35

18 1 0
                                        

Present time...

Napahagulhol ako ng iyak. Naramdaman ko ang paghaplos ni geraldine sa likuran ko.

Hindi ko kayang magdilat dahil pagod na pagod na ako sa buhay ko. Gusto ko na lang mamatay.

"mommy... Mommy.. Wake up." iyak ng isang batang babae na tumawag ng mommy. Ako ba ang sinabi niyang mommy? Bakit nag echo siya sa aking isip. Bakit wala akong nakikita.

"janice bumalik ka na kailangan ka ng anak mo. Kailangan ka ng pamilya mo."tinig ng lalaki. Naramdaman ko ang paghawak ng kamay ko at hinalikan.

" ateee"

"atee"

"jade anak"

"hindi na ito magandang biro jade"

Nag echo ang mga tinig nila.
Iba't ibang tinig naramdaman kong may kumagat sa aking kamay kaya  napadilat ako.

Naghahabol ako ng hininga. Nakatingin sa akin si edward halatang nag alala at si  nexie  umiiyak. Agad akong niyakap ni nexie na nag iiyak.

"thanks God mommy."usal pa nito.
Nakita ko rin ang paglapit ng mga kapatid ko at yumakap.

Hinaplos ni nanay ang aking pisngi at hinahiran ang luha ko. Si tatay naman nakahinga ng maluwang. Si edward agad na tumalikod at nagpahid din ng mata.
Alam kong umiiyak din ito.

Yakap yakap ako ni nexie kinagabihan kahit magkatabi kami kama. Nakaharap ito sa akin at tinalikuran ang ama nito. Nasa gitna kasi ito sa amin.

"darling nag seselos na ako." nguso na  sabi ni edward. Napangiti ako dahil nakikita ko ang pangnguso nito. Hindi man lang siya nilingon ni nexie bagkos nagsiksik si nexie sa akin.

"daddy naman, eeh! Gusto kong makayap si mommy." inis na tugon nito sa ama

"gusto ko rin ang yakap mo--"

"dad." saway nito kay Edward at tumingin sa ama. Nakangiti ito.

"sige na ok lang." kunwari na nagtatampo na sabi nito at tinalikuran kami.

Napangisi ako saka pumikit. Sa susunod na buwan birthday na ni janine.

Sino kaya ang kumuha sa kanya? Saan kaya siya dinala? Makilala pa kaya niya ako kung sakali na magkita kami o makilala ko pa kaya siya?

Naglandas ang masaganang luha sa aking mata. Mabilis ko itong pinahid at pumikit na para matulog.

Kinabukas yakap yakap parin ako ni nexie. Agad kong  marahang inalis ang kamay at tumayo na.

Si Edward naman ay wala na sa higaan. Lumabas ako at naabutan ko si nanay sa kusina nagluluto ng ulam.

"maayong buntag nay."

"mabuti at gising kana. Ang asawa mo bumaba sa bayan kasama si jordan. Hinatid sa trabaho ang kapatid mo saka yun bibili ng ano ba yun." halatang nakalimutan kung ano ang ibibili.

"si angel?"

"nasa taniman kasama ang tatay mo. Mangunguha daw sila ng kamote."

"tulungan ko na kayo nay."

"wag na... Kaya ko na ito. Kumusta ang pakiramdam mo?"

"pasensiya na pala kagabi nay.. Masyado lang akong stress nitong nakaraan kaya nangyari yun."depensa ko

" wag mong masyadong pagurin ang sarili mo. "

Agad akong napangiti habang natatanaw si Edward dumating. Nagtakbuhan naman si nexie ng makita nag daddy nito hindi iniinda ang init ng araw.

Endless loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon