19

8 1 0
                                    


Hindi ko mapigilan mapatingin sa direksiyon nila russel at steven na nag iinom.
Bakit ayaw kong mawala siya sa paningin ko? Napatingin ako bigla sa kaharap  ko ng bigla itong tumikhim.

Amuse na nakangiti si princess sa akin.

"Para kayong timang ano!! Pag hindi ka nakatingin sa kanya, siya nakatingin sayo. Pag ikaw naman nakatingin sa kanya, siya naman hindi  nakatingin sayo! Tssk! Ang love nga naman!"iling na sabi nito kaya napatawa ako

"Naku mali ka ata!! Ang layo ng agwat namin 'no! Lupa ako,  siya langit!"

"Malay mo ang langit hahalik sa lupa!"ngiti na turan sa akin saka hinaplos ang tiyan.
"Tingnan mo kami ngayon ni russel..."nakangiti pa rin nitong sabi saka lumingon sa direksiyon ni steven kung saan kausap ito ni russel.
Kumindat pa ito sa asawa niya kaya hindi ko mapigilan mapangiti. Kinikilig ako.

"Congratulation ulit!!"bati ko ulit
Napansin ko rin panay ang himas nito sa manipis na tiyan.
"Buntis ka ba?"tumango ito bilang sagot kaya napatawa ako.
"Congrats..."ani ko saka ginanap ang kamay nito na nasa mesa. Ngumiti ito.

"Ninang ka ni kathleen huh.."ngiti na sabi nito at hinaplos ang tiyan.
"Kayo kailan??"tanong nito

Napailing ako saka nilagok ang isang baso ng alak.
Ngumiwi ako dahil sa lasa.

"Meant to be talaga kayo huh!"dagdag pa nito
"Alam mo ba kung hindi dahil sa akin hindi yan pupunta sa mindanao. Sinabi ko kasi sa kanya na baka doon mo lang makita ang  meant to be mo at hindi ako nagkakamali."Napangiti ako sa sinabi nito

Maya maya pa lumapit na si russel at niyaya si princess na tutungo na sa kwarto nila.
Napangiti ako habang nakatingin sa kanila.

"Can i join!"ani ni edward at umupo

Tumango ako saka nilagok ulit ang isang basong wine.

"Your so lovely!"papuri pa nito sa akin kaya hindi ko mapigilan mapangiti. Hindi ko alam pero parang nalalasing na ako bigla.

"Ikaw din ang pogi mo!"walang preno ko na sabi. Napatawa ito sa akin at ginanap ang kamay ko sa mesa.

"Thanks for the compliment!"ngiti  pa nito at pinag ipisan ulit ako ng imported na alak sa baso. Nilagok ko ulit ito.
"Lasing ka na ata tara ihatid kita sa kwarto mo.."yaya pa nito

"Ang gentleman mo naman...ok tara!!"ani ko at tumayo na

Mabilis ako nitong inakbayan at ginaya papunta sa elevator. Naramdaman ko ring humaplos ang kamay niya sa may balikat ko. Bigla akong natigilan.

"Wait...edward..."ani ko at bahagyang lumayo ng bigla ako nitong yakapin.
"Edward—

Naputol ang  iba ko pang sabihin ng bigla itong nahila ng kung sino. Bigla rin akong nahilo. Napasandal ako sa entrada ng elevator.

Nakita ko ang pagsuntok ng kung sino kay edward saka ako nito nilapitan at hinaplos ang mukha ko.

"Ok ka lang ba??"tanong nito at niyakap ako. Napangiti ako ng marinig ko ang pamilyar na boses at amoy nito. Si steven pala.

"Lintek ka edward...kung makita pa kita dito bukas baka mabugbog pa kita ulit kaya kung ako sayo umalis ka na!"gigil na sabi nito sa lalaki pero nakahawak ito sa akin.
Napangiti ako habang nakapikit.
"Talagang masaya ka pa!"inis na sabi din sa akin at ginaya na ako papasok sa elevator.

Narinig ko ang pagding ng elevator. Nakapikit parin ako. Nahihilo na kasi ako. Tatlong baso lang ata ang inimom ko bakit nahihilo na ako.

"Ang susi mo?"narinig ko na tanong nito

Napangiti ako at kinapa sa aking suot na short sa ilalim ng suot na off shoulder na dress na kulay puti . Napamulat ako ng wala akong nakapa. Ngumiti ako nito.

"Naiwan ko ata sa loob..jejeje.."para na akong timang sa harap niya nakangiti

Nakita ko ang pag tagis bagang nito.

"Ok lang ba sa kwarto muna kita..."napatango ako sa sinabi niya. Ginaya ako nito at naramdaman ko ang malambot na kama. Nappikit ako.
"Diba sabi ko sayo wag kang mag suot ng ganyang  damit! Ang tigas ng ulo mo!"pagalit na sabi pa akin.

"Ano bang aasahan mong suutin huh? Jacket at jogging  pants!"pang insulto ko na sagot saka dumilat ng mata.

"Ok lang naman kung mag off shoulder ka kahit lantad yang   leeg  at likod mo kung  taas pa ang buhok mo! Eeh ang iksi na ng buhok mo!!"galit na sabi nito
"Ayaw kong makita yan ng iba ang likod at leeg mo. Kung pwede lang magsuot ka ng damit na balot yang sarili mo! Kung pwede mata nalang ang makikita mo at yang kuko mo sa paa!"gigil na sabi nito kaya napatawa ako.

"Bukas na tayo mag uusap huh.. nahihilo kasi ako!"ani ko at pumikit ulit. Inaantok na rin ako. Idagdag pa ang bango ng kwarto. Nakakarelax.

***

Marahan akong napadilat ng maramdaman ko ang mainit na dumadapo sa aking mukha. Idagdag pa ang binti na nakadagan sa akin tiyan. Mabilis kong nabalingan ang aking katabi at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang nakapikit na si steven.

Mabilis akong napbangon at niyuko ang aking sarili. Suot ko pa rin ang damit kagabi. Ibig sabihin pinatulog niya ako.

"Wag kang gumalaw...natutulog pa ako."paanas na sabi nito at bumaling sa kabilang direksiyon patalikod sa direksiyon ko.

Napakagat labi ako saka marahang napasabunot ng buhok. Why i'm here?
Ang huli kong naalala kainuman ko pa si edward kagabi.
Marahan akong bumaba sa kama at sinulyapan si steven bago lumabas sa kwarto.

Natigilan ako ng hindi ko nakapa ang susi sa suot kong short. Agad akong lumapit sa reception disk. Humingi ng duplicate na susi sa kwarto saka bumalik sa kwarto ko.

Agad akong humiga sa kama at pumikit. Lasing ba talaga ako kagabi! Kung ganoon bakit ko katabi si steven? Si edward ang huli kong kasama kagabi!

Napadilat ako saka bumuga ng hangin. Hindi ko nalang isipin yun. Sasakit lang ang ulo ko wala naman akong maalala.

••••

💜

Endless loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon