37

17 2 0
                                        


Steven pov

Natahimik kami ng naiwan kami sa sofa. Marahan akong humugot ng hininga at galit na bumaling sa akin si janice.

Galit man ito pero ang ganda parin nito. Parang hindi man lang ito tumanda. Mas lalo ata itong bumabata sa paningin ko.

"kasalan mo ito. Bakit mo kasi binanggit." inis na asik nito sa akin. Napatawa ako.

"excuse me! Ikaw ang unang bumanggit." paalala ko. Nanlaki ang mata nitong tumingin sa akin.

"ako?? Ikaw itong unang bumanggit." inis na sabi nito

"ikaw itong unang bumanggit ng salitang asawa."

Asik ko rin nito. Napatawa ito saka tumayo na.

"asawa ko naman siya." kampante na sabi nito.

Natigilan ako at seryoso siyang tiningnan.

"bakit ka umalis?"

Nakita ko ang paghugot ng hininga nito. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"bakit mo ako iniwanan?" galit ko na tanong nito at hinablot ang braso nito. Diin ko ang pagkahawak nito. Ngumiwi ito.

"let me go nasasaktan ako."

"kulang pa yan sa sakit na ginawa mo noong umalis ka. Hinanap kita janice at nalaman ko nalang nagpakasal ka ni edward."diin ko na sabi nito. Narinig ko  ang pagsinghap nito at paglaki ng mata.
"noong kinasal ka sa kanya nandoon ako janice. Sobra akong nasaktan sa nasaksihan ko."

Kumurap kurap ito saka pilit na kumawala mula sa pagkahawak sa akin.

"masakit ba? Paalala lang din sinaktan mo ako noon at hanggang ngayon hindi ko makakalimutan." diin na sabi din nito sa  akin

Nagtiim bagang ako.

"bakit masaya ka bang nagnanay-nanayan kay nexie?" gigil ko na tanong nito. Nakita ko ang paglandas ng luha nito sa pisngi.

"nasasaktan mo ako steven." ani nito at pilit na kumawala sa hawak ko

Mabilis ko itong binitiwan. Nakita ko ang pamumula ng braso nito. Galit itong tumingin sa akin. Hilam ang mata sa luha.

"mas masakit ang ginawa mo sa akin. Nakita ko kayo ni cellin sa kwarto--

"bakit hindi mo ako nilapitan at awayin. Awayin kami ni cellin. Duwag ka! Duwag!"

"hindi naman tayo bagay mula pa sa umpisa. Sa estado palang ng buhay natin napakalayo ko para sayo. Oo naging duwag ako dahil nasasaktan ako kung alam mo lang." piyok na sabi   nito at pinagsuntok ako sa dibdib.
"kung alam mo lang kung  paano ako nasaktan noong hiniwalayan mo ako noon na parang basura na tinapon."diin na sabi nito sa akin

" kaya nga humingi ako ng second chance sayo pero ano ang ginawa mo?"pagtaas boses ko na tanong

" sinaktan mo pa rin ako steven."saka tinalikuran ako at tumakbo paakyat sa itaas.

Napaupo ako sa sofa saka sumandal. Pumikit ako at hinayaang maglandas ang masaganang luha.

Sa halos dalawang taon mula noong umalis ito wala akong ginawa kundi hanapin ito para  magpaliwanag.

Hindi ako nalalasing noong gabing birthday ko. Nahilo lang ako dahil sa pinainom sa akin ni cellin na alak at inakay na ako nito sa kwarto. Hindi ko alam kong anong pakulo niya basta ang alam ko nalang nagising ako kinabukasan na magkatabi kami sa kama. Wala na itong saplot pero nakasiguro akong hindi ko ito ginalaw dahil suot ko parin ang pants ko.

Endless loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon