Steven povNapatayo ako sa kinaupuan kong deck ng magsalita ang monitor ng barkong sinakyan ko.
Dinampot ko ang malaking bag saka lumabas sa kwarto!
Hindi ako makapaniwala na pina commute ako nila daddy at mommy.
Pinayagan nga ako sa pakiusap ko pero kapalit naman ang pag commute ko!
Nagkagat labi ako ng mabundol ako ng isang bata. Niyuko ko ito. Isang lalaki na may hawak na eroplano na laruan.
Nagtaas ito ng tingin! Tinaasan ko ito ng kilay dahil sa init ng ulo tapos dumagdag pa ito!
"Sorry!!"sabi nito at lumayo sa akin. Pinagpatuloy ko ang paglakad saka pumila pa exit sa barko. Nakahinga ako ng maluwang ng makalabas ako.
Agad akong tumawag kay daddy! Saan na kaya ang sundo ko?
"Dad..saan ang sundo ko?"bungad kong tanong pagkasagot ni daddy. Tumawa ito sa kabilang linya kaya nagtaka ako!
"I told you mag commute ka!! Sumakas ka ng bus papuntang valencia! Doon ka bumaba at pagkababa—
"No!!"pagtaas boses kong sabi
"You can't do this!! Dad!! Sobra naman ata ito!!"inis kong sabi at huminga ng malalim. Tumawa lang ito."Deal with it!! Pagkababa mo sa terminal sumakay ka ng motorela papunta sa—
"I can't believe you!!"diin kong sabi wala na akong panahon na tapusin ito sa pagsasalita pinatay ko agad.
Naalala ko pa naman ang daan papunta doon.
Bahala na.Ilang minuto din bago ako nakasakay ng bus! Halos umabot ng anim na oras akong sakay ng bus dahil sa sobrang traffic! Nahihilo na ako sa bus at iba't ibang klase ng amoy ang naaamoy ko!
Hapon na ng dumating ako sa valencia terminal.
Agad akong pumara ng motorela papunta sa amin! Sa may highway lang ako nakababa dahil hindi pwedeng makapasok ang motorela doon.
Wala akong choice kundi maglakad nalang. Pakiramdam ko gusto ng bumigay ang sarili ko. Halos apat na araw na akong nagcommute mula manila. Nananakit na ang binti ko pati ang amoy ko amoy araw na!Damn!!
I hate this life!!
Parang gusto ko ng hilain ang credit card ko at pumunta sa airport para umuwi ng manila kung saan ako nasasanay!Maya maya pa natatanaw ko na ang ilang tao na nagkumpulan. Binilisan ko ang paglalakad. Ilang layo nalang makarating na ako.
Natanaw ko na nag malaking bahay namin. Napangiti ako saka mabilis na lumakad ng biglang may nagtilian. Yung taong nagkumpulan biglang tumakbo pAPalit sa akin.
Napahinto ako sa paglalakad. Sino ba ang mga ito.Napangiwi ako ng huminto ito sa harap ko at Nagpalakpakan. May isang dalagitang babae pa ang lumapit sa akin at nag lagay ng kwentas na yaring bulaklak.
"Welcome sir clarck!!"sabay na sa sabi nito
Napangiti ako saka tumango! Ganito ba sila mag welcome!
"Sir.. maayong hapon..Salamat kay nakaabot naka!"ani ng lalaki na medyo may edad na pero maaninag mo sa anyo ang katikasan nito.
Teka. Ano raw ang sabi?
Nagkamot ito ng batok. Napatawa halos ang lahat!
"Ikaw na ang mag translate angel dahil nahihirapan akong magsalita ng tagalog!"utos ng lalaki.Nahihiya humarap sa akin ang dalagita. Napangiti ako ng lihim!
Talagang may dalagang pilipina pa talaga ngayon!"Magandang hapon daw po sir clark.. mabuti at nakarating kayo!!"magalang na sabi nito at tumingin sa lalaki.
"Tatay ko pala ito si tatay felix!!"ani nito at tinuro ang lalaking nagsalita kanina ng bisaya.Napangiti ako. Inikot ko ang aking paningin sa lahat. Nakatingin ito sa akin nakangiti! Nahihiya tuloy ako!
"May kunting salo salo kaming hinanda sayo Sir clarck tara pagsaluhan muna natin bago kayo magpahinga!!"sabi ni tay felix. Nag unahan na itong lumakad. Ginaya din ako ni tay felix sa may isang kubo malapit sa bakuran namin.
Sa likod ng kubo ay matatanaw na ang malawak na sugarcane namin.Napangiti ako ng makita ko ang iba't ibang klaseng yamang dagat na ulam. May alimango, may shrimp. May isda.
Pinaupo muna ako ni tay felix sa upuan.
Maya maya ay nakisabay na din ako sa kinain nila dahil nagugutom na din ako.***
Huminga ako ng malalim habang tanaw ang nasa baba na bahagi kung saan matatanaw ko ang ilang ilaw na nagkislapan sa kabilang side.
Napakatahimik ng paligid at napaka presko ng hangin! Sa may veranda ako nakapuwesto habang nakatayo sa riles.
Namiss ko na ang manila. Makaya ko kayang mag tambay ng isang taon dito? Sa sugarcane namin? Sa ilalim ng init ng araw! Argh!!
Bukas magsisimula na ang bagong yugto ng buhay ko!
Susubukan ko lang naman para ipakita kina mommy at daddy ang kakayahan ko bilang ako.
Huminga ulit ako ng malalim saka nagdesisyon na pumasok sa kwarto para makatulog na!Napamura ako ng marinig ko ang ingay ng aso at ingay ng nagsisigaw na.
Parang kakaidlip ko lang ata.
Bakit ang ingay nila?
Anong oras na ba?Inis kong dinampot ang aking cellphone para silipin ang oras!
5:30 am! Ang aga pa ba't ang ingay na nila! May ilang manok na din nag iingay na! Holly crap!!
Inis akong bumangon at sumilip sa bintana. Natanaw ko ang maraming tao sa bakuran ng bahay!
Ano ba nag ginagawa nila? May umiyak na baboy din! Anong meron ba? May fiesta ba?? Nagtatawanan din ang ilan!
Dahil hindi na din ako makabalik ng tulog agad na akong naligo sa banyo para lumabas na din!
Sasanayin ko ang aking sarili na gigising ng maaga!Naabutan ko si nanay espie na papasok sa main door.
Ang taga luto namin.
Matagal tagal na din dito si nanay espie sa amin batang palang ako nagsisilbi na siya dito sa amin."Maayong buntag sir!!"bati nito
Napangiti ako habang patuloy na bumaba sa hagdan!
"Anong meron sa labas nay?"tanong ko
"Naghahanda sa pagdating mo!! May kasiyahan ngayon dahil sa wakas nakarating kayo dito!!"nakangiti nitong sabi at lumakad na papasok sa kusina kaya sinundan ko ito!
"Kumusta na kayo dito nay espie?"
Tumawa lang ito saka lumapit sa niluto nitong kawali.
"Mabuti naman ako dito... ikaw Kumusta ka na ba? Akala namin mag aasawa kana kaya ka pumayag na dumito muna ng isang taon!"ani nito
Napatawa ako saka humila ng upuan para umupo. Umiiling ako!
"Nandito talaga ako nay espie para matuto!! Mag papaturo ako kay tay felix sa mga pasikot sikot tungkol sa bagay bagay sa tubohan!"ani ko kaya tumawa ito.
"Hindi ka talaga magsisisi dahil paniguradong tuturuan ka ng asawa ko!"ani nito.
Natigilan ako! Asawa niya si tay felix. Hindi ko alam yun! Sa tagal kong kilala si nay espie dito mula pa noon hindi ko akalaing si tay felix ang asawa nito ibig sabihin anak niya si angel!
"Gusto mo ba ng kape ipagtitimpla kita!"anyaya pa nitoNapangiti ako saka tumayo
"Wag na nay espie sa labas na ako para makatulong din ako!!"ani ko saka umalis na palabas ng bahay. Gusto kung makipaghalubilo sa kanila!
•••••
Merry Christmas to all!!! Stay safe lang ta always huh!!! Hope all of you enjoy your Christmas day!!!😊☺️😘
Lovelots ❤️
💜
BINABASA MO ANG
Endless love
RandomDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.