12

10 2 0
                                    

Janice pov

Kanina pa ako nakatutok sa palabas na walang hanggang na pinagbibidahan ni coco martin at julia montes pero ang aking pandinig ay nasa kwarto ni jay kung saan nagtatawa ang nasa loob.

Ano ba ang ginawa nila? Nakita ko ring nakapikit na si angel sa may upuan. Agad ko itong nilapitan at ginising.

"Sa kwarto ka na lilipat!"ani ko nito

Umungol ito at nagkamot na tumayo. Inaya ko ito sa kwarto at pinahiga bago ako lumabas kinumutan ko muna saka dumaritso ako sa kwarto ni jay.

Tiningnan ko sila sa loob at napangiti ako ng makita ko si clarck na nagbabasa ng libro at may nakaipit na ballpen sa tainga nito. Si jordan may sinusulat sa notebook at panay ang lingon kay  clarck. Si jay naman ay nag guguhit sa graphing paper.

Maya maya napatawa ang mga  ito ng mabunggo ang lapis na gamit ni jay dahil lumikha ito ng ingay.  Nagkamot si jay.

"Kainis!"ani pa nito

Napangiti din ako. Agad na kinuha ni clarck ang lapis at siya mismo pa ang nagsharpener nito.

Napakagat labi ako ng napatingin ito sa gawi ko. Agad akong sumeryoso ng mukha.

"Wag mong turuan ng ano ano yang kapatid ko!"inis kong sabi at kunwari na pinagtagpo ang kilay.

Napangiti ito sa akin at binigay kay jay ang lapis.

"Boys only lang ito ate!"ani ni jordan sa akin. Nakita kong umupo ulit sa kama si clarck pero nakatingin pa rin sa akin.

Tinaasan ko ito ng kilay saka tumalikod. Akala niya siguro madadala ako sa tingin niya. Hmmp!

Minsan na akong naloko sa titig na yun at hinding hindi ako magpaloko ulit!

Umupo ulit ako sa upuan ng mapansin ko na nakangiti si nanay sa akin. Mas lalo akong nainis.

"Nay naman..."inis na sabi ko

"Wala akong sinabi jade!"ani din nito saka tumingin ulit sa tv. Saktong naghalikan ang dalawang bida.
"Kinikilig ako sa kanila!"ani nito

Pumikit ako saka sumandal ng upuan. Nahihiya ako kay nanay!

"Si clarck?"boses ni tatay at naramdaman ko na umupo ito sa tabi ko.

"Nasa kwarto ni jay..."si nanay na ang sumagot.
"Sa kwarto ka na matulog jade kung inaantok ka na!"narinig ko pang sabi ni nanay

Agad akong dumilat at tumayo.

"Mauna na ako sa inyo!"paalam ko

"Wag mong kalimutan bukas janice!"paalala ni tatay.

Napakamot ako ng ulo saka tumango bilang tugon at tuloy tuloy na pumasok sa kwarto para matulog. Hindi talaga kinalimutan ni tatay ang sinabi ko.

Hindi ko alam kong ilang oras akong nakatulala habang nakatutok sa kawalan habang naririnig ko pa ang tawanan ng tatlo sa kabilang kwarto hanggang sa magpaalam na si clarck.

Bakit ayaw akong dalawin ng antok? Mabilis akong bumangon saka ginulo ang buhok. Ayaw kong mag mukhang haggard bukas pero bakit hindi ako makatulog?
Naisip ko ang sinabi niya kanina sa hapag kainan.

Kaya pala nag siya drop out dahil sa akin? Bakit sa akin? Ganoon ba siya ka apektado sa akin? Naging sila kaya ni cellin pagkatapos namin? Myghad! Ano ba itong  iniisip ko?

****

Marahan akong bumaloktot ng higa ng maramdaman ko ang ginaw at ang pag alis ng kumot ko. Nagpatulog tulog ako kunwari wala lang pero narinig ko ang tinig ni tatay sa labas ng kwarto hinanap ako!

"Te...gising na...si tatay atat na atat ka ng isama sa tubohan!"narinig niyang sabi ni angel

Dumilat siya pero hindi kumilos. Parang bago pa lang siya nakatulog  ginising na agad.
Narinig ko ulit ang boses ni tatay.

"Gisingin mo na yang ate mo angel...pag ako makagising niya'n..."ani ni tatay

"Naku si ate...baka matagal nakatulog kagabi kaya tulog pa..."ani ni angel at dinugtungan ng tawa.

Tumihaya ako ng higa saka tumingin kay angel.

"Ang ingay ng hilik mo kaya hindi ako masyadong nakatulog!"inis na sabi ko

Napatunganga  ito habang nagsusulay sa basang buhok. Hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Anong oras na ba?"tanong ko lang ulit

"Alas singko emedya na!"ani nito saka umupo sa kama nito at dinampot ang isang pocketbook para basahin.

Agad akong bumangon at tumungo sa labas. Naabutan ko na nagkape si tatay sa sala katabi ang dalawang kapatid ko na lalaki nangangape rin.

"Sasama rin kayo?"taka kong tanong sa dalawa

"Ano pa nga ba!"kibit na sagot ni jordan

Dumaritso ako sa kusina at naabutan ko si nanay na nagluluto ng ulam.

"Ako na diyan nay!"presinta ko pa

"Ako na malapit na itong matapos..maligo ka na lang!"ani nito habang nasa niluto ang atensiyon

"Hindi ako maliligo ngayon medyo late na kasi akong nakatulog kagabi!"tugon ko

"Maaga ka namang pumasok sa kwarto mo!"takang sabi ni nanay at sumulyap sa akin nakangiti

"Naku nay walang kinalaman yang iniisip mo!"depensa ko na sabi

"Wala akong sinabi jade...bakit napaka defensive mo?"taka pa nitong tanong at sinabayan ng iling.

"Kung pipikonin mo lang ako nay mabuting maligo nalang ako!"inis kong sabi saka pumasok sa banyo. Narinig ko ang mahinang tawa ni nanay. Pumikit ako saka sumandal sa nakasarang pinto ng banyo.

Argh!! Bakit ba napaka defensive ko nga? Tuloy si nanay pinagtutukso ako. Binuksan ko ang faucet saka nanghilamos na. Agad akong nagbihis pagkatapos naghalf-bath.

Pinagsandok din kami ni nanay para sa almusal bago umalis. Saktong pag totok ng alas saes umalis kami sabay sabay ng bahay patungo sa tubohan. Kanya kanya kaming suot ng jacket at maluwang na jogging pants at saka sombrero. Hindi pa nga kami dumating sa may tubohan narinig ko na ang ingay ng tao nag sisigawan at nagtatawanan.

"Maayong buntag felix...himala kaau uban lagi na imong dalaga karon?(maganda umaga felix...himala at kasama mo ang dalaga mo ngayon)"turan ng isang may edad na lalaki.

"Oo eeh!"ani nalang ni tatay

"Maganda umaga ho..."sabay na sabay na bati ng kapatid ko nito ngumiti ito saka sumabay ng lakad kay tatay habang nakasunod kami.

"Kinsa ma na siya?(sino ba siya?)"pabulong ko na tanong kay angel

"Si mang berto...isa sa mga trabahador dito!"mahinang tugon ni angel sa akin.

Tumango tango ako. Halos ilang taon din akong hindi nakauwi kaya hindi ko na rin kilala ang mga taga rito sa amin lalo na kung baguhan lang din nakatira.
May kilala naman ako pero hindi rin marami dahil hindi din ako basta bastang sumama kay tatay noon!

•••••

💜

Endless loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon