Napaangkat ako ng tingin ng makita ko ang ilang studyante na lalaki na lumapit sa desk ko.
Nakangiti ang mga ito!!"O!"
"Teacher janice crush ka ni mark!!"ani ng isang studyante ko. Napataas kilay ako para ilihim ang ngiti.
Nagtulakan ang ilang studyante lalaki sa upuan."Bakit hindi nalang ang assignments niyo ang aatupagin niyo!"ani ko sa mga ito kaya nahihiya ito.
"Ang ganda niyo teacher!!"sabi din ng isa
Gusto kung mapangiti pero pinigilan ko.
"Maskara lang yan!!"tugon ko
"Back to your seat baka nandito na ang sunod niyong subject!"diin kong sabi sa mga ito.Nag sialis ang mga ito at umupo na Napangiti ako saka umiling.
Ang mga bata talaga ngayon.Pagdating ng uwian agad kung pinuntahan si jay sa room nila. Nakita ko itong palabas na sa room nila.
May kausap itong morena na babae. Napangisi ako.
Kaya pala nag aayos kanina.Nakita ko ang pagkagulat nito sa mukha ng makita akong nakatingin sa kanya. Iwan ko bigla itong bumaling sa babae at patakbong lumapit sa akin!
"Ate sau lage ka?"(ang aga mo ata ate?)tanong niya sa akin napangiti ako.
"Kaya ka pala nag-ayos!!!"nakangisi kong sabi saka tumango. Nagkamot ito ng batok at hinila na ako!
"Ipakilala mo naman ako sa sister in law ko!!"biro ko"Ate...friend lang na'ko siya!!"inis na tugon nito at hinila ako.(ate..kaibigan ko lang yun)
"Bakit ka naiinis??"tanong ko nito habang naglakad kami palabas ng gate!
"Good bye teacher!!"ani pa ng ilang studyante na nagtambay sa bench na nadaanan namin!
Tinanguan ko lang ang mga ito!!"Alam mo ba 'te sa room namin panay ngalan ni kuya clarck ang naririnig ko sa mga girls namin!!"ani ni jay
"Wag mog ibahin nag usapan jay!! Ano girlfriend mo ba yun?"tanong ko
"Kaibigan lang te... ayaw magpaligaw!!"sagot nito
Bye maam!!"ani ni kuya guard na nakatayo sa gate
Ngingitian ko ito saka binalingan si jay!
"Niligawan mo nga!! Mag ayos ayos ka jay huh...bata ka pa baka makabuntis ka!!"diin kong sabi nito
Tumango lang ito!
"Ate naman...goodboy ako!"ani nito at tinuro pa ang sarili nito
"Sana nga lang!!"ani ko
Naabutan rin namin si angel na naghihintay!!
"Kumusta ang school mo?"tanong ko nito
"Ok lang!!"tugon nito
Sabay sabay kaming naglakad papasok sa lupain ni don renato. Natatanaw namin ang malaking bahay dahil madadaanan lang namin ito papunta sa bahay namin!
"Puntahan ko muna si nanay te!"ani nito saka mabilis na tinahak ang malaking bahay.
"Pa kunwari din itong si angel eh si kuya clark lang naman ang pinunta!!"sabi ni jay.
Hindi na ako nag react at pinagpatuloy ang paglalakad ng makita ko si tatay.
Nakatayo ito sa may daanan halatang hinintay ako.
Bigla akong kinabahan."Inaabangan ka talaga ni tatay te para ipakilala ka ni kuy clark!"nakangiti turan ni jay na katabi ko
Tiningnan ko ito ng masama kaya nag ayos ito.
"Jade...hali ka ipakilala kita kay clark...mabuti at maaga kayo!!"nakangiti sabi nito
"Mauna na ako sa bahay te!!"ani ni jay
"Ako na nag mag dala niyan!!"sabi nito at kinuha ang bitbit kong dalawang libro!
"Goodluck!!"sabi pa nito"Tay naman!! Sa weekend nalang!!"sabi ko
"Nandito ka lang naman , mas mabuting ipakilala na lang kita!!"ani nito at sumigaw ito.
"Clark..."tawag nitoMabilis kong sinundan ng tingin ang tinawag ni tatay. Nakasuot ito ng itim na jogging pants at malaking t-shirt na dilaw at nakasuot ito ng cap kaya natatakapan ang mukha.
Sa tindig pa lang parang kinabahan na ako. Mukhang pamilyar ang tindig niya.
Lumapit ito sa amin. Napalunok ako.
"Clark ito ang anak—
"Ikaw!!"sabi ko ng makalapit na ito. Si steven.
Gulat din itong napatingin sa akin! Anong ginawa niya dito?
"Janice!"naguguluhan nitong sambit
Nagtaka naman si tatay sa amin!
"Magkilala kayo ng anak ko clark!!"ani ni tatay sa lalaki
Bigla ata itong namutla.
"Nakikita ko kasi ito minsan sa university na pinapasokan ko!!"sagot nito kay tatay.
Napangiti ako saka huminga ng malalim.Hindi ko akalin dito pa kami magkita. Pagkatapos sa hiwalayan namin noon hindi na kami muling nagkita pa.
Parang biglang sumakit ang dibdib ko. Tinangal nito ang suot na cap kaya mas lalo ko siyang natitigan.
Mas lalo ata itong gumagwapo ngayon namumula ang pisngi nito halatang hindi sanay sa init, kutis mayaman talaga.
Mas mabuting naghiwalay kami noon, hindi pala talaga kami bagay.Langit siya samantala ako lupa lang at kahit kailan hindi humahalik ang langit sa lupa.
"Kumusta!"ani nito at basta basta nalang ito lumapit at hinapit ako payakap.
Napatili ako sa gulat. Nakita ko ang pagkagulat ng mukha ni tatay.
Sa tingin palang ni tatay may pananagutan na ako pag uwi."I missed you!"bulong na sabi nito
Bigla atang uminit ang paligid sa sinabi niya. Naramdaman ko ang ma init na siningaw ng katawan niya kahit amoy araw na sobrang bango pa rin ito sa ilong ko.
Bago ako madala mabilis ko itong tinulak.
Pagkatapos niyang makipaghiwalay sa akin basta basta nalang niyang sasabihin na miss niya ako! Manigas siya!Dinilatan ko ito. Napansin kung umiiling iling si tatay.
"Maiwan ko muna kayo!"sabi pa nito saka iniwan kami.
Nakangisi pa ito pagbaling ko. Inirapan ko ito.
"Clark ka na pala ngayon!"pang aasar ko ang sabi
Nagkamot ito ng ulo saka tiningnan ako ng masama!
"Ikaw kailan ka pa naging jade huh!"pang aasar din nito
Hindi ko mapigilang mag ikot ng mata!
"Kung makayakap ka parang wala kang ginawa sa akin!"inis kong sabi
"Aalis na din ako!"ani ko saka marahang lumakad ng pigilan niya ang braso ko.
"Unsa man imung tuyo nako ba!"inis kong sabi sa kanya(ano ba ang Kailangan mo sa akin?")"What?"nagtaka niyong sabi
"Hindi kita maintindihan!"Nakakonot noo niyong sabi. Napangiti ako saka nagtaas ng kilay.
"Pwes...intindihin mo!"asik kong sabi saka iniwanan na ito!
"See you around!"pahabol pa nitong sabi
Hindi ko mapigilan mag ikot ulit ng mata. See you around yang mukha mo!!
••••
💜
Eeyyyyy
BINABASA MO ANG
Endless love
RandomDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.