44

7 2 0
                                    

Nagising ako kinabukasan sa malakas na tugtog. Napadilat ako at tiningnan sa tabi si janine pero wala na ito. Mabilis akong bumanngon at lumabas sa kwarto. Nakita ko ito kasama si nicole sa terrace. Nilapitan ko pero natigilan ako ng makita ko sa baba si steven nagsisibak ng kahoy at wala itong damit sa pangtaas.

"good morning... Good morning baby..." bati ko sa dalawa at hinalikan si janine.

"look mom... Ang sipag ni daddy.."ngiti na sabi nito. Napangiti ako at tumingin kay nicole na nakatingin lang kay steven habang nakangiti. Umiwas ako ng tingin at kunwari napatingin nalang din kay steven. Ano naman kaya ang trip ng lalaking ito.

Mabilis akong lumayo sa terrace para babain ito. Kinuha ko ang damit nito na nakasabit sa sofa at lumabas sa pinto. Natigilan ito ng makita ako. Ngumiti ako at tinaas ang damit. Nagtaka man ito pero huminto ito at lumapit sa akin.

"magdamit ka nga..."inis ko na sabi nito

" nagsisibak ako ng kahoy.."

"kahit na.. Baka isipin ni nicole pinagnanasaan kita." deritsa kong sabi. Nanlaki ang mata ko sa nasabi ko. Ngumiti ito.

"pinagnanasaan mo na pala ako." patuya na sabi nito at niyuko ako. Lumapit ang mukha nito sa mukha ko. Napaatras ako ng bahagya.

"ang lakas mong makipagharot sa akin kahit nandito lang sa paligid si nicole.."

"I'm not."ani nito saka umupo basta basta sa sahig. Huminga ako ng malalim. Nagkagat labi ako.

"kakain muna tayo..." biglang sulpot ni nicole sa likuran  namin. Mabilis akong naplayo kay steven. Hindi ako makatingin kay nicole ng diretso.

"uuwi muna kami sa amin medyo nakaabala na kasi kami dito." ngiti ko na sabi.

"ok lang... Walang problema.. Dito muna kayo."ngiti na sabi nito saka tiningnan si steven.
" sabihin mo lang pag inaaway ka ni steven."dagdag pa nitong sabi.

" nahihiya--

"tara na sa kitchen hinihintay na tayo ni janine." saka nagpatiunang tumalikod. Mabilis akong inakbayan ni steven at ginayang sumunod kay nicole. Ano ba itong ginagawa ni steven? Mabilis akong kumawala sa akbay niya at mabuti nalang binitiwan ako.

Ayaw din itong pumayag na umuwi na kami. Si nicole naman parang wala lang din. Hindi ba niya napapansin ang awkward sa pamamagitan namin ni Steven o nagpabulag bulagan lang siya. Nakikita ko rin na medyo na close na ni nicole si janine kaya mas lalo akong nabahala. Nag anyaya pang gumala si janine at nicole sa manggahan. Hindi na rin ako sumama dahil parang ako pa ang third party sa relasyon ng dalawa.

Iwan ko para akong mawalan ng bait sa aking pag iisa sa bahay. Para akong tanga na naghihintay sa kanilang pagdating. Tinatanaw ko pa ang mga ito papalayo. Huminga ako ng malalim saka umupo sa upuan. Bakit ba ako nahihirapan ng ganito? Humugot ako ng hininga saka umupo ng makaramdam ako bigat sa dibdib. Parang hinihiwa ang puso ko. Ang sakit. Napadilat ako ng marinig ko ang yabag paakyat sa hagdaan. Mabilis akong tumayo at takbong tumungo sa hagdanan. Natigilan ako ng makita ko si steven na lukot ang mukha at parang galit.
Napalunok ako. Bakit andito ito?

"si j-janine?" yun agad ang naisip kong itanong
Tumawa ito at hakbang palapit sa akin at kinabig ako. Napahawak ako sa dibdib nito at napatitig sa kanya. Bakit namumula ang mga mata nito?

"I'm so dead of your reason.. Bakit hindi ka nalang umamin para maging ok na para mag ending na tayo." galit na sabi nito

Mabilis ko itong tinulak at lumayo sa kanya.

"ano bang nangyari sayo?"

"anong nangyari?" natatawang tanong nito at nagsabunot ng buhok. Lukot parin ang mukha nito.

"ano bang nangyari huh??" gigil ko na tanong
"kung may problema kayo ni nicole wag mo akong idamay... Kaya nga gusto ko ng umuwi na kami."

Gigil akong hinila ni steven mabuti nalang at mabilis akong napailag.

"tutal wala pa namang nangyari sa amin ni nicole...bakit hindi natin ayusin ang atin." ngisi na sabi nito saka kinabig ako at basta nalang siniil ng halik. Mabilis akong nagkumawala sa kanyang mga bisig at sinampal pagkatapos. Ngumisi lang ito saka nagpahid ng labi.
Ang baba na ng tingin niya sa akin.

" bastos ka....!! "galit ko na sabi nito
"wag mo akong itulad sa mga niloloko mo!" duro ko na sabi

"hindi naman..." ngisi na sabi nito saka sumeryoso ang mukha.
"bakit? Nahawakan ka na ba ni edward? Nahalikan? Saang parte?" galit na sabi nito saka nihawakan ako sa pisngi, sa labi, sa baywang, sa dibdib. Nag iilag ako pero sadyang malakas ito kaya hindi siya nahihirapan sa paghawak sa akin.
"did you make love to him?" nanlaki na sabi nito. Mabilis ko itong sinampal.

"how dare you.."sigaw ko.
Mabilis ulit ako itong hinalikan. Kumawala ako sa mga bisig nito. Bisig na hinahanap ko noon pa.

"bakit ayaw mong ayusin natin? Mahal mo na ba siya? Wala na ako diyan sa puso mo?" galit na turo sa dibdib ko.
Ngumiti ako.

"anong aasahan mo? Aayusin ang dati? Patas na tayo! Sinaktan mo ako noong at guamnti lang ako kaya kita iniwan din." galit ko na sabi nito nakita ko ang pagtagis bagang nito.

"bakit hindi mo sinubukan mag explain? Makikinig naman ako sayo."

"tapos na yun.. Hindi ka pa move on? Wala na tayo."

"damn! Bakit hindi mo sinabi sa kain ang bagay noon? Bakit mo pinagkait?" galit na sabi nito. Napakurap ako. Kung nasaktan siya mas nasaktan ako noon.

"hindi mo alam ang pinagdaanan ko steven. Naghihirap din ako noon...hindi alam ang gagawin."

"bakit hindi mo ako nilapitan? Bakit?"

"dahil ayaw kong isipin mo na dahil sa pera mo kaya ako lumalapit sayo. Paalala lang ikaw ang unang nagbigay ng masakit na salita sa akin."

"i didn't meant it. I just... Hurt that time."

"ako hindi? Tigilan na natin ito. May nicole kana.."

"ooh shut up."

"you shut up!"

Malakas at galit naming sagutan. Nagsukatan pa kami ng tingin. Ako ang unang pumutol at humakbang pataas ng pumihit ang pinto.

"pack your things nicole... As soon as possible you can leave." utos na sabi nito at mabilis na umakyat ng hagdan patungo sa kwarto.

Napatingin ako kay nicole sa pinto nagtataka. Pati si janine nagtataka rin.

"what? No way." tili ni nicole at tumakbong umakyat sa hagdan at nilagpasan ako.

I can't believe this.

Endless loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon