Janice Jade Cabrera visual ☝️
Janice pov
Naalimputangan ako ng marinig ko ang malakas na katok sa pinto halos masira na ito sa lakas na pagkakatok. Bumangon ako saka binuksan ang pinto.
"Hoy babae ka..."galit na bugad ni stella sa akin at binato ang papel na hawak sa mukha ko. Mabilis ko itong nahawakan at tiningnan. Billing ng tubig at kuryente!
"Bayaran mo yan!!"inis na sabi sa akin at tinalikuran ako."Ah..stella...ikaw muna...plano ko kasing magbigay kina tatay at nanay ngayon kaya hindi muna ako makakabayad ikaw muna!"habol ko sa kanya.
Galit itong tumingin sa akin. Pinagkrus pa ang braso sa dibdib.
"Anong paki ko basta mabayaran mo yan!!"inis na sabi sa akin at nagtaas kilay.
"Stella ngayon lang ito..."pakiusap ko
Nagtaaa kamay ito para patigilin ako.
"Paalala lang huh... may attaso ka pa sa akin at hanggang ngayon hindi ka pa bayad!"galit na duro sa mukha ko. Pumikit ako saka nagkagat labi. Pa ulit ulit nalang niyang binabalik yun! Matagal ng nangyari yun!
"Pinaliwanag ko na sayo noon hanggang ngayon ba hindi mo pa rin maka kalimutan!! Asawa mo nga siya ngayon!"mahinahon kong sabi
"Yeah...."tumango ito
"Asawa nga pero hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap!! Alam mo kung bakit dahil nahalikan ka niya! Naghalikan ka!!"pasigaw na sabi nito at tinulak ako. Nanlaki ang mata nito.
"Hindi porket kasal kami ok na... hindi kami ok ni mark ngayon janice... paalala ko lang dahil sayo!"galit na sabi nito at dinuro ang noo ko.Huminga ako ng malalim saka nagkagat labi!
"Kailan lang talaga nila nanay at tatay ng pera ngayon!"giit ko
"I don't care!!"diin sa sabi nito at nilakihan ako ng mata.
"Yan ba ang iganti mo sa pagtulong namin sayo dito! Anong gusto mo babangon sa hukay si mama para siya mismo ang kumausap sayo!"galit na turo sa akin!
"Yan ba ang igaganti mo sa pagtulong namin dito noon!! Nakaaral ka nga mamahaling paaralan at full scholar pa pero kalahati ng kinain mo sa amin galing!!"gigil na sabi nitoHindi ko mapigilan ikumpas ang kamay ko para sampalin ito. Nagulat ito sa ginagawa ko!
"Isa pang salita hindi lang yan ang aabutin mo sa akin! Pinsan nga kita pero sumusubra ka na! Nakikain nga ako pero pinagsilbihan ko naman kayo!!"diin kong sabi nito
"Talaga sobra na ba!!"pagtaas kilay nitong tanong. Galit na galit pa rin ito.
"Bakit hindi mo subukan umuwi sa mindanao at doon ipagpatuloy ang pagiging mabutihing guro mo! Araw araw mo pang makakasama ang magsasaka mong magulang!"ngisi nitong sabi at tumalikod. Inis kong hinila ang nuhok nito kaya napatili ito."Magsasaka nga ang magulang ko pero at least wala silang inaapakan na tao at hindi nila magpapanggap na mabuti dahil may mabuti silang puso!"pasigaw ko nitong sabi at hinila ang buhok nito
"Ah...ah...bi...tiwan mo ako!!!"patili nitong sabi
"Wag kang mag alala kaya nga wala akong plano na mag bayad dahil aalis na ako!"diin kong sabi nito. Yan lumabas na din ang pagiging amasona ko!
"Walanghiya ka.."galit na sabi nito at natimpiyohan kaya nahila din ang buhok ko. Napangiwi ako. Mabuti nalang at maiksi na ang buhok ko kaya hindi niya masyadong mahila. Tinulak ko ito saka binitiwan. Galit itong tumingin sa akin!
"Subukan mong wag mag bayad janice!"ngisi nitong sabi pero naniningkit ang kilay.
"Sa barangay ka babagsak!"dagdag nitong sabi saka iniwan ako.
Huminga ako ng malalim saka bumuga ng hangin!Suko na talaga ako sa pagiging amasona ni stella. Wala akong choice kundi babayaran nalang. Ayaw kong madampot sa barangay. Bahala na pagkatapos kong babayaran aalis na ako ayaw ko na dito gusto ko ng umuwi. Doon ko nalang ipagpatuloy ang pagiging guro doon.
Dinampot ko ang wallet saka lumabas sa bahay.
***
Steven pov
Halos mag tatlong linggo na akong naka stay sa bahay ni russel pero hindi pa rin nabago ang isip nila daddy at mommy sa akin.
Wala naman sigurong problema kung i try ko doon baka tama si princess mag enjoy ako doon at doon ko rin makita ang the one ko. Humugot ako ng hininga saka pinihit ang pintuan namin pabukas.
Napangiti ako ng makita ko sila mommy at daddy sa sala nakatingin sa akin. Nakita ko ang pagngiti ni mommy si daddy naman ay mukhang nagtatanong. Mukhang nag except na!
"Mom.. dad.."ani ko at humakbang ng mag salita ni daddy.
"Siguraduhin mong maganda ang sasabihin mo kaya ka nagpunta dito!"matigas na sabi ni daddy kaya napahinto ako sa paglalakad.
"Dad..please ... give me a couple of weeks!"pakiusap ko. Ngumisi ito at nagluwag ng necktie sa leeg. Huminga ng malalim!
"Tatlong linggo kang wala dito akala ko ba nag pag isipan mo na!"kampanteng nitong sabi
"Renato bigyan mo naman ng panahon ang anak natin!"segunda ni mommy. Lihim akong napangiti. Love talaga ako ni mommy. Inis na sumulyap si daddy sa kanya.
"Itigilan mo ako cindy...dahil sa pag uunawa mo sa anak mo lumaki ang ulo niya!"galit na sabi ni Daddy at tinuro ako.
"Hindi na nga ako nag react ng kumuha ito ng civil engineering noong nag aaral pa ito dahil sabi mo yun ang gusto niya! Anong sinabi ko? Ok go!!"galit na sabi ni daddy.
"Noong nag drop out ito ng civil engineering imbis na ilang buwan nalang, hindi ako nag react dahil sabi mo ayaw mong i pressure ang anak natin!! Ngayon isang pakiusap lang ang gusto ko ayaw niyang pag bigyan!!"pasigaw nitong sabi saka nag pukpok ng mesa sa harapan. Nakita ko ang pamumutla ni mommy.
"Matanda na ako cindy at si steven ang pwedeng susunod sa hakbang natin. Paano kong mawala tayo at wala pa siyang natutunan paano ang dalawa niyang kapatid huh!"namumula nitong sabi"Dad..."mahina kong sabi
"What?"Halos pasigaw nitong tanong
Ngayon ko lang nakikitang galit na galit si daddy! Si mommy ay tahimik lang halatang takot kay daddy! Plano ko naman na tanggapin na ang alok nila sa akin pero inunahan na ako nito ng sermon!
"I'll go in mindanao!"
Nagtaka ito sa sinabi ko. Nagkamot ng panga saka tumingin kay mommy na gulat din. Napangiti ako!
"Plano ko namang pumunta na pero nanenermon na kayo!"nahihiya kong sabi
Napatawa si papa at tumayo lumapit sa akin! Tinapik ako sa balikat!
"You make me proud!!"nakangiti nitong sabi
Napangiti din ako. Si mommy naman ay nagpahid ng luha paniguradong umiyak ito dahil sa hindi inaasahan desisyon!
Mabilis ko itong nilapitan saka niyakap."I miss you mom!!bulong ko
"Honey... sino nalang ang mag alaga sayo doon malayo—
"Cindy!"kontra ni Daddy sa iba pang sabihin ni Mommy
"Wag mo ng i baby si steven malaki na yan! Balang araw mag asawa nayan!"matigas na sabi ni DaddyInirapan lang ni mommy si daddy saka niyakap ako ng mahigpit!!
"But i have one condition!"sabi ko
"Spell it out!!"kampanteng sagot ni papa.
Napangiti ako!!
••••
Leojea05
BINABASA MO ANG
Endless love
RandomDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.