Steven povDali dali akong bumaba sa hagdan ng marinig ko ang tawag ni mama mula sa unang baitang ng hagdan sa itaas.
Taka ko itong nilingon."your so busy this past few weeks! Ano ba ang nilalakad mo?" pababa nitong sabi sa akin.
"may inasikaso lang ako mom! Bakit?"
"baka nakalimutan mo malapit na ang birthday mo."saka hinaplos ang pisngi ko ng makalapit ito sa akin.
"masyado na akong matanda para sa ganyang bagay mom! Wala akong plano na mag celebrate basta malusog lang ako, tayo ayos na sa akin." nakita ko ang pagsalubong ng kilay nito saka binaba ang kamay.
"kailan ka pa nagkaganyan? May nakain kabang masama kahapon? Basta i celebrate natin ang birthday mo at darating din ang dalawa mong kapatid na babae."
"talaga??"hindi ako makapaniwala sa narinig mula kay mommy. Halos buong buhay ko hindi ako makalapit sa dalawa kong kapatid ngayon makicelebrate ito sa birthday ko.
Tumango si mommy.
" mag summer na rin kasi kaya nagdesisyon ang dalawa na dito sila magbakasyon." napangiti ako sa sinabi ni mommy saka mabilis itong niyakap.
"your the best mom."
"yeah i know wag mo na akong bulahin."
"love.." narinig ko na sabi ni cellin. Marahan akong bumitiw ni mommy saka tiningnan si cellin. May dala itong sandok.
"kain muna tayo. Tita hali na po.""si nanay espie mom?"
"nagpapahinga pa baka sa susunod na linggo pa ang balik nito kaya si cellin muna ang taga luto natin ngayon." ngiti na sabi ni mommy saka mabilis na nagpatiuna sa kusina.
Ngumiti sa akin si cellin.
"maaga pa cellin para sa drama mo." inis ko na sabi sa kanya saka nilagpasan ito. Dali dali itong sumunod sa akin.
"wag kang ganyan may atraso kapa. Akala mo hindi ko alam kung ano ang mga ginagawa mo nitong nakaraan." mahina na bulong sa akin na kinatigil ko. Nilingon ko ito. Ngumiti lang ito ng ubod tamis.
"hindi ako natatakot. Sabihin mo kay mommy." utos ko nito. Biglang nawala ang ngiti nito saka bahagyang umiwas ng tingin.
"bakit mo ba siniksik ang sarili mo sa akin? Wala ka na bang natitirang hiya?" saka tinalikuran ulit ito pero nahabol ako nito saka hinawakan ang braso ko."bakit hindi natin subukan na i--build up ang samahan natin. Hindi lang ako ang manginabang dito pati ikaw." gigil na bulong sa akin. Napatawa ako ng mahina saka hinawakan ang balikat nito.
"kakain muna tayo saka natin yan pag usapan sa kubo." ngiti ko na sabi nito saka akmang lalakad na ng makita ko na nakatayo si mommy sa pinto ng kusina.
"saka na yang moment niyo, nagugutom na ako." ani nito saka nawala lang din.
"pag isipan mo ng mabuti." sabi sa akin ni cellin saka binangga pa ako nito.
Napatiim bagang ako na sumunod nito sa kusina.Sa kubo kami nag usap pagkatapos naming kumain. Si mommy nasa loob ng kwarto nito katawag ang dalawang kapatid ko.
Pareho kaming nagtinginan lang at wala akong plano na magsalita kaya nag desisyon itong kumibo.
"bakit hindi natin subukan maging tayo."napatawa ako sa sinabi nito
"I'm not stupid cellin. Hindi ako uto uto na nadala sa mga plano mo. Hindi ako daga na mahuli mo sa isang patibong."nagtaas ang kilay nito pagkasabi ko. May ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
Endless love
RandomDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.