Janice povNatigilan ako sa paghuhugas ng plato ng marinig kong may nag tao po.
Hindi ko sana pansinin ng mag tao po ulit ito.
Sino ba ito?
Bisita?Tinuyo ko ang aking kamay saka tinungo ang pinto sa sala para buksan. Natigilan ako ng mabuksan ko si cellin. Ano ang ginagawa nito dito?
Kailan ito nakabalik? Hinigpitan ko ang paghawak ng doorknob.Ngumiti ito.
"hindi mo ba ako papasukin? Magkaibigan naman tayo dati!" ngiti na sabi nito
Bigla akong kinabahan sa hindi maipaliwanag na paraan. Ba't ito nagbalik? Alam ba niyang nandito si clark?
"kung makatitig ka parang wala tayong pinagsamahan, may galit ka ata sa akin kahit nagkikita tayo sa manila dati hindi mo ako pinansin." simangot na sabi nito
Nahihiya kong niluwagan ang pinto para makapasok ito. Ngumiti ito at pumasok na. Umupo ito sa upuan na yari ng kawayan.
"hindi mo ba nakwento ni steven na magkilala tayo? Naku.... Alam mo ba ikakasal na kami." nakangiti pa rin nitong sabi
Bigla atang nag echo ang pagkasabi niya. Naramdaman ko ang pamamanhid ng buong katawan kaya napasandal nalang ako.
"i know about your relationship with him. Dati pa noong college pero hindi ko binigyan ng pansin. Ngayon ano talaga kayo? Recently i heard you fly back in manila with him sa kasal ni princess at russel."nakataas kilay nitong sabi
Humihinga ako ng malalim.
"hindi ko kagustuhan na sumama doon...pinilit niya ako." katwiran ko
Napatawa ito ng pakla saka umiling.
"dapat alam mo ang kinatatayuan mo janice... Posibleng ang tinayuan mo ngayon baka mawala pa. Hindi lang sayo pati sa pamilya mo." nakangiti nitong sabi saka kumindat
"i have to go." saka pumihit na ito palabas ng bigla itong tumingin ulit sa akin halatang may naalala.
"have a good day."ngiti na sabi nitoNanghihina akong napaupo ng makaalis na ito. Sinapo ko ang aking ulo. Naguguluhan ako at natatakot sa hindi maipaliwanag na paraan.
Sa ganoon posisyon naabutan ako ni angel." inaano ka ba ng babaeng yun?"
Inis na tanong ng kapatid ko pero hindi ko pinansin. Agad akong bumalik sa kusina para tapusin ang iniwan ko kanina.
"te... Ano ba ang ginagawa niya dito?" nakasunod ito sa akin.
Hindi na ako sumagot kaya wala itong nakagawa kundi lumabas na rin. Napahinga ako ng maluwang at kumurap kurap.
Naninikip ang dibdib ko.Hindi ko mapigilang mapa iyak. Ang sakit sakit. Bakit ba kasi ako umaasa eh alam ko naman wala talagang pag-asa. As in wala.
Nilinis ko na rin ang buong bahay para aliwin ang sarili ko. Hindi ko rin pinansin ang mga tanong ni angel sa akin.
Nang hustong mapagod na ako agad akong pumasok sa kwarto at umupo sa upuan harap ng lamesa ko. Hindi pa rin nawawala ang kirot.
"te??" boses ni angel
Napatingin ako sa may pinto. Nakasandal ito halatang kanina pa ako tiningnan.
"bakit mo ba pahirapan ang sarili mo te? Halata namang hindi ka pa move-on. Kahit anong deny mo, pagkukunwari mo at pag aaliw ng sarili mo halatang nasasaktan ka. Tanggapin mo sa sarili mo." paglilitanya nito
Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya at binuklat ang libro.
" may gagawin akong report para sa lunes kaya pwede ba wag mo akong istorbuhin."galit galitan ko na sabi kaya napatawa ito.
BINABASA MO ANG
Endless love
RandomDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.