Janice pov
Napapikit ako sabay buga ng hangin. Bakit ko ba pinagsasabi kay nanay na Boyfriend ko ang kumag na ito.
Ngumiti si nanay sa akin at sumilip ulit kay steven na nasa likuran ko sabay abot ng supot ng gulay.
"Bagay kayo janice.."kilig na bulong nito pero alam ko na naririnig ni steven yun.
"Oo nga eeh!"sang ayon ko nalang saka inabot kay nanay ang 500. Ngumiti ako saka hinawakan ang kamay nito ng akmang kukuha ng sukli.
"Sa inyo na yan nay..mauna na kami!"paalam ko saka humarap kay steven na nakangiti.
Inabot ko sa kanya ang supot ng gulay at nagpatiuna ng lumakad palabas.
"Sige po nay..aalis na kami.. ingat po kayo!"narinig ko pang paalam ni steven kay nanay.
Napangiti ako at binilisan ang paglalakad.
"Hey..wait.."narinig ko ang tawag niya pero hindi ko pinansin bagkos mas binilisan ko pa.
Una akong dumating sa exit nandoon na si angel nakaabang habang hawak hawak ang pinabiling notebook at bondpaper.
Nagtaka itong tumingin sa akin at sumilip sa likuran ko.
"Si kuya?"taka nitong tanong sa akin
"Nakasunod lang.."ani ko saka lumingon din.
Ate naman eeh..ano ba ang problema niyong dalawa!"ani nito sa akin nakasimangot
"WALA! Nakasunod lang yun kanina sa akin...kasalanan niya dahil pasama sama siya pero ang bagal bagal."inis kong sabi saka lumingon ulit. Nakita ko itong palapit sa amin. Lukot ang mukha.
"Ayan na ooh.."ani ko saka nagpatiuna lumakad papunta sa motorela kung saan nakahintay sa amin.
"Ok ka lang kuya?"tanong ng kapatid ko kay steven
"Ok lang..tara na.."ani nito
Agad akong pumasok sa motorela kasunod ang mga ito. Tahimik kami habang tumakbo na ang sinasakyan namin. Pa minsan minsan ko ring sinulyapan si steven na busy sa pagtanaw tanaw ng paligid.
Napangiti ako ng lihim mapansin ko ang putikan niyang paa. Nakasuot lang kasi ito ng ordinaryong tsinilas.
Agad ko rin kinuha ang dala niyang supot na hawak ng makababa kami.
"Salamat!"ani ko saka nagpatiuna ng lumakad.
Ayaw ko siyang tingnan kasi nakonsensiya ako sa pag-iwan sa kanya kanina.
"Salamat kuya..sa susunod ulit!"naririnig kong sabi ni angel kay steven.
Tuloy tuloy akong lumakad hanggang sa dumating kami sa amin. Tahimik akong naghanda ng pananghalian habang si angel naman naghihiwa ng bawang.
Maya maya tumingin ito sa akin kaya umiwas ako ng tingin.
"May something kayo ni kuya.."ani nito
Hindi na ako dumugtong bagkos pinagpatuloy ko ang ginawa kong pagluluto.
"Ate..."pangungulit nito
"Mag study ka angel pag tapos ka na diyan!"utos ko nito kaya tumango ito ng bahagya.
Maya maya naghugas na ito ng kamay at lumabas sa kusina kaya nakahinga ako ng maluwang.
Pagkatapos kong nagluto tinawag ko na sila para mananghalian.
"Sama ka ba bukas sa tubohan 'teh?"tanong ni jay
Umangkat ako ng tingin sa mga ito at napansin ko ang pag iwas ng tingin sa akin ni angel.
Ngumiti ako.
"Oo naman..."ani ko at nakita ko ang pagtingin sa akin ni angel.
"Talaga!"halatang hindi makapaniwala bulaslas ni angel
"Oo nga!"ani ko
Napatawa ang mga kapatid ko at nagpatuloy sa pagkain. Unang tumayo si jordan kasunod si jay kaya naiwan kami ni angel sa mesa kumakain pa.
"Kwentuhan mo naman ako—
"Tigilan mo ako angel!"sikmat ko nito kaya nagtaka ito.
"Wag mo akong kulitin sa ganyan!"ani ko
Napatawa ito kaya ako naman ang nagtaka.
"Ibig kong sabihin Kwentuhan mo naman ako noong nasa manila ka pa. Yung university na pinapasok mo. Marami bang gwapo doon?"sunod sunod na tanong nito
Nilakihan ko ito ng mata.
"Dito ka mag aaral ng college.."ani ko
"Ate...doon sana sa manila ang gusto ko kung may opportunity."
"Dito ka lang sa atin mag aaral..ako ang bahala sa mga expenses mo!"ani ko
Sumimangot ito saka tumayo.
"Ako na ang mag hugas ng plato 'te!"presinta nito saka niligpit ang iniwang plato ng dalawa.
Agad akong tumungo sa kwarto para gumawa ng lesson plan dahil weekend bukas sure akong nasa tubohan ako buong araw.
Napangiti ako habang nakatingin sa ginawang lesson plan na tapos na.
Huminga ako ng malalim saka sumandal sa upuan at pumikit.
Ayaw ko ng mainvolved pa kay steven lalo na ngayon na alam ko na kung sino talaga siya.
Huminga ako ng malalim saka dumilat.
Narinig ko ang ingay sa labas. Nag bulungan ang mga ito.
Sino ba ang mga ito. Lumapit ako sa bintana at hinawi ang kurtina. Nanlaki ang mata ko ng makita si steven kausap ni jordan at jay sa labas.
Narinig ko ang katok sa aking kwarto kaya mabilis akong lumapit sa upuan at umupo kunwari may ginagawa.
"Jade.."ani na boses ni nanay. Napatingin ako.
"Nay!! Ano ang ginawa mo dito?"takang tanong ko.
Ngumiti ito.
"Gustong makikain dito si steven kaya umuwi ako ng maaga kasama siya. Tara sa kusina magluluto tayo!"anyaya nito
Napangiti ako ng alangan.
Kapal talaga ng mukha ng hudyo. Agad akong sumunod kay nanay pero natigilan ako ng makita ko sa sala si steven nakaupo habang hawak ang family album namin! Nanlaki ang mata ko.
"Hi jade..."bati nito. Inikot ko lang ito ng mata.
Narinig ko ang sabay na pag 'eeeehh' ng mga kapatid ko. Napatawa nalang din si nanay.
"Umayos kayo jordan,jay!"ani nito
"Pati ka angel!"
Nag siayos ang mga ito at kunwari nag bubuklat na ng album. Ginaya na ako ni nanay sa kusina para magluto ng hapunan.
"Nay...parang hindi maganda ang ginagawa dito ni steven!"
"Apektado ka ba?"
"What?? Of course not!!"paangil na sagot ko. Napatawa si nanay.
"Sinabi na sa akin ni steven ang lahat kanina.."ani nito. Nanlaki ang mata ko.
"N-Nay..."nahihiya na sambit ko at kumagat ng labi
"Wag kang mag alala hindi ko sasabihin sa tatay at sa mga kapatid mo!"ani nito at hinaplos ang mukha ko
Halos wala ako sa sarili habang nag assist sa pagluluto ni nanay. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit para akong nahihiya at nataranta na parang iwan.
Maya maya narinig ko ang ingay ni tatay sa may sala. Mas lalo akong hindi napalagay. Argh!
Paano ko ba pakisamahan ang mga ito gayong may nakakaalam na tungkol sa amin at si nanay pa!
****
💜
BINABASA MO ANG
Endless love
AcakDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.
