20

23 2 0
                                        

Steven pov

Napangiti ako habang nakatingin kay janice kausap si princess. Nagpapaalam na kasi ito dahil uuwi na ulit kami sa mindanao.

Bukas may  trabaho pa kasi ito kaya nagyaya ng maaga. Kumaway din ako sa dalawa bago sumakay sa chopper kasunod kay janice.

"Thank you!"narinig ko na sabi nito sa akin at tumingin sa baba. Kung saan natatanaw naming ang mga maliliit na mga bahay sa baba.

"Always!"tugon ko pero inirapan ako nito kaya hindi ko mapigilan matawa.

"May sayad ka ba??" Tanong pa sa akin kaya mas lalo akong natawa sa tanong niya.
"Aaw..hindi na dapat sagutin kasi may sayad ka naman talaga!"

"Ang harsh mo sa akin.."tugon ko nalang

Inikot lang ako nito ng mata saka pumikit na. Hindi ko maiwasang mapangiti at sinulyapan ang maamo nitong mukha.

Ang laking tanga ko talaga noon at paniwalang paniwala ako sa mga nakita ko. Hindi ko man lang  ito binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.

Hindi ko alam na nakatulog din pala ako at nagisnan ko na lang ay kapwa kami nakasandal sa isa't isa. Napangiti ako saka umayos ng upo at hinayaan nitong makasandal sa balikat ko.

"Bagay na bagay kayo ng syota niyo boss!"sabi ni kuya dave na driver namin sa chopper. Napangiti ako saka bumaling sa labas ng bintana sa chopper.

"She's just my friend!"sabi ko nalang dahil legal at may rehistro ang chopper sa mismong likod ng malaking bahay ko ito  pinalanding.

Narinig ko ang pagsigawan ng mga bata. Nagtakbuhan ito patungo sa direksiyon namin kung saan lumalanding. Hindi na din ako nag abala na tingnan si janice basta basta ko nalang ito inabot  para tapikin pero natigilan ako ng lumapat ang palad ko sa malambot na bahagi.

Marahan akong napalingon at mabilis kong inalis ang kamay na nasa labi  niya nakalapat. Nanlaki din ang mata nito halatang gulat.

"Sorry...gusto sana kitang gisingin sa pamamagitan ng tapik pero hindi ko akalain na sa mismong....d-diyan malapat!"nahihiya ko na sabi

Tinabig ako nito kaya napasubsob ako sa upuan at nagbukas na ito ng pinto ng chopper saka nagmamadaling lumabas. Napangiti ako saka napatingin kay kuya dave na nakangisi rin.

"Mukhang amasona ang girlfriend mo!"iling na sabi nito

Napatawa na talaga ako saka nagpaalam na bumaba na. Nag iingay din ang mga bata halatang ngayon lang nakakita ng helicopter. Napatingin ako ni janice na lumakad ng mabilis patungo sa bahay nila.

Ngumiti si nanay espie sa akin saka napatingin sa chopper.

"Baka gusto munang kumain ang driver ng helicopter!"sabi nito

"Niyaya ko kanina pero ayaw gusto ng makabalik sa manila dahil may gagawin pa siya!"sagot ko saka kumaway kay kuya dave.

Maya maya marahan na itong lumilipad pataas.

"Nindot kaau bai..."(ang ganda talaga)

"Pagdako naku tana naa ko'y  parihas ato!"(paglaki ko gusto ko may ganoon rin)

"Kung ako anak sa datu nagpapalit nako ug in.ato ba!!"(kung ako anak ng mayaman magpapabili talaga ako ng ganoon)

Kanyang kanya na sabi ng mga bata. Napatawa naman si nanay. Ginaya na ako ni nanay sa likod bahay dahil may pintuan din yun patungo sa dirty kitchen.

Endless loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon