Janice povHalos lahat ng tauhan sa tubohan at mga kapit bahay namin patungo ang direksiyon sa malaking bahay kung saan dinaos ni steven ang ika 27 na kaarawan.
Panay ang biruan ng mga kapatid ko sa daan habang ako naman panay ang hugot ng hininga. Palapit na kami sa malaking bahay at ang tibok ng puso ko palakas ng palakas.
Makikita ko na rin ang pamilya niya. Maraming tao na pagdating namin.
Mag alas singko na ng hapun. May kumakain na sa mesa.Sa kubo may nag iinoman na at nagtatawanan. Lumunok ako saka ginaya ang paningin sa paligid. Hindi ko nahagilap si steven. Napatingin ako sa terrace sa itaas at nakita ko si cellin nakatingin sa akin. Kumaway pa ito saka nawala lang din.
Pumasok agad si nanay sa bahay. Si tatay naman tumungo sa kubo kung saan nandoon ang mga kilala nito nagkumbulan at nagtatawanan.
Dumaritso si jay sa pagkain at kumuha kasama si angel. Si jordan naman may sinundan na babae. Napangiti ako saka tumungo sa likod bahay.
Napabalik ako ng makita kong may dalawang pares na naghalikan. Huminga ako ng malalim ng may humila sa akin.
Napatili ako.
"love.."
"buwesit ka talaga.." inis ko na tampal nito. Napangiti ako saka niyakap ito.
"hay.. Sa wakas nayakap na rin kita ulit." sabi nito saka hinaplos ang ulo ko. Napangiti ako saka kumalas na.
"happy birthday love."
Ngumiti ito habang nakatingin lang sa akin.
"bakit?" taka ko na tanong nito. Nakatingin lang ito sa akin.
Umakyat ang kamay nito at inipit ang buhok na nakataping sa pisngi ko.
"lov--Naputol ang pagsasalita ko ng bigla ako nitong niyuko at marahang humalik sa labi. Hindi ko mapigilang mapapikit. Naramdaman ko ang pagtabig nito sa akin palapit. Napahawak na rin ako sa batok ng biglang may narinig akong ingay.
Mabilis ko itong natulak kaya nagtataka ito.
"love naman.."
"parang may tao."
"paki nila." inis na sabi nito ng marinig namin ang may nag 'tsssk'
Sabay kaming napatingin at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang babae may kahawak kamay ito na lalaki. Teka parang kilala ko.
"jordan!" taka ko na sambit nito. Mabilis itong nagbitiwan ng kamay. Takang tumingin sa akin si steven saka tumingin sa dalawa. Nakita ko ang pag alangan ng ngiti ng babae. Nagkagat labi ako.
Kapwa kami nakatingin lang sa isa't isa. Katabi ko si jordan. Katabi din ni steven ang kapatid nito na babae.
"hi ate cellin. I'm mitch kuya ko ang gwapong ito."saka turo kay steven.
"ano??" takang tanong ni jordan kaya nakita ko ang pag ngisi ni steven.
Napapikit ako ng mata at nagdilat lang din. Si mitch naman ay napatingin sa siradong pinto ng dirty kitchen.
"hinaan mo yang boses mo baka malaman nilang may tao dito." inis na sabi nito kay jordan.
"bakit hindi mo sinabi na kuya mo pala si kuya Clark, huh?"
"bakit? Nagtanong ka ba?"
"kahit na."
Sabay sabay kaming humugot ng hangin ni steven habang nakikinig sa dalawang nag iiringan.
"ang bilis naman atang naging kayo?" tanong ni steven na kinatahimik ng dalawa.
"wala pang 24 hour sinagot muna at naging kayo na.""sorry..." paumanhin ng kapatid ko. Tahimik lang si mitch.
"alam niyo ba halos isang taon din akong nanliligaw ni janice bago niya ako sinagot. Magpakipot ka naman mitch." ani nito sa kapatid
"shut up kuya... Sino ba ang nakakahiya? Ako na nahuli mong may kahawak kamay o kayong naghalikan sa likod bahay na hindi iniinda kung may makakita sa inyo." sabi nito.
Nag iwas ako ng tingin ng tumingin ito sa akin. Nahihiya ako. Nagtagis bagang naman si steven."pasensiya na kuya pero ipangako kong sincere ako sa kapatid mo." sabi ni jordan napatawa naman si steven.
"hala mga matanda na rin kayo at alam niyo na ang tama at mali... Pwede na kayong umalis." pagtataboy nito sa dalawa na kinataka ko.
"huh? Love-- ano ba yang--"
" alis na kayo may pag uusapan pa kami. "gigil na sabi nito sa dalawa. Dali daling tumayo ang dalawa at naghawak kamay pang lumabas sa pinto. Inis kong tiningnan si steven.
" ang galing mong maging kuya sarap balatan. "ngumiti lang ito sa sinabi ko
"you want to peel me?" saka tumayo ito at lumapit sa akin
"huh??"umandar naman ang pagkamanyak nito. Ang manyak talaga.
Ngumiti ito at yumuko sa akin mula sa likuran. Ang dalawang kamay nito nakaharang kaya hindi ako nakatayo. Naramdaman ko ang hininga nito sa may tainga.
"bakit ang clingy mo huh?" saka nagpilit akong tumayo.
"i want to bite you"
"ouch.."daing ko ng maramdaman ko ang pagkagat niya sa tainga ko.
"nababaliw ka ba?" asik koSayo lang naman. Hintayin kita mamaya sa taas pinakadulo na kwarto."bulong sa akin.
Mabilis akong napatayo at inirapan ito saka tinungo ang pinto ng bumukas ang pinto sa kabila connect sa sala.
"iha.. Anong ginagawa mo dito?" napahugot ako ng hininga saka marahang tumingin.
Ngumiti ito sa akin. Medyo may edad na ito pero maaninag ang taglay nitong ganda at mestiza. Halata sa hitsura ang pagiging sophisticated at edukada.Ito siguro ang mama ni steven. Si steven ay nakatago sa likod ng pinto na binuksan nito.
"hinahanap ko ang banyo maam?"
Napatawa ito saka nag iling.
Nanlaki ang mata ni steven. Katabi kasi nito ang pinto ng banyo. Sumenyas ito na lalabas nalang ako."are you ok iha?" ani nito ng mapansin niya akong hindi kumibo.
"ano ka'mo banyo ba--" ah, wag na lang po. "mabilis ko na sabi nito ngumiti. Agad akong lumabas na at ito rin mismo ang nagsara ng pinto.
" ngayon lang kita napansin dito. Kumain ka na ba? "mabait na sabi nito sa akin.
Napangiti ako." hindi pa nga po, eh. "
"halika--espie!" tawag nito ng makita namin si nanay espie. Gulat itong napatingin sa amin. Lumapit agad ito.
"saan ka ba galing janice?" tanong agad ni nanay sa akin. Nakita ko ang pagkagulat ni mrs. Corpuz. Halatang nagtataka.
"panganay na anak ko maam, si janice." pakilala ni nanay"oohh... Hi iha." ngiti na sabi nito sa akin
"enjoy the night iha... See you around." saka umalis na rin ito. Takang napatingin si nanay sa akin."kanina ko pa kayo hinanap ni jordan. Saan ba kayo nagpunta? Nakita mo ba si jordan?" nagdududang tingin ang pinukol sa akin.
"baka nandiyan lang si jordan wag mo ng hanapin. Tara kakain muna tayo." anyaya ko nito saka ginaya na palabas ng bahay papunta sa bakuran dahil nandoon ang malaking mesa.
Naabutan namin si jordan sa dulo ng mesa kumakain na. Agad na rin akong kumuha ng plato at tumungo sa malaking mesa kung saan nakahain ang iba't ibang klase ng putahe.
°°°
Leojea05
BINABASA MO ANG
Endless love
RandomDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.