2

21 2 0
                                    

Steven clarck corpuz! Visual above☝️

Janice pov

Napahikab ako ng sa wakas nakikita ko na ang bundok. Ilang minuto nalang makalabas na ako sa sinasakyang barko.

Maya maya nag anunsiyo na ang driver ng barko na nakarating na kami. Mabilis akong pumila para maunang makalabas. Ilang minuto bago makalabas agad akong sumakay ng bus papuntang sa Valencia kung saan ako nakatira.

Mahigit umabot ng limang oras ang biyahe dahil traffic din. Pag dating ko sa terminal ng valencia agad akong sumakay ng motorsiklo papunta sa barangay lumbo kung saan ako nakatira.

Napangiti ako ng malanghap ko ang sariwang hangin! Ilang taon ko ring hindi nakalanghap ng sariwang hangin.

Napapikit ako  para namnamin ang lamig ng hangin ng biglang may dumaang sasakyan na ubod lakas na bumisina.

"Hoy!!"pasigaw ko nito. Anong problema niya ang layo ko lang sa daan bumubusina pa ng malakas.

Huminga ako ng malalim saka nagsimula lumakad papunta sa bahay. Dahil walang uso ang  habal habal o sikad dito sa amin maglalakad nalang ako.
Ang makagamit lang ng sasakyan ay yung may ari ng tubuhan o kung may barangay na magroronda  na nakasakay ng pang barangay na cab!

Napatili ang mga kapatid ko ng makita nila ako!! Nag uunahan itong tumakbo palapit sa akin at nagyayakap!!

"Ate...na miss ka namin!!"ani ni jordan ang kasunod sa akin. Nasa 2nd year college ito sa kursong business ads!

"Ate jade ang ganda niyo!!papuring sabi din sa kasunod nitong si angel na nasa 4thyear highschool na. Lahat ng pamilya ko tinatawag talaga akong  jade kasi kung makakilos ako dati parang lalaki daw pero babae naman!

"Yun pasalubong ate!!"ani din ng bunso naming si jay. Nasa edad na 12 years old. Kasalukuyang nag aaral ng grade six!

"Ang laki  niyo na!!"ani ko nito at niyayakap ito!
"Sila tatay at nanay?"tanong ko nito

"Nasa tubuhan si tatay busy sa pag tingin tingin sa mga trabahador!"ani ni jordan.

"Ano na ba ang ranggo ni tatay?"tanong ko

"Naku ate hindi mo ba alam si tatay na ang pinagkatiwalaan ni don Renato sa pamamahala ng tubuhan! Si nanay naman ang ginawa na nilang tagaluto talaga sa mansiyon!"proud na sagot ni angel

Napangiti ako! Isa isa kong ginulo ang buhok nila.

"Tara sa loob na tayo mag uusap!"ani ko sa mga ito.

Agad na kinuha ni jordan ang dala kong malaking bag at nagpatiunang pumasok sa bonggalo naming kalakihang bahay.

Napangiti ako ng unang sumalubong sa akin nag malaking family picture namin kong saan nagtatapos ako ng highschool ko noon. May kurtina sa bawat bintana at pinto ng kwarto pati pinto ng kusina may nakatabing na kurtina. May upuan din na yari ng kawayan na na halatang nakavarnish dahil sa kinang nito. May maliit din na mesa sa gitna. Nakabukas ang tv nito.

"Jay bakit hindi mo pinatay ang tv!!"sita ni angel sa kapatid saka dinamapot ang remote sa upuan at pinatay ang tv.

"Nasa kwarto na ang gamit mo ate!"ani ni jordan na tinabing ang kurtina saka hinila ang pinto pasara.

"Wala ba kayong pasok?"tanong ko saka umupo sa upuang kahoy.

"Weekend ngayon ate!"si jay ang sumagot. Napatawa ako saka hinila si jay at pinaupo sa hita ko.

"Nakalimutan ng ate eeh!!"ani ko saka kiniliti sa kilikili kaya tawang tawang ito.

"Alam mo ba ate itong si kuya—ano ba!!"angal na sabi ni angel ng tinakpan ang bibig niya.  Dinilatan ni jordan si angel!

"Hoy!! Hoy!! Kayong dalawa!! Tama no muna yan!!"ani ko nito

Agad na binitiwan ni jordan si angel. Mabilis na lumapit sa kain si angel!

"May nagugustuhan na kasi si kuya kaso nahihirapan siya kung paano dumiskarte!"ani ni angel at napatili ng hilain ang tainga nito ni jordan.

"Alam mo napaka-tsismosa mo!!"ani ni kay angel

Tawang tawa ako.

"Tama na yan!! Tama na!!"ani ko sa mga ito saka tumayo.
Nag on na ng tv si jordan kaya pumasok ako sa kwarto para magbihis. Agad akong dumaritso sa kusina para magluto ng hapunan! Nagtitiliam ang tatlo sa sala. Maya maya pa biglang sumulpot si angel sa kusina.

Tulungan ko na kayo ate!!"ani nito.

Tumango ako saka binigay ang kutsilyo para siya ang maghiwa ng bawang at ahos.

"Anong lulutuin niyo ate?"tanong din ni jay na siyang pagpasok sa kusina. Nagsalain na ako ng mantica sa kawali.

Ngumiti ako ng sumung-aw ito.

"Adobong baboy!"nakangiti kong sagot

"Wow!! Sarap niyan!!"Nanlaki ang mata nitong sabi kaya tumawa si angel.

"Nay...naana si ate ganina ra siya naabot!!"narinig kong sabi ni jordan sa sala.

"Naana si nanay te!"segunda ni angel at dali daling lumabas sa kusina. Sumunod si jay kaya sumunod na din ako. Natigilan ako nga makita ko ito!

Nagmano ang mga kapatid ko bago ito lumapit sa akin. Kumurap kurap ito! Mabilis ko itong niyakap!

"Nay!!"ani ko

Hinigpitan ang yakap sa akin saka hinalikan ako sa pisngi.

"Maau kay nakauli naka!! Mas ni-gwapa man ka karon uie!!"nakangiti nitong sabi at hinapalos ang pisngi ko.
"Unsa man karon ang napagod!"singhot singhot na sabi ni nanay.

Napatili ako saka mabilis na bumalik sa kusina. Patay ang bawang at ahos nasusunog. Napatawa si angel na sumunod sa akin!

Nagkamot ako ng noo saka nagluto ulit!

**

"Mabuti naman at naisipang mong  umuwi!! Nag hire ng teacher sa paaralan nila jay baka pwede kang mag apply diyan! Diyan ka naman nag aaral dati sa paaralang yan!!"suhesiyon ni tatay ng sabay sabay kaming kumain ng hapunan!

"Tama ang tatay mo anak dito ka nalang sa atin!"masuyong sabi nito

Napangiti ako.

"Wag kayong mag alala tay, nay wala na akong planong bumalik sa manila!"sagot ko

Napatili si angel! Sympre mas matutuwa ito dahil dalawa na kaming babae dito sa bahay hindi na siya basta basta aapihin ng kuya nito!

Huminga ako ng malalim habang nakatanaw sa pababa  na nagkikislapang ilaw ng bahay. Medyo nasa totok kasi kami kaya natatanaw namin ang nasa ibaba na bahagi.

"Nganong wala pa man ka natulog?"tanong  ni tatay saka umupo sa tabi ko.

Napangiti ako saka tumingin nito!

"Na miss ko lang ang ganito tay!! Alam niyo naman medyo matagal na mula noong nandito pa ako!"ani ko

"Wag ka ng lumayo sa amin para hindi na rin mag alala yang nanay mo sa kaiisip sayo!"ani nito

Tumango ako. Tinapik ako nito saka tumayo na.

"Mauna na akong matulog dahil bukas daw ang dating sa anak ni don renato!"ani nito saka iniwan ako sa labas na nakaupo.

Maya maya nag desisyon na din akong pumasok sa kwarto. Nakahiga na si kabilang kama si angel. Tulog na tulog. Agad akong humiga.

••••
💜

Endless loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon