Mula nang dumating si cellin sa bahay ko halos buntot buntot ito sa akin.
Nagpakilala na rin siya sa mga trabahador namin pero bilang cellin hindi bilang fiancee.Halos araw araw na rin kaming tinutukso sa mga kasamahan namin sa tubohan. Bilib din ako nito kahit sobrang init ng panahon nakabuntot parin ito.
Naclose na rin niya ang ilang kababaihang trahabador. Minsan sumabay pa itong pakipagkulitan sa kanila.
Mula pagdating ni cellin hindi ko na rin nakita si janice. Hindi ko napapansin kahit yung mga kapatid niya hindi ko na rin nakikita.
"Ang layo ata ng iniisip mo?." tanong ni cellin sa akin saka tumabi ng upo sa damuhan.
"Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?" hindi ko mapigilang magtanong pero ngumiti lang ito
"I'm just protecting what's mine!" may kasabay pang kindat sa akin. Hindi ko mapigilang mapatawa sa kanya.
"yan napatawa na kita!." saka hinawakan ang pisngi ko-- hindi ko expect na gagawin niya yun.
Napatingin ako sa kanya bakit ba hindi ako attractive sa kanya gayong maganda naman ito?
"Naku ang sweet naman." sabi ng kung sino kaya mabilis kong natabig ang kamay ni cellin.
Napatawa ito saka tumingin sa likuran namin kaya ito lang ang nakakita kung sino ang nagsalita.
"pasensiya na mahiyain itong fiancee ko lalo na pag may makakita sa amin na ganito ka lapit!" ngiti na sabi pa nito sa likuran namin kaya hindi ko mapigilang mapatingin kay cellin.
Nakaclose up ito ng ngiti pero bigla itong natigilan halatang nagtataka kaya napatingin nalang din ako sa likuran.
Si angel! Napatayo ako bigla sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ngumiti ito pero kay cellin nakatingin.
"pasensiya na hindi ko alam na restricted pala dito." nahihiya na sabi nito at nagmamadaling tumalikod. Napahugot ako ng hininga saka umupo ulit.
"she look so familiar! Lalo na ang mata niya." nag iisip pa nitong sabi kaya kinabahan ako bigla.
Ganoon na ganoon din ako noon ni angel pagdating dito.
I laugh nervously."halos nalang ata ng nakikita mo familiar sayo... Ano ba yan?" kunwari baliwala ko na sabi pero umiling ito saka tiningnan ako.
"alam mo ba halos instinct ng babae totoo.... Baka may tinatago ka dito.. Huh!" panghuhuli pa nitong sabi
Napatawa ako kahit kabang kaba na ako. Tumayo ako saka sinuot ang sombrero.
"umuwi ka nalang sa bahay... Wala ka namang matinong gagawin dito." saka walang babala na lumayo kay cellin patungo sa direksiyon kung saan si tatay felix kausap ang ilang trabahador namin.
"walang problema pare kahit ilan ang kailangan mo ibibigay ko para sa pamilya mo." yun ang naabutan ko na pag uusap nila. Napatingin ako ni mang berto.
"kailangan ko nga ngayon na... Ang mag ina ko p're nasa emergency room..." naiiyak na sabi nito
"ano ba ang problema dito? Tay?" baling baling ko na tanong sa mga ito
"Clark ang mag ina ko nasa emergency ngayon... Nabunggo kasi sila ng isang motorsiklo kaya kailangan ko ng malaking halaga ngayon." naiiyak pa nitong sabi
"magkano ba---
"clark..." angal ni tatay felix sa akin halatang pinipigilan ako sa gagawin ko
"sa daddy mo, ako hihingi ng tulong... Wag kang basta basta kumuha ng pera mo baka may nakalaan sa pera mo o pwede mong gamitan----"wag kang pag alala tay may kunti naman akong perang naipon ko at kahit papaano makatulong ako kay mang berto." saka napatingin ako sa direksiyon ni cellin kung saan ko iniwanan pero wala na ito doon.
"saang hospital ba mang berto tara puntahan natin... Tay wag kang mag alala ako na ang tatawag ni daddy." baling ko kay tatay felix halatang hindi sang ayon sa desisyon koKalahating oras din bago kami nakarating sa hospital. Agad kaming dumaritso sa emergency room pero hinarang kami.
" ako ang asawa---
"sir sa may front desk muna kayo may kailangan po kayong permahan doon."magalang na sabi ng isang lalaking nurse. Naningkit ang mata ko.
" For what purpose? "takang tanong ko nito
"may mga patakaran po kasi kaming sinunod dito sir!"?nahihiya na tugon nito
"the hell the rule is that. Babayad kami kahit magkanong halaga gusto lang naming makasiguro na safe ang mag ina niya." naiinis ko na sabi
Bahagya itong tumango saka binigyan kami ng daan. Nagmamadaling pumasok si mang berto kaya sumunod agad ako.
Naabutan namin na nakahiga na ang mag ina nito sa kama halatang tapos na ring naasikaso. Napahinga ako ng maluwang saka sumandal sa pader.
Niyakap agad ni mang berto ang asawa at hinalikan sa ulo. Nag iyakan ang mga ito kaya nagdesisyon akong lumabas muna.
Agad akong tumungo sa front desk ng hospital saktong nakaharap ko ang nurse na lalaki na kausap namin kanina. Ngumiti ito.
"pwede bang ilipat ko sa ward ang mag ina magbabayad lang ako." pakiusap ko nito tumango lang ito at may tiningnan sa computer.
Maya maya inangkat ang telephone nito halatang may tinatawagan. Tinapik tapik ko sa aking darili ang estante kung saan nakapatong ang kamay ko. Ng nababa na ang telephone agad ko na ring hinugot ang atm ko sa wallet.
Nahihiya itong ngumiti saka inabot ang papel sa akin."sa cashier po kayo magbabayad sir!" saka tinuro sa bandang dulo.
Ngumiti ako saka tinanggap ang mga papel ito ata ang billing at resita.
Nang matapos kong nabayaran at binili ang mga gamot at nag order rin ako ng take out food sa food panda.
Hinintay ko muna sa labas ang food panda. Halos kalahating oras din akong nag hihintay hanggang sa dumating ito. Tinungo ko ang hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng hospital.
Napangiti ako pagpasok sa ward. Gising na ang mag ina nito. Nakatingin ito pagpasok ko."lunch..." anyaya ko nito
"nag abala pa kayo clark... Malaking tulong na nga itong ginawa mo sa mag ina ko." madamdamin nitong sabi
Nilapitan ko ang anak nito na nasa kabilang kama. Nasa edad 7 or 8 ito.
"kumusta imuhang gibati baby...?" tanong ko nito
Ngumiti ito saka tumingin sa tatay niya.
"nagugutom ka ba? May pagkain akong dala." nakangiti ko pa ring anyaya nito tumango lang din ito.
Inalalayan ko itong mapaupo sa kama. Lumapit din si mang berto sa amin saka inalalayan din ang anak nito.
Napangiti ako habang nakatingin sa mag ama na kumakain.
" kayo clark.. Wala ka bang plano na kumain."
"mamaya na ako." tugon ko
"hindi naman ako magtatagal dito.."Nang makasiguro akong maayos ang lagay ng mag ina nagpaalam na din ako sa mga ito.
****
💜
BINABASA MO ANG
Endless love
RandomDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.