Janice pov
Pagod ang naramdaman ko buong araw. Idagdag pa na nahihilo ako kaya mas lalo akong nanghihina.
Isang patak ng luha ang naramdaman ko at mabilis ko itong pinahid. Parang binibiyak ang puso ko sa sakit. Inaasahan namin na uuwi si steven kahapon pero hindi dumating kaya akala namin na delay lang pero nagtaka ako ng makita ko ang post na nakatag kay steven at sobra akong nasaktan.
Picture nila ni cindy at sobrang sweet pa. Kaya nagdesisyon agad akong umuwi kahapon. Si janine naman hindi na nagtanong parang alam na ang pangyayari.
Hindi na din ako pinigilan ni tita at tito. Kanina pa ako humihiga pero ang isip ko nandoon sa walang hiya na steven. Tinakpan ko ang aking bibig at impit na umiyak.
Kinalimutan ko na nga ang mga alitantan at mga sitwasyon na hindi namin mapagkasunduan noon pero ang bilis naman ata akong nauto sa kanya. Hindi ko alam kong ilang oras akong ganoon hanggang sa naramdaman kung may nagkumot sa akin.Pumikit ako para makatulog na. Si janine nasa kwarto nila nanay at tatay naglalambing kaya ako lang dito ang nag iisa.
Sobrang komportable ako sa hinihigaan ko na parang hinihili. Naramdaman ko ang paghaplos na aking mukha kaya napadilat ako ng bahagya ng maamoy ko ang familyar na amoy.
Biglang tumibok ang puso ko na parang iwan. Dinilat ko ang aking dalawang mata at nanlaki ang mata ko ng makita ang mukha ni steven nakatitig sa akin. May pasa ito sa gilid ng labi. Mabilis akong napabangon at bahagyang lumayo sa kanya.
"good morning babe.." masuyo na bati nito at inabot nag kamay ko saka hinalikan. Tinabig ko ito saka tumayo.
"paano ka nakapasok.?hindi mo ba alam na galit si tatay sayo?" galit ko na tanong nito
"kaninang madaling araw akong dumating para magpaliwag sayo ng maayos."
"hindi na kailangan...ok na kami dito.." galit ko na sabi saka umiwas ng tingin.
"paano ka ba nakapasok dito?" galit ko na tanong ulit."babe... Sorry... Walang namamagitan sa amin ni cindy."
"tapos na ako sa ganyan mo."
"babe... Mahal kita...maniwala ka... Nandito ako para magkaayos tayo! See!" saka tinuro ang eyebag na nangingitim
"Wala akong tulog.. Mula pagdating sa bahay agad akong bumihaye patungo dito at ito." saka tinuro ang labi na may pasa.
"nabogbog ako ni tatay kagabi.. Kung wala si nanay baka hindi lang ito ang abutin ko."seryoso na sabi nito habang nakatingin sa akin ng maigi.
Lumunok ako saka umiwas ng tingin."i don't care!" galit ko na sabi pero hindi nakatingin sa kanya
"tingnan mo ako janice sa mga mata... Basahin mo kung nagsisinungaling ako sayo o hindi." diin na utos nito. Nagkagat labi ako saka lumabas sa kwarto pero wala ni isa na tao. Inisa isa kung binuksan ang kwarto pero wala sila.
Binuksan ko ang maindoor namin at wala din sila sa kubo. Galit akong bumalik kay steven sa kwarto." tama na steven. Tama na! Ayaw ko ng magpaloko sayo." gigil ko na asik nito. Ngumiti ito at lumapit sa akin.
"AYAW ko na rin ang ganoon... Kaya nga ako pumunta dito."
Biglang namanhid ang puso ko sa narinig. Masakit pala pag sa kanya galing ang mga salita na yun.
Umiwas ako ng tingin at kumurap kurap. Naamoy ko ang pabangon nito at naramdaman ko ang pagkabuhay ng ilang sistema ko.
Bumuga ako ng hangin. Sunod na sasabibin nito ' itigil na natin ito' ganyang salita ang ayaw kong marinig mula sa kanya."spend your life with me.. Forever?" seryoso na sabi nito at ginanap ang kamay ko na hinalikan niya kanina. Napakurap ako. Ano daw?
"huh??"
Ngumiti ito saka tumingin sa aking kamay na hawak. Humahaplos ito sa darili ko kung saan may singsing na nakalagay.
Napatingin ako sa kanya. Nagtataka. Ngumiti ito."kahit anong sabihin mo hindi kita pakakawalan." TItig na sabi nito at hinaplos ng masuyo ang mukha ko.
" I love you." saka hinalikan ulit ang kamay ko kung saan may singsing na nakalagay at ang mata nito hindi pinutol sa pag eye contact sa akin.
Napangiti ako at mabilis na yumakap nito. Napahikbi akong yumakap sa kanya. Naramdaman ko ang mahigpit na yakap nito humahaplos sa likod ko.Ginanap ang mukha ko at hinaplos haplos. Napangiti ako. Nakatitig ito sa aking labi kaya kinagat ko yun. Ngumiti ito at marahang yumuko ng marinig namin ang tili ni janine sa labas.
"dad.... Matagal pa ba yan?" sigaw na tanong nito. Kapwa kami napatawa at napasilip sa bintana.
Ang dali ng desisyon ng both side agad agad na pinaghandaan nila ang kasal namin.
Isang buwan ang lumipas dumating ang pinakahihintay namin.
Ang araw ng kasal namin. Simple lang ang kasal namin at sa malaking bahay ginanap. Halos lahat ng tao sa barangay namin imbetado dahil sagot nila mommy at daddy ang gastos.Si janine naman panay ang yakap sa akin kaya si steven hindi nakalambing sa akin. Napansin ko rin malagkit na sulyapan nina mitch at jordan kaya napangiti ako saka umiling.
Nang kunin ni nanay at tatay si janine agad akong hinila ni steven sa may kusina.
"babe... Ang mga bisita natin." natatawa ko na sabi. Inis itong tumingin sa akin
"panay ang lambing ni janine sayo kanina palang kaya hindi ako makalapit lapit sayo."
"ano naman ngayon...buong gabi sayo naman.." asik ko na sabi. Ngumiti ito at lumapit sa akin
"ok... Tara.." wala sa mood na hila sa akin pabalik sa bakuran. Napangiti ako ng lihim at nag iiling.
Magkatabi kaming nakaupo sa upuan habang kausap ang pinsan niyang si russel. Hindi na rin sumama si princess kasi nanganganak na daw.
"kumain ka muna.." alok ni steven
"saka na.. Oo nga pala kayo, wala ba kayong plano na mag baby ulit?"
"simpre meron." inis na tugon ni steven.
"ilang anak ba ang gusto--
"kahit magkano..."
"talaga? Makakaya mo ba?" ngisi na tanong ni russel
"bakit hindi? Alam mo ikaw.. Umalis ka na nga..." asik sa pinsan nito kaya taka akong napatingin nito. Si russel naman ay tumawa saka tumayo.
"masyado kang mainit.. Wag kang mag alala sayong sayo yan si janice mamaya."sagot nito saka umalis. Napasinghap ako saka pinalo si steven.
" babe naman... "angal pa nito
" umayos ka nga corpuz...naiinis ako sayo. "gigil ko na sabi
Bumuga ito ng hangin at tumango. Napangiti na rin ako saka niyakap ito. Wala na aking mahihiling pa...masyadong mabait sa akin si lord!
Napapikit ako ng maramdaman ko ang halik nito sa akin noo. Halik na buong pagmamahal.
The end. ♥️♥️
Thank you everyone sa pagbabasa at sa suporta😘
Leojea05
BINABASA MO ANG
Endless love
RandomDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.