Months ago....
Natatawa akong hinila ni janine patungo sa tubig dagat. Mahigit limang buwan na ang nakalipas mula noong nangyari ang pag uusapan namin ni steven. Hindi din ako pinayagan nila tatay at nanay na mag abroad. Sa halip pinagpatuloy ko ang aking pagtuturo.
Si steven nasa manila na din nakalagi dahil may inasikaso na trabaho. Mabuti lang din at tanggap sa ina at ama nito ang sitwasyon namin.
Hindi naman sila tutol bagkos gusto pa nilang magkaayos kami ni steven para maging ganap na isang pamilya na kami pero pareho kami ni steven ang ayaw.
Ayaw pag usapan ang kung ano kami dati. Ayaw naming ungkatin pa. Mas minabuti nalang na mag ok kami at simpleng batian lang tapos wala na.
"janine baby.... Natatakot si mama."pagdrama ko
"mommy..."inis na sabi nito kaya napatawa ako.
" bakit ba huh? "saka hinawakan ko ang pisngi nito
"gusto kitang masolo ngayon kasi mamayang gabi hindi kita masolo."
"bakit mo naman nasabi?" taka ko na tanong nito. Nakita ko ang pagtakip ng bibig nito at nanlaki ang mata.
"ano ba yung sinabi ko mom?"napatango ako sa ano ang ibig sabibin nito.
"bakit ano ba ang plano nila sa akin?"
"di ko alam..." iling na iling nito. Napangiti ako.
Ilang oras pa bago ako nagyaya ni janine na magbihis na. Hinahanda ko ang susuutin nito habang nasa loob ito ng banyo. Ng makalabas ito kasunod ako pumalit na pumasok sa banyo.
Nagtapi lang ako ng tuwalya ng bumaba sa banyo. Pakanta kanta pa akong lumakad sa kwarto ng matigilan ako ng mapansin ang isang bulto na nakatayo, nakatalikod ito at may hawak na cellphone sa tainga.
Napansin ko itong napalingon din sa akin at nanlaki ang mata."anong ginawa--?"
Mabilis akong napatalikod ng makita ko si steven. Nagkagat labi ako. Ano ang ginagawa niya dito sa kwarto namin?
"ito ang kwarto ko." galit na sagot nito kaya napatingin ako nito. Binaba na ang cellphone nito. Halatang galing sa trabaho dahil sa suot nitong itim na polo shirt at slack na itim.
Tumawa ako."kwarto namin ito ni janine." inis ko na sabi nito saka dali daling pumasok sa kwarto para magbihis. Agad ko itong nilabas pagkatapos magbihis. Nakaupo ito sa sofa hawak parin ang cellphone nito wari may tinitingnan.
"sino ang nagpapasok sayo dito?""si nanay at si tatay." kampante na sagot nito. Napatawa ako ng peke saka inis na umupo sa sofa.
"talagang nag-aksaya ka pang pumunta dito?" patuya ko na tanong
"bakit hindi? Anak ko rin si janine."
"pwede namang magrason ka sa kanya kung bakit hindi ka makapunta? O gumawa ng excuses."
Gigil ko na sabi nito saka nagtaas ng kilay. Umangkat ang tingin nito mula sa cellphone at tumawa na nakatingin sa akin.
""yaw kong niloloko ang anak ko. Beside free time ko naman kaya bakit hindi."
"whatever!" inis ko na sabi nito saka nagkulong ng kwarto. Ilang oras din akong nagkulong ng makaramdam ako ng antok dahil na rin siguro sa antok kaya nakatulog ako.
Isang malakas na katok ang nagpapagising sa akin. Napatingin ako sa orasan sa may uluhan ko. Mag alas tres na ng hapun. Apat na oras akong tulog.Mabilis akong bumangon ng marinig ko ulit ang katok. Nabuksan ko si steven. Nakasuot na ito puting sando at itim na denim short. Napapansin ko ang malaking braso nito na parang nagkaflex sa laki.Tumikhim ito , nagpabalik ng ulirat ko. Yumuko ito at tiningnan ako.
BINABASA MO ANG
Endless love
RandomDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.