42

7 1 0
                                    

Kinabukas agad akong napabalikwas ng bangon ng marinig ko ang ingay sa cellphone. Kinapa ko ito sa lamesa malapit sa uluhan ko saka tiningnan kung sino ang tumawag.

Si janine. Napangiti ako saka sinagot ito saka pumikit ulit.

"yes baby..."

"mommy..." umiiyak na sambit nito. Bigla akong nadilat. Bakit ito umiiyak. Hindi lang ordinaryong iyak kundi iyak na waring nasasaktan.

"baby... Bakit ka umiiyak?" alala ko na tanong nito at bumangon na. Binuksan ko ang screendoor sa terrace.
"ang aga mo namang umiiyak... Uuwi na ako diyan mamaya... Ano ba ang gusto mong pasalubong? Baby?"

Nag iiyak lang ito sa kabilang linya kaya bumangon na ang pag alala ko.

"nasaan si nanay kausapin ko."mas lalong lumakas ang iyak nito

"wala si nanay..."hikbi na sagot nito.

"saan ka ba ngayon?"

"mommy..."

"janine bakit ka ba umiiyak?"

"NO! Stop it!" pagtitili ni janine sa kabilang linya kaya mas lalo akong kinabahan.

"baby.... Baby? Janine?"

"hi!" isang tinig babae ang narinig  ko. Napasinghap ako at napatingin sa cellphone. Sino ang babaeng ito?
"pumunta ka ngayon dito sa lumang simbahan janice... Wag mong dalhin ang kahit sino dahil buhay ng anak mo ang nakataya dito." madiin na utos sa kabilang linya. Napamura ako. Si cellin. Paano ito nakatakas sa bilangguan?

"shit! Shit! Sa oras na may mangyari sa anak ko cellin hinding hindi kita mapapatawad." galit ko na sabi nito pero tumawa lang ito. Narinig ko ang pagtili ulit ni janine sa kanilang linya. Nagpasabunot ako ng buhok at naiiyak na. Tumatawa lang si cellin sa kabilang linya.

"hihintayin kita... Siguraduhin mong hindi ka aabutan ng dilim dahil bangkay na ang maabutan mo." saka nawala ito sa kabilang linya. Isang luha ang pumatak sa mata ko.

Pumikit ako at hindi nag aksaya ng oras. Bitbit ko na ang bag paglabas. Nasa cagayan pa ako. Paano ba ako makauwi na hindi aabutan ng dilim. Napatingin ako sa relo sa aking bisig. Mag alas siete pa ng umaga. Sakto maaga pa akong makarating doon.

Agad akong lumapit sa pinto ni steven at akmang kakatok ng bumukas ito. Hindi pala nakasara. Mabilis akong Pumasok at naabutan ko ang dalawa sa sofa magkatabing umupo habang nakatitig sa screen ng laptop. Nakaramdam ako ng sakit pero sinantabi ko nalang muna.

Tumikhim ako kaya napaangkat ito ng tingin pareho. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni steven. Nagkagat labi ako at napaturo sa pinto.

"kakatok sana ako pero nakabukas kaya pumasok ako."nahihiya ko na sabi. Mas lalong kumunot ang noo ni steven na nakatingin sa akin.
" pasensiya sa distorbo may importante lang akong sabihin."

Nagkibit balikat lang ito at sumandal sa upuan. Nag excuse din ang babae. Bitbit ang laptop tumungo ito sa terrace. Huminga ako ng malalim bago umupo.

"u-uuwi n-n a-ako."nautal ko na sabi

"bakit kailangan pa bang mag paalam ka?" tanong nito

"hindi naman--

" hindi din kita maihatid sa terminal ng bus."putol ng pagsasalita ko. Napakagat labi ako. Paano ko ba sasabihin sa kanya.

" oo nga pala.. Pasensiya na.."at tumayo na ako.

" yan lang ba ang pinunta mo dito?"

"bakit may iba pa ba?" inis ko na tanong nito. Bakit ang init ng ulo nito? Naistorbo ko ba talaga sila?

Endless loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon