Agad akong niyakap ng mga kapatid ko pagkakita sa akin. Si tatay at nanay nakatingin lang sa akin halatang hindi natutuwa sa pagdating ko."ito na ba si nexie... Hi nexie..." ngiting bati ni angel sa anak ko. Nahihiyang nagtago ito sa likod ko. Napatawa si edward.
"magandang hapon ma, pa." bati ni edward sa mga magulang ko.
"let's go baby.." akay ni jordan sa anak ko. Agad kasi itong lumapit kay jordan. Tumalikod na ang dalawa kaya sumunod ang dalawang kapatid ko hinabol si jordan.
Pinisil pa nito ang anak ko."i'm your tita angel.. Ito si tito jay at--
" daddy jordan mo ako. "ani ni jordan. Napairap si angel kay jordan. Napangiti akong napatingin sa mga ito palapit.
" sa bahay na tayo mag uusap. "si tatay saka nagpatiuna ng sumunod
" pasensiyahan mo na ang tatay mo masyadong mainit ang ulo."depensa ni nanay saka tumingin sa amin at nag akay na din.
Naramdaman ko ang paghaplos ni edward sa likod ko habang lumalakad na kami.
"kaya natin 'to." bulong ni edward
Napatango ako.
Sa halos dalawang taon kung nawala ang laki na ng pinag iba. Ang dating makipot na daan at may mga mayabong halaman sa gilid ay nawala na.
Nakacemento na ito at ang ilang lupain na dating malawak na tubohan tinayuan na ng maraming bahay.
Ang malaking bahay nila steven nakatayo parin pero wala na ang kubo.
Nandiyan pa ba siya nakatira?
Lahat ng sakit bigla ko nalang naramdaman at ang pagbigat ng dibdib ko. Sa kabilang side nalang ang may tanim ng tubo.Cementado na ang daan patungo sa bahay namin hanggang sa may puno ng mga mangga.
Agad na naglalaro ang mga kapatid ko kasama si nexie sa may kubo kubo namin malapit sa bahay. Si edward at si tatay naman nasa kusina hindi ko alam kung ano ang pinag uusap nila."magpahinga muna kayo alam kong pagod kayo." saka hinawakan ako ni nanay sa kamay.
"masaya ako sayo ngayon."sabi nito pero malalasahan ko ang pait nito at ang biglang pagkurap kurap nito. Hindi ko mapigilang maging emosyonal narin.Ang pigil ko kanina lang ay hindi na mapigil. Humagolhul ako ng iyak at yumakap kay nanay.
Hinaplos haplos nito ang likod ko pilit na pinapagaan. Lahat ng pagpigil ko nawala na.
"nay......."hikbi ko
" ilabas mo yan naintidihan kita."saka hinaplos haplos ang likod ko.
Kinabukas agad akong bumangon ng maaga para magluto. Naabutan ko si tatay sa kusina nag kape.
"mukhang mahal ka ng asawa mo. Siguraduhin mo lang na panindigan mo yan janice."mahina na sambit ni tatay pero madiin. Ngayon ko pa narinig na tinawag ako ni tatay na janice.
Lumunok ako saka nagsaing na."mahal ko ang asawa ko tay." hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas pero nausal ko. Hindi ko ito nilingon. Ayaw kung lingunin si tatay baka malaman niyang nagsisinungaling lang ako.
"mabuti kung ganoon para walang komplikasiyon."ani nito saka narinig ko ang paghigop ng kape.
Hindi ko mapigilang mag landas ng luha. Huminga ako ng malalim.
" good morning lolo. "tili ng anak ko papasok sa kusina. Agad akong nagpahid ng luha saka ngumiting tumingin kay nexie.
Humalik si tatay nito saka niyakap si nexie.
"what's that lolo?"pointing the cup.
"umiinom ako ng kape apo." ngiti na sabi ni tatay.
"i don't like that. I want milk." while pouting her lips. Pinisil ito ni tatay saka tumingin sa akin.
"englishera itong anak mo janice mauubos ako ng English nito. Yes or no lang ang kabisado ko." giliw na sabi ni tatay saka niyuko ulit ang anak ko
"i know how to speak tagalog, lolo. Yes or no is ang simple word."may pa pikit pikit pa ito sa mata. Napatawa ako sa ginawa nito. Takang tumingin si tatay sa akin.
" naintidihan ka niya tay."
"talaga apo.. Tara gusto mong maligo ng batis." ngiti na sabi ni tatay sa anak ko
"wag niyo ng isama sa batis si nexie tay ako na ang magligo sa kanya dito lang muna." saka nilapitan si nexie
"kung may panahon ka ipasyal mo ang mag ama mo dito. Sa batis at sa manggahan."saka tumayo na at nagsuot ng sombrero.
" bye lolo... "kaway pa nitong sabi kay tatay
" bye bye apo.. "saka lumabas na ito sa kusina pero bago tumalikod tumingin muna ito sa akin.
" gusto kong pumunta sa batis mommy. "maktol na sabi ni nexie. Niyuko ko ito saka hinawakan ang pisngi.
"gusto mong pumunta doon?" tumango ito sa tanong ko. Hinaplos ko ang pisngi nito
"gisingin mo si daddy para kasama siya pati ang mga tita at tito mo." ngiti ko na sabi nito.Ngumiti itong tumango tango. Mabilis itong lumabas sa kusina. Narinig ko pa ang pagsigaw nito kina angel, jay at jordan.
Marahan akong umupo sa upuan saka napahawak sa noo.
" excited ang anak mong maligo sa batis. "si nanay at tumungo sa lababo kumuha ng baso at nag ipis ng tubig.
"paano naman binanggit ni tatay."
"magaan ang loob namin sa batang yan jade... Hindi mo ba napansin kahapon kung titigan mo silang apat parang magkapatid lang na naglalaro sa kubo." iling na sabi nito
Ngumiti ako naghila din ito ng upuan para umupo.
"saan nga pala ang ina ni nexie?"
"wala na nay... Nasa edad na singko palang si nexie iniwan na siya. Kay manang jenny siya lumaki, katulong nila." nakita ko ang pagkagulat ni nanay.
"bakit si edward hindi ba naglalagi sa bahay?"
"may trabaho din si edward nay at minsan sabi niya hindi siya makauwi." tumango tango si nanay.
"kaya pala parang close na close kayo ni nexie. Mabuti nalang din yun at may malaro-laruan kami dito sa bahay." saka tumayo na.
"puntahan ko muna ang tatay mo sa taniman baka nangunguna ng mais at ilang gulay yun." at lumabas na sa kusina.Sa tulong ni edward at sa pagtatrabaho ko sa cavite nakabili ng lupa sila nanay at tatay. Tinaniman nila ito ng iba't ibang klase ng gulay. May mga kamoteng kahoy, camote, gabi at mais. Si nanay naman hindi na rin nagtrabaho dahil may trabaho na rin si jordan sa call center.
Masasabi kong medyo maluwag luwag narin ang estado ng buhay namin.
°°°
BINABASA MO ANG
Endless love
RandomDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.