43

6 2 0
                                    

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang mainit na bagay na lumapat sa aking noo. Napadilat ako. Si nanay ang nabungaran ko. Pumikit ako ulit ng makaramdam ako ng sakit sa binti at braso.

"magpahinga ka muna..."bulong na sabi ni nanay. Napadilat ako ng maalala ko si cellin. Mabilis akong bumangon kaya nagtaka ni nanay..

"si cellin!" bulaslas ko

"hindi na kinaya ni cellin... Wag mo ng isipin yun...nandoon si steven at si janine sa presinto para magbigay ng statement."

Napakurap ako saka napasabunot sa buhok.

"kumusta si janine? May sugat ba siya? "

"wag mo ng isipin yun.. Magpahinga ka muna."pag iiba ng usapan ni nanay at ginaya ako pabalik ng higa.

Nagising ako at medyo may kadiliman na ang silid. Napabangon ako at tumungo sa bintana ng matigilan ako. Hindi ko ito kwarto. Saan ba ako? Mabilis akong lumapit sa bintana at napatingin sa labas. Dahon ng sugarcane ang nakikita ko. Nasa bahay ako ni steven? Bakit?
Mabilis akong lumabas at bumaba sa hagdanan pero walang tao. Saan ba silA? Tinungo ko ang kusina at naabutan ko doon si nicole nagluluto.

Natigilan ako at napatingin sa kanya. Ka ano ano ba ito ni steven? Girlfriend? Fiancee? Napailing ako sa iniisip ko ng mapalingon ito sa gawi ko.

"hi... Mabuti at gising ka na."bati nito sa akin. Marahan akong lumapit at naghila ng upuan saka umupo.
"umuwi ang nanay mo sa inyo.. Si janine naman kasama si steven namimili ng pagkain."habang busy ito sa pagluluto. Ano ba ang niluluto nito. Maya maya narinig namin ang ugong ng sasakyan.
" sila na siguro yun. "excited na sabi nito at mabilis na lumabas sa kusina. Huminga ako ng malalim. Bakit ang sikip ng dibdib ko.

Agad akong sumunod nito dahil gusto kong makita si janine. Naabutan ko itong nakayakap si nicole kay steven. Si janine naman ay kababa lang din at tumakbong lumapit sa akin.

"mommy..." saka yumakap ito. Niyakap ko ito ng mahihpit saka hinawakan ang pisngi. Napansin kong may guhit na sugat ang mukha nito sa may pisngi banda. Hinaplos ko ito. Ngumiti lang ito.

"pasensiya na nahuli si mommy ng dating.."saka hinalikan ito sa pisngi at hindi inaasahang napasulyap sa kanila at nakita ko ang pag bulong ni steven kay nicole. Lumunok ako at ginaya na si janine papasok.

" how are you janice? "narinig ko na tanong ni steven. Nakasunod ito sa amin. Huminga ako ng malalim saka umupo sa sofa.

"maayos lang." ikli ko na sagot nito.

Umupo din ito sa sofa katabi ko. Nagbukas ng tv si janine kaya napatingin nalang din ako sa screen.

"kumusta ang braso mo at binti?"

Napatingin ako sa tanong niya. Nakita ko ang pag alala ng mukha nito. Ang mga mata nitong waring nangungulila sa akin. Kumurap ako. Kalokohan! Nangulila? Ang saya nga niya kay nicole.

"maayos na.. Si cellin--

"wag mo ng isipin si cellin. Tanggap na din nila tita ang kapalaran ni cellin."

Napasabunot ulit ako sa  aking buhok saka kumurap kurap. Naalala ko pa ang pagtama ng ulo niya sa bakal at ang pag ayos ng masaganang dugo nito.

Biglang bumangon ang takot sa aking dibdib.

" It's ok... "alo nito saka hinila ako nito payakap. Napaitlag ako sa ginawa niya. Paano nalang kung makita kami ni nicole. Marahan akong kumawala sa yakap niya pero hinigpitan ako nito ng yakap.
"please..." pagsumamo nito.

Hindi ko ito tiningnan dahil baka madala pa ako sa emosyon at bibigay sa kanya.

"nasa kusina si nicole..." diin ko na sabi nito saka pinilit na kumawala. Pinakawalan ako nito at may ngiti sa labi.

"ano naman? Maunawain si nicole... Lalo na pag family problem. Pamilya naman tayo."

Taka ko itong tiningnan pero ngingitian lang ako nito. Tiningnan ko si janine pero nasa tv ang atensiyon.

Huminga ako ng malalim saka lumapit kay janine at niyakap ito at pinasandal sa aking dibdib. Sumandal din ito.

Maya maya nag anyaya na ding kumain ng hapunan si nicole. Tahimik akong kumain habang panay naman ang pag uusap ni nicole at steven minsan sumali na din si janine.
Agad ko na ng ginaya paakyat sa kwarto ko si janine pagkatapos para makabihis ito.

"nag aaway ba kayo ni daddy?"

Taka akong napatingin kay janine na nakaupo sa kama. Nilapitan ko ito saka niyakap.

"hindi kami nag aaway..."

"bakit ang tahimik mo?"

HUMINGA ako ng malalim saka niyuko ito.

"sadyang may isyu lang kami kaya kami ganito.. Wag kang mag alala mahal ka namin" ngiti ko na sabi nito saka hinawakan ang pisngi. Tumango ito.

Ng pumasok ito sa banyo agad akong umupo sa sofa. Paano ko ba ito pakikisamahan si steven gayong nandito rin si nicole.

Nagkagat labi ako saka tumayo na ng biglang bumukas ang pinto. Si steven pumasok. Paano ito nakapasok. Nakalock yun kanina.

"i have a key... Bakit mo ba nilock ang pinto?" tanong nito at lumundag sa kama. Nanlaki ang mata ko kaya napatayo ako. Ngumiti lang ito.
"wala akong nakakahawang sakit janice... Bakit parang takot kang makalapit sa akin?"

"tigilan mo nga ako sa trip mo steven clark!" gigil ko na sabi nito sa mahinang bosses.
"nandito ang girlfriend mo...fiancee mo O sa whatever na yan. Mahiya ka sa kanya."pero ngumiti lang ito at inabot pa ang kamay ko at hinila kaya napasobsob ako sa dibdib nito.

Naamoy ko ang kanyang pabango. Amoy na nakakakilabot at halos lahat ng himaymay ko nabubuhay.

"sayo ako ngayon kaya nga ako pumunta dito... Mamaya kami naman ni nicole." bulong na sabi nito

Bigla akong nanghina sa naririnig ko. Mabilis akong nagpilit na kumawala at tumayo. Ngumiti lang ito at tumayo din saktong paglabas ni janine.

Nagulat pa ito ng makita kami. Naramdaman ko ang paghaplos ni steven sa buhok ko kaya inirapan ko ito saka mabilis na tinabig.

"good night... Sweetheart.. Goodnight." baling din na sabi niya kay janine at hinalikan ito sa pisngi. Tumungo na ito sa pinto pero bago lumabas nag flying kiss ito at alam kong nakikita yun ni janine. Tumikhim ako saka binalingan si janine na nakangiti.

"bakit ka nakangiti?" kunwari intriga ko na tanong. Umiling lang ito saka nagbihis na.

Napangiti ako at pumasok na rin sa banyo. Infairness kinikilig ako kahit hindi naman dapat.
Hay naku... Masasaktan lang din ako kung aasa ulit.

Tssk!

°°°

Endless loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon