36

7 1 0
                                    

Ilang araw pa ang nakalipas bago ito tumawag sa akin. Halatang galing sa pagtakbo ito dahil umahangos sa kabilang linya.

"edward... Ano ba ang nangyari?"

"patawarin mo ako janice sa lahat lahat. Gusto kong ituwid ang pagkakamali na nagawa ko noon kaya sa abot ng makakaya ko gagawin ko."

"ano ba yang sinabi mo? Tigilan mo nga ako sa ganyan. Totoo bang hahasain mo si cellin kung hindi ka naabutan ng katulong nila?" pagalit ko na tanong nito. Narinig ko ang pagtawa nito.

"kapal ng mukha ng babaeng yan. Yun hahasain ko. Hindi pa ako baliw para gawin sa kanya yun." sagot nito. Napapikit ako at naglock ng pinto sa kwarto. Agad akong umupo sa kama.

"please edward... Umuwi kana... Saan ka ba ngayon? Pupuntahan kita."

"hindi na kailangan janice... Gusto kong malaman mo ang katotohanan pagdating nang panahon na wala na ako para hindi ko marinig ang mga masasakit na salita na bibitiwan mo para sa akin."

Gigil ko itong tinilian pero tumawa lang ito.

"ingatan mo ang anak natin janice."

Saka nawala ito sa kabilang linya. Gigil kong binato sa kama ang cellphone. Palakad lakad ako sa loob ng marinig ko ang katok mula sa pinto. Huminga ako ng malalim saka binuksan ito.

"sumama si nexie kay angel."

"saan sila pupunta?"taka kong tanong

"sa chopper daw gusto niyang malapitan."

"nay..."pagtaas boses ko
" talagang pumayag ka. "saka mabilis na lumabas sa bahay. Nakita ko ang dalawa na palayo na.

"ano naman ang kinabahala mo. May asawa ka na janice. Matagal na rin na panahon kaya walang problema kay clark yun."

Huminga ako ng malalim at tumungo sa kubo. Si nanay naman ay bumalik sa loob ng bahay. Hinawakan ko ang magkabilang ulo at yumuko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pagdating ng gabi nagtaka ako ng hindi pa umuwi ang dalawa. Si jordan nakauwi na mula sa trabaho pero ang dalawa wala pa.

"saan si nexie?" yun agad ang hinanap ni jordan pagpasok sa bahay. Nagmano ito ni nanay at tatay na nakaupo din sa upuan habang nanonood ng palabas.

"hindi pa umuwi. Iwan ko ba ni angel." INIS ko na sabi saka tinungo ang pinto at tinanaw sa labas. Madilim na ang paligid pero wala pa ang dalawa.

"pupuntahan ko muna sa malaking bahay nay." hindi ko mapigilang mag alala. Kinabahan na kasi ako kanina pa at kung ano ano na ang iniisip ko.

"samahan na kita 'teh." saka tumayo na din si jordan mula sa pagkaupo. Hindi pa nga ito nakapagpalit ng damit.

Malaki ang hakbang ko habang nakatanaw sa malaking bahay. Palapit na kami, yung kaba ng dibdib ko bumangon bigla. Mas nagdouble pa.

Natanaw namin ang nagkikislapan na serine ng patrol. Bigla akong kinabahan na di mawari. Napatakbo na kami palapit.

Nakita namin si angel na nakaupo sa upuan habang kausap ang isang pulis. Lalapitan ko na sana ito pero nahawakan ako ni jordan sa braso.

"may mga pulis 'te wag mong pagalitan si angel." pakiusap ni jordan. Humugot ako ng malalim na hininga saka tumango ng pilit.
Agad ko itong nilapitan pagkabitiw sa akin.

"anong nangyari?" tanong ko nito at hinawakan ang dalawang balikat ni angel. Umiiyak na ito at nanginginig na.
"saan si nexie, angel?" diin ko na tanong nito. Humikbi lang ito kaya napakagat labi ako at pumikit. Lord please sana hindi totoo ang nasa isip ko.

Endless loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon