."pakilala ko. Nagtanguan ang ilan.
"Hi....edward!"ani ng lalaki sa may kabilang side ko at nag wave
Napangiti lang ako.
"How's your life in mindanao by the way handsome?"pabebe na sabi ng isang babae at napangiti kay steven.
"Mabuti naman.."tugon nito habang nagsusubo ng pgkain.
"Alam niyo ba wala pang isang buwan doon natutunan na niyang mag bisaya!"ani ni russel
Narinig ko nag pag 'ooh' ng ilang babae. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inis sa sarili ko. Sino ba ang mga babaeng ito? Pinsan ni princess o kaibigan ni russel?
BINABASA MO ANG
Endless love
De TodoDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.