16

9 2 0
                                    

Lumipas pa ang ilang araw mula noong usapan namin ni steven na hanggang ngayon hindi ko parin naisip.

Huminga ako ng malalim saka dinampot ang libro at lumabas sa klassroom ko kung saan ako nag adviser. Papunta ako ngayon sa grade 4 para sa mapeh subject ko.

Nagsitayuan ang mga estudyante pagpasok ko at sabay sabay na bumati.

"Good afternoon maam janice!"

"Take your seat!"

Nagsiupuan na ito. Binuklat ko na din ang aking dalang libro.

"Turn your book page 235... nadiscuss ko na ito kahapon sa inyo kaya sasagutin niyo ang exercise A-B."sabi ko sa mga ito

Nagsikuha ng papel ang mga estudyante ko at nagsusulat na. Napaupo na din ako at tiningnan ang libro pero kahit anong pilit ko na intindihin ang binabasa ko wala talaga.

Bumuga ako ng hangin saka tumayo at nilapitan ang mga studyante sa upuan iniikutan ko ito lahat at tinitingnan ang gawa nila. Kailangan hindi ko siya isipin ngayon.

"Kung hindi niyo naintindihan pwede kayong magtanong sa akin!"

Tiningnan ko ang mga ito habang nagsasagot. Inikot ko ang bawat studyante,  may iba na  nahirapan kaya nagtanong at  sinagot ko ng maayos hanggang sa tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase.

"Hindi pa ba kayo tapos?"

Nag si-ingayan  ang mga ito, may nag sasabi na tapos na ang iba naman wala pa.

"Sa lunes niyo na lang ipasa yan at sigurohing may sagot lahat! See nextweek!"paalam ko sa mga ito at dinampot ang libro sa mesa saka lumabas.

Habang nagliligpit  ako  ng mga  gamit sa lamesa ng marinig ko ang katok. Napalingon ako at nakita ko si jay nasa pinto. Hinila ko ang shoulder bag at lumabas na.

"Tara!"ani pa nito at kinuha ang librong dala ko.

"Kumusta ang pag aaral mo?"

"Maayos naman teh!"ikli na sagot sa akin at ngingitian ang mga babaeng nalampasan namin.

"Nextweek jay huh!"pahabol pa sa isang babae na kulot ang buhok.

"May plano ka ba next week?"

"Wala! Tungkol sa project yun!"turan nito sa akin

Napatango na rin ako dahil wala ako sa mood na makipag argue din ngayon.

Ng makarating kami sa bahay basta basta nalang hinagis ni jay ang bag sa sala at lumabas ulit. Ako naman ay akmang papasok sa kwarto ng mapansin ko ang isang packbag na itim na may laman. Sino ba ang aalis?

Agad ko itong nilapitan at binuksan. Mga gamit ko.
Anong ibig sabihin nito.

Naguguluhan akong pumasok sa kwarto at binaba ang mga gamit sa aking mesa saka lumabas ulit.
Sakto ding nakarating si angel kasama si jordan malamang nagkasabay ang mga ito pauwi.

"Oh teh!"nagtatakang sabi ni angel at nilampasan ako.

"Bakit may bag? Bakit nasa bag ang ibang gamit ko?"sunod sunod ko na tanong nito habang nakasunod sa kanya papasok.

"Sino ba ang aalis?"naririnig ko na tanong ni jordan sa may likod ko habang nakasunod din ito.

Dumaritso ng upo sa upuan si angel katabi sa bag niya. Si jordan naman ay dumung-aw lang  sa kwarto at umalis din halatang hindi interesado sa pinag-uusapan.

"Hindi ko alam te! Bakit aalis ka?"takang tanong ni angel sa akin
Napatampal ako sa noo at umupo din. Sino ba ang naglagay sa gamit ko sa bag.

"Oooh..."nanlaking mata ni angel at ngumiti sa akin. Mukhang may naalala. Ngumiti ito at tumingin sa akin.
"Hindi mo ba alam na pumayag sila nanay at tatay na sumama ka sa manila?"

Napatawa ako ng pakla saka nagkagat labi.

"Alam mo?"

Umiiling iling ito saka tumayo.

"No! Ang alam ko lang nag uusap sila sa ganoong bagay hindi ko alam kung pumayag sila basta ang alam ko nagtatalo silang dalawa!"saka tumalikod ito at lumabas.

Huminga ako ng malalim at sunod na lumabas.

"Unsa ma'ne tay? Nganu ma'ne?(ano ba'to tay? Bakit?)" yun agad ang sinalubong ko pagpasok nito.

Agad itong nagsara ng pinto sa kusina at dumaritso sa upuan katapat ko.

"Itong nakaraan humihingi ng pahintulot si clarck na kung pwede isama ka niya sa manila kasal daw kasi ng pinsan niya!"naman! Ang galing ng lalaking yun!

"No!"naiinis ko na sabi
"Ayaw kung pumunta doon tay!"

"Sige na pumunta ka na doon sa linggo ng hapon makakauwi ka naman dito!"

"Ayaw ko...ayaw din ni nanay—

"Pumayag ang nanay mo!"

Napasabunot ako ng buhok saka walang paalam na pumasok sa kwarto ko at nagtakip ng mukha gamit ang unan.
Naiinis ako parang gusto ko ng umiyak.

Ayaw ko ng mainvolved pa kay clark kung sakali. Ayaw ko na dumating ang panahon na maliitin ang aking magulang dahil sa agwat namin at ayaw kong  masira ang tiwala sa  mag asawang corpuz sa mga  magulang ko.

"Akala ko ba kaibigan mo si kuya clarck bakit ganyan ang reaksiyon mo? May something talaga kayo dati 'no!"Narinig ko na sabi ni angel sa akin.

Tumihaya ako at kumurap kurap. Napatawa si angel at tumalon sa kama ko.

"Umiiyak ka ba?"natatawa pa nitong tanong

"Tama ka...ex ko si stev—clarck!"

Nakita ko ang pagngiti nito halatang kinikilig.

"Bakit ka nag eemote diyan?"

"May ghad angel!! Hindi mo ba naisip ang sitwasyon namin! Marami ang maapektuhan...unang una si nanay, si tatay..."

"Ano ba ang ibig mong sabihin diyan? Go lang ng Go!"

"Nasasabi mo lang yan dahil wala ka sa sitwasyon ko kaya hindi mo ako naintindihan!"gigil ko na sabi at binaon ulit ang mukha sa unan.

"So close talaga kayo...stev clarck ba siya ate?"panunuya pa nitong sabi at sinundot ang tagiliran ko

Gusto ko sana itong sagutin pero hindi nalang ako sumagot. Ayaw ko ng lumaki pa ang pag uusap namin.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakabaon sa unan bago ko namalayan na may humaplos sa likuran ko. Mabilis akong tumihaya. Si nanay.

"Mag bihis kana maya maya susunduin ka ni clarck!"mahinahon na sabi nito

"Nay ayaw kong sumama doon! Wag kayong pumayag—

"Bakit ka ba takot sa kanya kung nakamove on kana? Sabi din ni clarck sa akin naging mabuti naman kayong kaibigan dati!"at inakay ako patayo.

"Nay...hindi niyo ba naisip kung ano ang pwedeng mangyari pag malaman ito ng kanyang mga magulang. Pati kayo madadamay...baka nga wala na kayong trabaho..."panlulumo ko na sabi sakaling mag bago pa ang isip ni nanay at hindi na ako papuntahin doon. Ngumiti lang ito.

"Bakit syosyotahin mo ba ulit?"

"Hindi!"

"Yun naman pala...walang  problema!"

Gusto kong magpadyak ng  paa sa inis. Mukhang natutuwa naman si angel sa naging reaksiyon ko. Paano ko ba  iwasan ang lokong yun eh may sayad yun minsan parang demonyo i attempt ka talaga.

••••

💜

Endless loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon