One year later..Napaangkat ako ng tingin ng bumukas ang pinto ng opisina ko. Si mommy ang pumasok. Ngumiti ako at sinalubong ito ng halik sa pisngi.
"hi mom... Napabisita ka?" ngiti ko na sabi nito.
"well... I have something to tell you....ilang araw kanang walang secretary kaya naisip ko, bakit hindi tayo kukuha ng sekretarya mo?" ngiti na tanong nito. Napatawa ako.
"no worry mom.. I can managed!"
"i insist!"
"ok... Sino naman ang naisipan mo?" kampante ko na tanong saka sumandal sa sofa.
"si janice."
"what?? Are you out of your mind? Mom!"inis ko na sambit. Ngumiti ito.
"hindi ko naman pinangarap na maging kayo.. Ang sa akin lang sana kahit kaibigan man lang...mahirap bang pakisamahan si janice?"
Bumuga ako ng hangin saka nag kibit balikat. Wala naman akong magagawa.
"fine...walang problema.." sang ayon ko nalang. Ngumiti si mommy saka tumayo na.
"sige na.. Magkikita pa kami.." at lumabas na ito. Napailing iling ako saka nanghihina na sumandal ulit sa sofa.
Bakit bigla akong kinabahan? Excited?
No way!Dapat siya ang kabahan dahil may malaking atraso pa siya sa akin. Napangiti ako ng may pumasok sa isip ko. Tumango ako.
Pwede!Agad akong umuwi ng maaga para makapagpagupit ng buhok.
Bumili din ako ng bagong denim shirt, oxford shirt at ano ano pa. Nag-ahit din ako ng aking balbas para malinis akong tingnan bukas.
Hindi na din ako umuwi sa bahay kinagabihan dahil alam ko pagmakita ako ni mommy na bagong balbas tiyak tutuksuin nila ako.Hindi ko alam pero bawat ikot ng relo ay palakas ng palakas ang tibok ng dibdib ko. Bumuga ako ng hangin at pilit na ikalma ang sarili.
Kinabakasan agad akong bumangon ng maaga at naghanda na sa muling pagkikita namin. Agad akong sumakay sa itim na hilux at nag drive tru ng kape sa Mcdonald.
Kabadong kabado ako habang sakay na sa elevator papunta sa opisina ko. Bumuga ako ng hangin ng bumukas ang elevator at daretsong lumakad papunta sa opisina ko ng matigilan ako. Nandoon na si janice at nakaupo na sa area nito. Huminga ako ng malalim.
Daretso akong pumasok sa pinto."good morning sir!"
"good morning!" tipid ko rin na bati saka tuluyang pumasok sa pinto. Mabilis akong napaupo sa sofa dahil sa hindi mapaliwanag na paraan ng bumukas ang pinto.
Umayos ako at tumayo. Si janice. Nakasuot ito ng simpleng office uniform namin. Ang dating maliit na bahok ngayon ay mataas na at nakawala lang at nilipad lipad sa hangin ng aircon. Mas lalo ata itong gumaganda ngayon.
"coffee..." nahihiya na alok nito.
"yes please..." tugon ko saka tumayo at tumungo na sa aking upuan at humarap sa computer. Nababaliw na ba ako? Nakainom na ako kanina ng kape. Hindi ba ako nenerbiyoson mamaya?
"umiinom ka ba ng kape?" pahabol ko na tanong nito.Natigilan ito at napatingin sa akin.
I see her sadness in her eyes but still beautiful as ever. Pinilig ko ang aking ulo sa mga iniisip ko.
"po...?"
"Pareho lang tayo ng edad cabrera wag mo akong i-po. Wag mo na akong ipagtimpla ng kape."saka tumingin sa computer.
Napansin ko ang paglabas nito kaya bumuga ako ng hangin saka sumandal sa upuan at umikot ikot ako.
Biglang tumunog ang intercom kaya natigilan ako.
BINABASA MO ANG
Endless love
RandomDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.