10

12 1 0
                                    

Steven pov

Napangiti ako habang tinitingnan ang mga lumang larawan ni janice.

She's so cute.

"Alam mo ba kuya kaya hindi namin tinatawag na janice si ate kasi tomboy yan!! Nasanay kaming tawagin siyang jade! Maangas kasi ang porma niya dati parang lalaki!"ani ni jay na nasa kaliwang bahagi ko

"Hoy...hinaan mo yang boses mo baka marinig ka ni ate jade!"ani ni jordan na nasa kanang bahagi ko naman nakaupo. Binato pa ng unan si jay.

"Tigilan niyo nga si kuya maniwala yan hindi na niya ligawan si ate."ani naman ni angel na nasa kabilang side nakaupo. May hawak na maliit na libro.

"Yan naman tayo...tigilan mo yang pagbabasa ng pocket book ayan tuloy paniwalang paniwala ka sa mga ganyang bagay!"turan naman ni jordan at binato ito ng isang unan din.

Suminghot ito at tumayo saktong bumukas ang pinto. Napatayo ako agad ng makita si tatay felix. Nagsitayuan din ang mga anak nito at isa isang lumapit nagmano.

"Magandang gabi po tay felix!"ani ko

"Clark..nandito ka pala..."nakangiti niyong sabi at umupo sa isang upuan malapit sa akin. Umikot naman sa upuan ni angel ang dalawang lalaki doon nakisiksik.

"Ang nanay niyo?"

"Nasa kusina tay naghahanda ng hapunan."si angel ang sumagot dahil nasa cellphone na ang atensiyon ng dalawa.

"Kumusta po kayo tay?"magalang na tanong ko. Ngumiti ito at sumandal.

"Maayos naman kami kanina...balita ko sumama ka raw sa bayan!"

Sabi nito kaya napatawa ako saka tumango.

"Oo nga eeh...medyo may hint na ako ng kunti!"pabiro kong sabi kaya ito naman ang napatawa at tinapik ako sa balikat.

"Nagugutom ka na ba?"

"Naku hindi tay..ok lang po ako.."ani ko

"Hali na kayo...clarck ..."tawag sa amin ni nanay na sumilip sa kurtina na nakatabing sa kusina.

Nagtayuan kami at sabay sabay na tumungo sa kusina.
Napangiti ako ng makita si janice na nakaupo kaya tumabi ako sa kinaupuan niya. Sinamaan ako ng tingin nito.

"How are you?"ngiti ko pang bati

"As if close tayo!"gigil na turan nito sa mahinang paraan at ngumiti saka bumaling sa pagkain ang atensiyon.

"Wag kang mahiya kuya..."ani ni angel

Napangiti ako saka tumingin kay nanay at tatay na nakangiti.

"Pasensiya ka na, yan lang ang nakayanan naming lutuin!"ani ni nanay

"Walang problema nay sanay ako sa ganito at saka ang sarap ng luto niyo huh.."ani ko ng sumubo na ng ginataang gulay na may halong hiwang saging

"Ayaw kabala clarck masustiyansiyan na tanan!(wag kang mag alala clarck masustansiya ang mga yan!)"ani ni tatay in bisaya word

"Lami man gud!(masarap naman talaga!)" sagot ko rin

Napatawa halos lahat sa pagsalita ko ng bisaya.

"Naku kuya...ang swabe mong magsalita...makapanindig balahibo"ani ni jay

Napangiti ako saka tiningnan si janice na nakatingin lang sa kinainan nito.

"Maganda ba sa manila kuya?"tanong ni jordan kaya napatingin ako nito

"Mas maganda dito...presko ang lugar at tahimik! Mas makafocus ka sa pag aaral mo dito kaysa doon!"ani ko

"Bakit naman?"curious na tanong nito halatang naintriga

"Alam mo naman...tayong mga lalaki matigas ang ulo!"ngiti kong sabi saka tumingin nila nanay at tatay na nakikinig din sa akin habang kumakain.

"Baka dahil sa babae yan!"ani ni tatay.

Bigla nalang napaubo si janice na nasa tabi ko at mabilis na uminom ng tubig. Tumingin ito ng masama sa akin.

"Hindi naman.....gusto kasi ni daddy na mag business add ako para sa company namin..pero matigas ako kaya instead na sundin siya kumuha ako ng civil engineering!"ani ko

"Wow!!"sabay na sabi ni angel at jay sa akin. Naramdaman kong sinipa ako ni janice sa paa.

"Anong nangyari?"tanong ni jordan

"I meet a girl...a lovely girl..."ani ko saka sumulyap kay janice na nakayoko lang.
"We're inlove but sad to say were not meant to be!"ani ko
"Kaya instead ilang buwan nalang mag graduated ako sa pagiging civil nag drop out ako!"ngiti kong sabi

Napailing iling si tatay. Si nanay naman ay parang nanghihinayang parang hindi nakapaniwala sa ginagawa ko.

Sinulyapan ko si janice para tingnan ang reaksiyon niya pero nakayuko ito at nasa pinagkainan ang atensiyon.

"Tama na yan...saka na yan ipagpatuloy pag tapos ng kumain!"ani ni nanay panay ang tingin sa direksiyon ko. Alam ko na si janice ang tiningnan nito dahil tahimik lang ito.

"Ikaw 'te?" Tanong bigla ni jay sa kanya kaya napatingin ito sa kapatid

"Huh??"taka nitong tanong kaya tumawa si jay.

"Kwento mo noong nasa manila ka pa!"
pangungulit ni jay at sumubo ulit ng pagkain.. Ngumiti ito ng pilit sa kapatid at humawak ng mahigpit sa kutsara.

"Bahay, paaralan lang ako! Minsan mag sisimba kami ni-

Nabitin ang sinabi nito halatang may naalala.

Sino kaya? Yung lalaking pinagpalit niya sa akin?
Bakit parang naiinis ako bigla.

"Sa Boyfriend mo ate?"tanong ni angel kaya napatingin ako nito. Nanlaki ang mata nito.

"Si ate may Boyfriend sa manila?"takang tanong ni jordan. Natigilan din si tatay at nanay kay janice na ang atensiyon.

"Hahaha...ano kasi... ah..hindi-naputol ang sasabihin niyo ng mag salita ulit si angel

"Meron nga... sabi pa nga niya mas gwapo pa daw kay kuya clarck..."ani ni angel
Nakita ko ang pamumula ng pisngi nito at tainga.

"I didn't say that!! Ang sinabi ko lang may Boyfriend ako na gwapo sa manila!"ani niya sa amin halatang nahihiya dahil dinilatan si angel.

Natahimik kami at nagpatuloy sa pagkain. Maya maya si nanay ang nagsalita.

"Saka na yang usap pagtapos ng kumain huh!!"ani nito

Napa isip ako bigla, Ako kaya ang tinutukoy niyang Boyfriend? O yung lalaking pinalit niya sa akin?

Wala na talaga kami ni janice matagal na ano ang aasahan ko? Napailing ako saka pinagpatuloy ang pagsubo.
Bigla kaming natahimik. Si jay at si jordan naman ang nag uusap pero hindi ko maintindihan dahil nakabisaya ito.

***
💜

Endless loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon