28

5 1 0
                                    


Naramdaman ko ang mabining haplos sa mukha ang nagpapagising sa akin. Napadilat ako at mukha ni steven ang sumalubong sa akin.

"kakain na."

Napangiti ako saka ko rin napansin na nasa sofa bed na ako.

"binuhat kita kanina pagdating namin ni tatay."

"saan si tatay?"

"nasa baba bumibili ng gamot."

Agad akong bumangon saka nilapitan si nanay.

"kumain na ba si nanay?"

"o, sabay kami kaninang tatlo."

Bigla akong nakaramdan ng gutom ng maamoy ang bango ng pagkain. Agad itong kinuha ni steven at hinila ako sa sofa malapit sa mesa.

"kumain ka muna."

Mabilis ko itong binuksan at dali daling kinagat ang fried chicken saktong bumukas ang pinto. Si tatay.

"mukhang pagod ka kaya hindi kana namin ginising."saka nilagay sa mesa ang dalang gamot at umupo sa sofa tabi ko.

"ako muna ang magbabantay dito tay... Uuwi kayo ngayon walang kasama ang mga kapatid ko sa bahay."

"ako muna dit--

" umuwi ka tay para makapagpahinga ka dahil pagod ka rin. Wag kang mag alala tatawag ako kung sakaling ano man. "

Tumango ito. Maya maya nagising si nanay kaya nagpaalam na din  na uuwi na ito kasama si steven.

Tatlong araw din kaming namalagi sa hospital. Ng makasiguro ang doctor na maayos na si nanay agad itong pumayag na pwede ng ilabas ang pasyente.

Pagdating sa bahay agad ko itong inasikaso. Nilutuan ko ito ng pagkain. Naglatag na din ako ng kumot sa kama nila ni tatay.

"maayos na ako jade wag kang mag alala."

"ako na nay.. Ok lang." sagot ko nito ng akmang kukunin ang kumot sa kamay ko.

"maayos na ako jade. Pwede na nga akong magtrabaho buka--

" hindi ka muna magtrabaho nay... Ipapahinga muna yang katawan mo. Sabi ng doktor masyado mong pinapagod ang sarili mo at masyado kang stress. "

Natigilan ito sa sinabi ko. Huminga ako ng malalim saka tinapos ang pagkumot sa kama.

"tara sa kusina nay para makainom ka na ng gamot mo." akay ko nito patungo sa kusina. Napangiti ito.

"masyado mo akong binabata."

"dapat lang kasi noon kung ako magkasakit mas lalo mo akong bini-baby."

Napangiti ito saka nag akay na sa kusina.
Ilang raw din akong hindi pumasok sa paaralan at nabalitaan ko ni jay na si edward muna ang naghandle sa section ko.

Pagdating sa lunes naabutan ko si edward sa room nasa mesa nakaupo at may kausap sa cellphone nito. Marahan akong huminga ng malalim saka kumatok sa bukas na pinto. Mabilis itong tumayo at pansamantalang namaalam sa kausap.

"oh... Hi miss cabrera, Good Morning!" ngiti na bati sa akin at tumayo na saka nagligpit ng gamit nito.

Ngumiti ako ng tipid saka lumapit nito. Medyo kinabahan ako ng kunti.

"Good Morning." balik bati ko rin nito

"how's your mom?"hindi ko inaasahan ang tanong niya. Ngumiti ito kaya napangiti ako ng marahan.

Endless loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon