13

12 2 0
                                    


Agad kaming nagsimulang mag damo sa maliliit na tubo na bagong tanim pa. Napansin ko rin na panay ang tingin ni clarck sa akin habang nakatayo sa may kabilang tubohan kausap si tatay.

Gigil kong pinaghihila ang mga damo sa may puno ng tubo habang namamaktol.

"Ok ka lang 'te?"takang puna sa akin ni angel

Ngumiti ako saka tumango. Napatingin din sa gawi ko sila jordan at jay na nasa kabilang linya ng tubo nagdadamo rin.

"Yup!"

"Panay ang tingin ni kuya sayo...hindi na ako magtataka niyan!"ngiti na sabi ni angel. Dinilatan ko ito kaya nagsisimula ng magdamo.

Init at uhaw ang naramdaman ko habang nasa gitna kami ng tubohan nagdadamo. Ang tatlo ko na kapatid parang wala lang talagang sanay na sa ganito.

Tumatagaktak na rin ang pawis ko na mas lalong nagpainit ng buong sistema ko. Hindi pa naman ako naliligo kanina. Hindi ko alam kong ilang oras kaming nagbibilad basta ang naramdaman ko na lang biglang kumalam ang sikmura ko. Narinig ko ang sigaw ni nanay na kakain na sa may kubo malapit sa malaking bahay nila steven.

"Tara na 'te!"anyaya ni angel sa akin. Tumango lang ako.

"Mauna ka na...tataposin ko lang ang isang linyang ito susunod ako!"ani ko

Tumango tango si angel at tinawag pa ang dalawa kong kapatid na lalaki.

"Kuya...jay...hali na!"ani nito at lumakad na palayo sa akin papunta sa direksiyon sa kubo.

"'Te!!"tawag ni jordan sa akin

"Mauna na kayo...susunod ako...tatapusin ko lang ito!"ani ko

Pati mga kasamahan namin nagsitayo na rin para mananghalian. Mas lalo kong binilisan  ang pagdamo para matapos na rin ito. Ilang dipa nalang ang layo.
Agad akong tumayo ng matapos na para pumunta ng kubo. Pagpihit ko nakita ko ang sa may likuran si steven nakatayo.

"You really love your job huh...mas pina-prioritize mo pa yang trabaho kaysa pagkain!"Naniningkit nitong sabi

Hindi ko mapigilang mag taas ng sulok ng labi.

"Unsay labot nimu...nganung naa man ka diri?(anong paki mo! Bakit ka ba nandito?)"inis na sabi ko

"Well women...ayaw kong ginugutom ang mga tao ko!"sagot nito

Napatawa ako saka namaywang. Naintindihan niya ang sinabi ko?

"O baka iniiwasan mo ako?"nakangiti nitong tanong at bahagyang lumapit ang mukha sa akin. Mabilis akong napaatras.

"Gwapo kaau ka 'no... para akong likay likayan!(ang gwapo mo talaga 'no..para iiwasan ko!)"sarcasms kong pagkasabi at ngumiti ng ubod tamis.

"Naman!! Alam naman natin na gwapo talaga ako!"sang ayon pa ng hudyo.

"Ang lakas ng hangin!"turan ko kaya tumawa ito

"Did you sleep well last night?"seryosong tanong nito kaya sinamaan ko ito ng tingin

"Oo naman 'no! Bakit ikaw ba?"ngiti ko ring tanong nito

"Wala akong tulog buong gabi alam mo ba yun! Iniisip ko kung sino ang tinutukoy mong kasamang nagsimba pag linggo noon?"bulgar nitong sabi hindi ko mapigilan mapamaang sa sabi niya. Siya lang naman ang naging Boyfriend ko noon ah simpre siya.

Hindi lang din pala ako ang hindi masyadong nakatulog pati pala siya. Tantiya ko madaling araw na akong nakatulog kagabi pero hindi ko aaminin sa hudyong ito ano namang laban ko nito.

Langit siya samantala ako lupa lang. Ang laki ng agwat namin!

"Hali na kayong dalawa..."sigaw ni nanay sa amin. Kapwa kami nakatingin sa direksiyon ng kubo. Halos kumakain na ang lahat. Agad akong nagpatiunang lumakad palapit sa kubo.

"Let's talk janice!"he say while following me.

"Istoryahing lolo nimo na upaw!(kausapin mo ang lolo mong kalbo!)"ani ko

"Definitely yeah pag isama kita pabalik sa manila...surely lolo likes you!"he said assured

Napangiti ako saka humarap ulit sa kanya.

"Pagbalik na didtu sa maynila kay didtu man ka nabagay.(bumalik ka na sa manila kasi doon ka nababagay.)"turan ko nito
"Can you please stop!"gigil na dadag ko at binilisan na ang paglalakad patungo sa kubo.

Agad akong binigyan ng paper plate ni nanay pagkatapos kong manghugas ng kamay.Agad akong lumapit sa may mesa para kumuha ng pagkain. Alam ko ring nakasunod din si steven pero hindi ko pinansin.

"I still longing you janice!"pabulong na sabi nito habang kumuha ng pagkain.

Parang biglang uminit ang aking buong mukha. Napatingin ako sa mga kumakain pero parang walang nakarinig sa kanila.

Inikotan ko ito ng mata saka umupo na sa bakanteng upuan. Medyo malaki laki rin ang kubo na yaring kawayan kaya kaysa kami.

Akmang susubo ako ng makita ko na papalapit sa direksiyon ko si steven. Ano ba ang trip ng lalaking ito?
Umupo ito sa tabi ko pero hindi ko pinansin. Agad akong sumubo gamit ang kamay ko!

"Let's talk after work!"seryoso na sabi nito

Hindi ko ito sinagot bagkos pinagpatuloy ko ang pagkain. Agad akong natapos at lumapit kay nanay kausap si tatay.

"Nay pwede ba akong maki CR !"

Napatingin ito sa akin at tumayo.

"Ipasama na kita kay angel!"ani ni nanay at nilapitan si angel na kumakain pa.
Nakita kong tumatango si angel habang kausap si nanay. Naiihi na talaga ako! Inipit ipit ko ang aking ibaba na parte pinipigilang hindi makaihi.

"Hintayin mo lang ang kapatid mo!"ani ni nanay pagbalik

"No need nay..ako na!"presinta bigla ni steven habang kumukuha ng baso. Agad itong nagsalin ng tubig at uminom.
"Pupunta din ako sa malaking bahay kaya ako na!"ani nito

Hindi na din ako nagpa kipot pa dahil naiihi na ako.

"Kaya mo pa bang lumakad?"paanas na tanong nito pagbaling sa akin

Inirapan ko ito.

"Anong akala mo sa akin walang paa!"inis ko na tugon

"I'm just concern! Alam kong—

"Ooh shut up!"ani ko saka nagpatiuna ng lumabas sa kubo.

Agad ako nitong nilampasan sa paglalakad kaya hindi na ako pumalag bagkos  sumunod ako.

Sa may likod bahay kami dumaan patungo sa dirty kitchen. Agad niyang tinuro ang banyo walang pag alinlangan akong pumasok para umihi.

Naghugas kamay ako bago lumabas sa banyo. Natigilan ako ng makita ko ito sa upuan nakaupo habang nakatingin sa akin. Bigla akong inatake ng kaba.
Bakit kumakaba kaba pa itong dibdib  ko?

••••
💜

Endless loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon