4

14 1 0
                                    


Nakita ko agad si tay felix nasa may ihawan ng baboy! Agad ko itong nilapitan!

"Tulungan ko na kayo tay felix!!"prisenta ko

Napangiti ito at tumingin sa akin!

"Maayong buntag sir!"bati nito kaya gumaya na din ang iba.
Napangiti ako. Napaka hospitality nila! Ngumiti din ang ilang mga ginang sa akin na nagbabalat ng mga ano ano sa kabilang panig kung saan may malaking lamesa.

Natanaw ko si angel na paparating! Ngumiti ito!

"Good morning sir!!"bati nito at tumingin daritso kay tay felix
"Tay bababa daw muna si ate ngayon dahil plano niyang mag apply ng trabaho!"sabi nito kay tay felix

"Naku...bukas nalang yan..sabihin mo sa kanya  dito muna siya para makatulong pati ang kuya jordan mo!!"ani ni tay felix. Nakita ko ang pagngiwi ni angel. Napangiti ako ng lihim!

She's cute bye the way! But when i see her eyes i remember something!! Parang pamilyar ang mga mata niya. Saan ko ba ito nakita?

"Tay!!"tawag ng tinig ng lalaki. Napalingon si angel sa dalawa lalaki na paparating ang isa ata grades student pa. Lihim akong napatingin ng mga ito.

"Mabuti at nandito na kayo!! Tulungan niyong mag balat ng manok sila doon!!"utos ng dalawa. Tumango ang mga ito saka tumingin sa akin!

"Good morning sir!!"Sabay pang  bati nito saka tumalikod na. Sumunod din si angel sa mga ito.

Natatanaw ko ang papasikat na ang araw. Napangiti ako habang inikot ang tingin. Mukhang mag eenjoy ako dito!

"Alam mo bang may dalaga ako sir!! Ka uuwi lang din kahapon mula manila!"ani ni tay felix habang nag kiskis ng balahibo ng baboy. Habang ako ang taga lagay ng mainit na tubig.

"Talaga tay felix!! Mabuti at nakauwi naman!"ani ko

"Mas mabuting dito siya para hindi na mag alala sa kakaisip si espie sa kanya!! Iwan ko ba sa anak kong yun ang tiyagang lumayo sa amin para makapadala lang ng pera sa amin!"pagsaysay nito . Binuhusan ko ng mainit na tubig ang iba pang bahagi ng baboy habang sunod na kumiskis si tay felix.

"Napakabait naman ng anak niy0!"papuri kong sabi. Nakita ko ang pangiti nito. Halatang proud!

"Ilang taon ka na sir!"sabi nito

Napangiti ako saka umayos ng tindig.

"Everyone one!!"ani ko bigla. Natigilan ang lahat at napatingin sa akin. Nagtaka si tay felix!
"Ayaw na 'ko ninyo tawaga og sir!! Pangalan ko nalang!! Clarck!!"ani ko saka ngumiti.
"Ok ba!!"

"Ok!!"sabay na sabi ng mga ito nakangiti. Binalingan ko si tay felix!

"26 na ako tay felix!!"sagot ko sa tanong niya kanina

Tumawa ito saka tumango.

"Hindi lang pala naglayo ang edad niyo sa anak ko!!"sabi nito
"Wag kang mag alala ipakilala kita sa anak kong yun!!"nakangisi nitong sabi

***

Habang nagsalo salo kami panay na ang bigay ng pahayag ni tay felix tungkol sa bagay bagay ng tubohan.

Pinakilala na din niya ako isa isa sa mga trabahador ng tubohan ma babae man o ma lalaki.
Nakisali na rin ako sa inuman nila hanggang sa umabot kami ng gabi!! Panay na ang tawanan namin sa mga jokes hanggang sa wala na akong natandaan.

Pagkagising ko nalang nasa kwarto na ako nakahiga na! Uminat pa  ako ng marinig ko ang tilaok ng manok.

Napahikab ako saka pumikit ng marinig ko ang katok!
Anong oras na ba? Ang aga naman ni tay felix kung ganoon.

Inabot ko ang cellophane saka sinilip ang oras. Napabangon bigla ako ng makita kong 7:30 na ng umaga ang usapan namin kagabi ay 6 ng umaga dapat gising na ako or nakaligo na!

Nagmura ako at nagbukas ng pinto. Si nay espie ang nabuksan ko!

"Nay... late na ata ako!!"ani ko

Ngumiti ito!

"Medyo hindi ka pa sanay kaya ok lang!!!   Pumunta ka nalang doon pagkakain mo ng agahan!!"ani nito
"Maligo kana para makakain kana!!"mahinahon nitong sabi sa'kin!

Agad akong naligo ng ilang minuto saka nakabihis ng  jogging pants at malaking tshirt na itim. Naabutan ko sa kusina si nanay espie naglagay ng plato sa mesa.

"Maupo ka na  para makakain na!!"ani nito saka humarap ulit sa sinaing nito sa may kawali.

Ilang subo  lang agad  ang kinain ko saka tumayo para makapunta na sa tubohan!

"Ang dali mo atang natapos!!"puna sa akin ng tumayo ako. Napangiti ako.

"Sanay na ako nay!! Sige na, nay punta na ako sa tubohan nakakahiya sa kanila!!"sabi ko saka lumabas na sa kusina.

Agad kong tinahak papunta sa tubohan sa likurang bahagi ng mansiyon namin.

Kinayawan ako ni tay felix ng makita ako! Nilapitan ko ito.

"Pasensiya na tay at na late pa ako sa usapan natin!"nahihiya kong sabi

Tumawa lang ito at tinapik ang aking balikat!

"Wala lang yun!! Naintindihan naman namin dahil hindi ka rin sanay!!"ani nito

Tumango ako saka nilibot ang paningin sa tubohan.
Kasalukuyang nagtatanim pa ng tubohan ang mga kalakihan sa kabilang banta. Ka kabilang naman medyo may kalakihan na ang tubo at pinaglilinisan ng mga ilang kababaihan ang sa mismong tubo nito.

Sa may gitna naman ay malaki na ang mga tubo at magaganda ang mga puno nito. Ito siguro ang sinabi kagabi  ni tay felix na sa susunod na buwan pwede ng ma harvest!!

Inaamin kung mainit talaga magbilad ng araw pero masaya pala lalo na may mga biruan na magaganap.

Nang dumating ang pananghalian sa may kubo kami nagtambay katabi ang malaking puno ng mangga. Maya maya dumating na si nanay espie dala ang malalaking contanier kung saan nakalagay ang mga pagkain.
Kasunod nito si angel na ngumiti. Pagkalapag nito sa dala lumapit ito kay tay felix at nagmano!

"Ang ate mo?"narinig kong tanong ni tatay felix sa anak.

"Nag-apply pa siya tay...iwan ko mahigit tatlong araw na yung pabalik balik!"narinig kung sagot ni angel. Humugot ako ng hininga. Bakit ba ako makikinig sa pinag uusapan nila?

"Halika kana clarck..."anyaya ni namay espie sa akin at bahagyang sumenyas na palapitin ako.

"Mamaya na ako nay...masyado pang maaga para mag tanghalian!"sagot ko

"Naku clarck sumabay ka na sa amin para mag enjoy ka!!"anyaya ng isa sa mga tauhan namin na lalaki halatang may edad na din ito.

"Sige na iho maupo kana!!"si nanay espie

Napangiti ako saka marahang lumapit sa mesa para makisabay na rin. Tiningnan ko sila tatay felix pero seryoso itong nag uusap sa anak.

"Masanay ka na... mas masarap kumain kung may kasama!!"nakangiti sabi ni nanay espie pagkaupo ko.

Tiningnan ko ang ilan na nagkamay lang ang ilan naman ay gumamit ng kutsara.  Paano ba magkamay?

Tiningnan ko ang ilan kung paano pero masyado atang mabilis kaya hindi ko kuha! Naalala ko tuloy si janice, mahilig kasi itong magkamay dati pagkumain kami sa mga isawan o sa calenderya.

Naramdaman kong tinapik ako ni nanay espie saka lumapit sa direksiyon nila tatay felix at angel. May sinabi ito nakita kong tumango si angel at lumabas sa kubo. Hinila din nito si tatay felix sa mesa para kumain.

••••
💜

Endless loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon