Agad akong nagpagupit kinabukas bago pumasok sa campus pero natigilan ako ng bigla akong nahilo.
Baka sanhi sa pagkahila ni stella sa buhok ko kagabi.
Sa isang parlor kami nagkita ni geraldine. Taka itong tumingin sa akin at hinawakan ang buhok ko.
"ang traidor mong pinsan ang gawa nito?" galit na tanong nito. Marahan akong ngumiti.
"wag mo akong ngitian janice baka sapakin kita. Ang pangit na ng buhok mo. Sayang!" panghihinayang nitong sabi at hinila ang buhok ko.
"aray naman!"
"nakagigil kasi! Hindi sa pinsan mo kundi sayo. Bakit hindi ka pumalag akala ko ba maldita ka rin." nandidilat na sabi nito sa akin. Napatawa ako sa concern nito.
"miss maldita.... Excuse muna gugupitan ko na ang mabait mong kaibigan." sabi ng bakla.
Galit na tumingin si geraldine nito kaya napahawak ako sa kamay ni geraldine at seninyasan na umupo nalang sa kabilang upuan.
"akala mo kung sinong magandang bakla... Pangit mo." inis na parinig ni geraldine at umupo na. Napakagat labi ako sa sinabi nito. Nanlaki din ang mata ng bakla.
"excuse me! Bakla nga ako pero kaming mga bakla ang kaha ng pera sa mga lalaki." pagmamalaki din nitong sabi
"huh!! Inshort pe--
"shut up geraldine!" gulat na napatingin si geraldine sa akin. Binalingan ko ang bakla.
"gupitan mo na ako para matapos na."
Tumango ito saka ginupitan na ako. Sa may carenderia kami kumain pagkatapos bago pumasok sa campus. Ito na rin ang pumili ng ulam namin.
Nakangiti itong bumalik bitbit ang dalawang platito na may lamang pusit at adobong manok. Bigla akong ngumiwi at bahagyang napaduwal. Nanlaki ang mata na tumingin si geraldine sa akin.
"baka nanibago--
" lukuhin mo ako janice! Buntis ka ba? Dinatnan ka na ba ngayon? "
Doon na ako napaisip. Delay na ako ng isang linggo. Umiling iling si geraldine at nilayo ang dalawang ulam na dala.
" sabihin mo kay steven para malaman niya. "
" baka wala lang ito."
"nahihilo ka ba kanina?"
Natigilan ako sa tanong nito. Posibleng buntis ng ako.
Agad kong hinanap si steven sa campus pero hindi ko ito nakikita pati si geraldine naghanap na rin pero hindi din nakikita nito. Agad akong napatingin sa rooftop.
Baka doon tumambay.
Nakahinga ako ng maluwang ng makita ko itong nakaupo. Nilapitan ko ito at yumakap sa likuran nito.
Gulat itong napatingin sa akin. Ngumiti ako pero nakakunot noo ito at halatang namamaga ang mata.
"love... May sasabihin--
"mag break na tayo janice."
Biglang may bumara sa lalamunan ko sa sinabi niya. Hinarap ko ito pero tumayo na ito at lumayo sa akin.
"may problema ba pwede nating pag usapan."nakita kong umiling iling ito.
"ayaw ko na nga sayo." galit na bulyaw sa akin.
"sa ganyan ka bilis?"
"ayaw kong niluluko ako janice. Putang ina mo!" bulyaw ulit sa akin kaya napaitlag ako.
Bigla akong nanghihina sa sinabi niya. Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit.
"mahal kita--
" nakita kita janice... Sino siya? Bago mo?"
"wala akong bago."
"wag kanang magkaila. Pagkatapos mong binigay sa akin ang sarili mo, binigay mo rin ba sa kanya?"
Hindi ko mapigilang masampal ito. Nagtagis bagang ito.
"nakipag break kana sa akin may karapatan akong hindi sumagot!" mahina pero madiin na sabi ko
"fine.. Maghiwalay tayo at sana hindi na tayo magkikita pa."
"likewise." saka iniwan na ako.
Nanghihina akong napaupo at nag iiyak. Sa ganoon ka dali niya ako binitiwan hindi man lang ako binigyan ng rason na malaman ang totoo.
Sabay na naglandasan ang aking luha sa pisngi. Hinaplos ko ang aking tiyan. Paano nalang ang pag aaral ko kung sakali.
Paano kami ng baby ko?
Sa tulong ni geraldine sa kanya muna ako tumambay pero bago doon pinilit ko si annika na ipaintindi kung bakit ako umalis sa bahay niya at nangako na babalik ako pagkatapos ng isang taon.
Nag online class nalang din ako dahil ayaw kong lumabas sa bahay baka may makakita sa akin sa sitwasyon ko.
Napahawak ako sa sofa ng biglang sumakit ang puson ko. Kabulanan ko na ngayon baka manganganak na ako.
Tinawagan ko si geraldine pero hindi ito sumagot. Final exam pala nila ngayon. Pinilit kong lumabas sa bahay bitbit ang maliit kong bag at pumara ng taxi. Nagpahatid ako sa hospital.
Agad akong inasikaso ng isang doktor at ilang nurse.
Mabuti nalang at mabilis na lumabas ang baby. Nakita ko pa itong inangkat ng doktor bago ako nakatulog sa pagod. Nagising ako nasa kwarto na ako. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko sa isang crib si baby.
Napangiti ako ng bumukas ang pinto. Tarantang mukha ni geraldine ang pumasok. Agad ako nitong niyakap at kinumusta. Saka binalingan ang anak ko sa crib.
"ang cute niya janice... Ano ang pangalan?"
"janine."
"wow... Nagising siya." nanlaki na matang sabi ni geraldine.
"she has a brown eyes... Hindi ikaila na kay Steven talaga." sukat doon biglang bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko. Mabilis akong nagpahid ng luha pero nahuli ako ni geraldine.
"nag aaway ba kayo?" palapit ito sa akin karga ang anak ko
"wala ako sa mood na sagutin yan. Pwede bang wag mong sabibin sa kanya ang tungkol sa akin. Sekreto muna natin ito." pakiusap ko. Halatang hindi ito sang ayon sa akin pero tumango ito.
Agad kong inabot ang anak ko at niyakap. Ganito pala ang magiging ina. Hinaplos ko ang pisngi nito at hindi mapigilang landasan ng luha.
Si geraldine ang nagpahid ng luha ko.
"hay naku...tama na yan. Masama yan sa sitwasyon mo ngayon." inis na sabi nito at pinahid ulit ng luha sa pisngi ko. Naghahalo kasi ang naramdaman ko at hindi ko alam kung ano ang uunahin. Ang pag hihiwalay ba namin ni steven o ang pagpalaki ng anak ko?
Kung paano sasabihin sa nanay at tatay ko ang sitwasyon ko? Ang pag aaral ko?
Masakit man ang nangyari sa amin ni steven pero hindi ako nagsisisi dahil sa isang biyaya.
Hinalikan ko ito sa mata, ilong, pisngi at sa kamay.
"tssk.. Tama na yan. Kumain ka na para makapaghinga ka. Ako muna ang kakarga kay baby janine." saka kinuha amg bata.
Pagkatapos kong kumain agad akong nakatulog. Si geraldine pansamantala ang kasama ko.
Nagising ako sa hindi mawari na pakiramdam. Ang init at uhaw ang naramdaman ko. Agad akong napangiti ng makita si geraldine sa nakatulog sa sofa. Agad akong tumayo at uminom ng tubig. Nilapitan ko si geraldine sa sofa at kunumutan.
Agad kong tinungo ang crib pero taka ako ng mapansing wala doon ang anak ko. Palinga linga ako at hindi alam ang gagawin.
Mabilis akong lumabas sa kwarto at luminga linga sa paligid pero kunti lang ang tao ang naglalakad.
"janice ano ba yan?" narinig ko na sabi ni geraldine at lumapit sa akin sa pinto
"matulog ka na para makapaghinga ka." taka itong napatingin sa akin ng makita akong umiiyak na.
"ang baby..."
"nasa crib."
"nawawala ang anak ko geraldine..." tili ko at tumakbo patungo sa nurse station.
Nanlabo man ang aking mata sa kaiiyak pero hindi ko ininda dahil gusto kong makalapit sa nurse station.
Si janine nalang ang meron sa akin at mawawala pa. Lord please wag naman.
Ayaw kong maramdaman ang ganitong sakit. Parang tinarak ng malaking kutsilyo ang dibdib ko at nagkapira-piraso.
Itutuloy ...
BINABASA MO ANG
Endless love
De TodoDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.
