Agad akong niyaya ni tatay sa labas ng bahay kung saan may upuan doon pagkatapos ng hapunan.
Tumabi ako nito at upo."Ilang linggo nalang maharvest na natin ang tubohan...hindi ko alam kung paano kausapin si don ramon!"ani nito
"Bakit naman tay? Diba dating taga kuha natin si tito ramon?"taka ko na tanong
Tumango ito saka huminga ng malalim.
"Nitong huli kasing anihan natin medyo nag aaway kami dahil hindi niya kinuha ang tubo dahil masyadong maliit dahil sa init! Medyo nataasan ko rin ito ng boses kaya nahihiya ako.."mahina nitong sabi
Napahilamos ako ng mukha gamit ang kamay saka tumayo at namaywang.
"Alam ba ni daddy ito?"
Seryoso ko na tanong nito tumango naman ito bilang tugon. Napaupo ulit ako sa upuang kawayan at sumandal. Huminga ako ng malalim. Paano na ito?
"Kakausapin ko si tito ramon!"ani ko
"Ayaw clarck...wala ka kaila ni don ramon...ako nalang ang makipag istorya sa iyaha!(wag clark...hindi mo kilala si don ramon...ako nalang ang makipag usap sa kanya!"ani nito saka hinawakan ako sa balikat.
"Ako ang lulutas nito!"ani nitoNapangiti ako.
"Ako na tay...matagal tagal na rin mula noong nagkita kami ni tito kaya ako nalang..."ani ko saka ngumiti ulit.
"wag kang mag alala tay...ibabalik ko ang tiwala niya sa atin!"ani koNahihiya itong tumango.
"Pasensiya ka na clarck.."depensa nito
"Walang problema tay..."ani ko rin
"Salamat clarck...ang laki ng naitulong niyo sa akin, sa pamilya ko!"ani nito
"Si tatay talaga...walang anuman-
"Kuya clarck..."singit bigla ni jay sa akin kaya napalingon kami nakadung-aw ang ulo sa pinto kasunod ang ulo ni jordan.
"Tssk...may pinag usapan kami dito!"matigas na sabi ni tatay sa kanila kaya napangiti ako at bumaling kay tatay.
"Pasensiyahan mo na ang anak ko clarck..."depensa ni tatayTumango ako. Narinig ko ang pag tawag ulit ni jay sa akin kaya tumayo na si tatay felix.
"Ako na tay...ok lang po..."ani ko saka tumayo na
Ngumiti si tatay tila nahihiya. Napangiti din ako saka pumasok na sa loob. Naabutan ko si janice sa sala nanonood ng balita katabi ni nanay.
"Naku..clarck pasensiyahan mo na ang dalawang yun masyadong makukulit!"ani ni nanay.
"Ok lang po nay...saan po ba sila?"tanong ko
"Nasa kwarto nila..teka-
"Ako na nay.."ani ko ng akmang tumayo si nanay. Sakto ding palabas si jay sa kabilang kwarto. Ngumiti ito saka basta ako nito hinila papasok sa kwarto.
Agad kong ginala ang aking paningin sa mga nakasabit na picture ng basketball player na si jordan.
Saka ko rin napansin na nakahiga sa kama si jordan habang nakatotok sa cellphone.Agad akong umupo sa kama. Sinara naman ni jay ang pinto ng kwarto at lumapit sa akin hinila ang isang upuan para umupo.
"Paano ba mangligaw ng babae kuya?"tanong ni jay sa akin. Napatawa ako ng mahina.
"Buang...(gago)"ani ni jordan saka hinagis ang isang unan kay jay. Sapol sa mukha.
"Curious lang naman ako! Bakit bawal bang mag tanong?"naiinis na tanong nito. Naramdaman kong umupo din sa kama si jordan at binaba ang cellphone .
"Umayos ka...pag ikaw marinig ni ate patay ka talaga!"sabi ni jordan kay jay.
Napatawa nalang ako.How i wish i have a brother like them! May dalawang naman akong kapatid pero babae naman at nasa highschool palang ang mga yun.
Hindi din ako close sa dalawa dahil ayaw akong ipaclose sa kanila dahil takot si daddy baka tumulad sa akin.
"Hindi ko rin alam!"nahihiya kong amin
Ang dalawa naman ang natawa.
"Torpe ka ba kuya?"bulaslas na tanong ni jay kaya binato ulit ni jordan ng unan
"Hinaan mo ang boses mo baka marinig sa labas!"sikmat ni jordan sa kapatid .
"Iwan ko ...basta ang alam ko lang sila itong lumalapit tapos kunting sweet naging kami!"ani ko nalang
Napalatak ang mga ito tila natutuwa. Napangiti din ako ng bumukas ang pinto. Napatingin bigla kami sa pinto. Si angel nakatayo sa may pinto.
"Wag niyong i pressure si kuya huh!"ani nito at tumingin ng masama sa dalawa saka sinara ulit ang pinto.
Napatawa kaming tatlo.
"Kuya alam mo ba ang ganitong solving?"tanong ni jay at hinila ang notebook nito.
Agad akong tumayo para lapitan ito. Agad akong sumalpak sa sahig at kinuha ang notebook. About graphing. Napangiti ako saka tumango.
"Medyo hindi ko kasi maintindihan kuya!"lukot na mukha nitong sabi
"Tulungan na kita!"ani ko at kumuha ng isang graphing paper at ballpen sa mesa nito.
"Ako din kuya meron din..kukunin ko muna sa kwarto ko!"ani din ni jordan at lumabas sa kwarto.
"Simple lang ito jay...tingin mo...ang sabi nito .... blah blah blah.."
Nakikinig naman ito habang nagpapaliwanag ako. Tumawa pa ito ng makasagot ng tama. Sakto din papasok na ulit si jordan dala ang libro nito at iniwanan nakabukas ang pinto.
"Yes...alam ko na...Salamat kuya!"ngiti nitong sabi at nagsimula ng gumuhit sa graphing paper. Tumayo din ako at umupo sa kama katabi ni jordan.
Sinilip ko ito at nakita ko ang ilang word na nakahighlight."Sa halos lahat ng subject ko itong English kuya...lalo na pag may essay! Akala ko sa highschool lang ito pati pala pag college meron din!"inis na sabi nito.
Napangiti ako saka kinuha ang libro.
"Sabi nga ng ilan, pag may tiyaga may nilaga!"ani ko
"Yun!"sagot ni jay sa akin at ngumiti.
"Tumahimik ka nga tutal tapos na yang sayo!"inis na sabi ni jordan kay jay.
Napailing nalang ako saka nagsimulang nag babasa.
••••
💜Leojea05
BINABASA MO ANG
Endless love
RandomDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.