33

6 2 0
                                    


Napangiti ako habang nakatanaw na  nagtawanan ang anak ko kasama ang tatlo kong kapatid.

Naramdaman ko ang pagganap ni edward sa aking kamay kaya napatingin ako nito.

"nakangiti ka nga pero hindi abot hanggang mata. Your eyes are lonely."mahina na sabi nito saka hinaplos ang aking mata kaya napapikit ako.

"stress lang siguro ito."saka dumilat.
" hindi ka ba maliligo? "

"gusto pero kasama ka."

Napatawa ako saka tumayo. Tumingala ito nagtataka.

"tara!" anyaya ko. Nakita ko ang paglaki ng mata nito at dali daling tumayo.

"baka inlove ka na sa akin."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Napangiti ito.

"sana nga ikaw nalang."bulong ko sa  isip

"huh?"

Napatingin ako nito. Naririnig ba niya? Sa isip ko lang naman sinabi yun. Mind reader ba siya?

"may sinabi ako?"

"ahaha... Parang.... Ahaha.... Wala."

Nagkamot ito kaya napangiti ako. Nagpatiuna akong lumusok kaya sumunod ito.

Si nexie karga karga ni jordan sa balikat habang tawa tawa ito. Ng mapansin niyang lumusong na kami napatili ito. Naramdaman ko ang malamig na tubig sa aking binti.

"parang sarap maligo dito."

"mommy... Daddy.."

Kumaway si edward habang nakahawak ang isang kamay sa kamay ko.

Lumabas naman si jade at angel mula sa tubig nagpunta sa malaking bato kung saan nakapatong ang dala namin kamote at nilutong  mais.

Lumapit si Edward sa dalawa. Naglambing din si nexie at nagpakarga kay  edward.
Pumunta malapit sa may bato si jordan pero hindi lumabas sa tubig.

Inabutan ito ni angel ng nilutong mais. Lumundag pabalik sa tubig si jay kaya tumalsik ang tubig. Napapikit din ako dahil tumalsik din ito sa aking  mata.

"tsssk ano ba yan jay." inis na sabi ni jordan ng mabasa ng tubig ang kinaing mais. Napatawa si jay at lumangoy na palayo kay jordan.

"sorry kuya..,"

"darling ok ka lang?"alalang tanong ni edward at sa isang iglap nakalapit na ito. Si nexie nag alala ding nakatingin sa akin na karga parin nito sa braso. Tumango ako saka nagpahid ng mata.

"are you ok mom?"

"yes baby.." ngiti ko nitong sabi saka kumurap kurap.

Nagtawanan na din si jay at jordan dahil naghabulan ito sa paglalangoy halatang hinuhuli ni jordan.

Si angel ay nakabalot na ito ng tuwalya nakaupo sa bato halatang giniginaw.

Ilang oras pa kaming naliligo hanggang sa nagdesisyon na kaming umuwi ng tumuntong na sa alas onse ng tanghali. Karga parin ni jordan si nexie. Kumakanta ito ng ano anong kanta.

Si jay ay medyo nasa pinakahuli dahil ayaw pa nitong tumigil sa kalalangoy sa tubig.
Nakaalalay din sa akin si edward habang pabalik sa bahay medyo mabato bato kasi ang dinaanan namin at minsan hindi sinasadyang medyo mawalan ako ng balance.

Naabutan namin si tatay at nanay sa kubo nakaupo. Mabilis na bumaba si nexie kay jordan at tumakbo palapit sa dalawa. Humalik pa ito.

Nagsiligo na rin ang  tatlo kung kapatid. Agad akong Pumasok sa kwarto at naghanda ng damit. Ng matapos ang tatlo tinawag ko na rin ang mag ama ko para maligo na.

Endless loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon