Steven povNapangiti ako habang nakatotok sa kawalan ng tapikin ang balikat ko.
Si nanay espie ang nalingunan ko.
"Ang layu ata ng iniisip mo!"puna nito saka nilagay ang dalang kape sa mesa. Kasalukuyang nasa terrace ako nakaupo.
"May naalala lang ako!"sagot ko
Ngumiti ito saka iniwan na ako sa terrace. Paano ko ba sabihin na si janice ang iniisip ko kahapon pa.
Ang laki na ng pinagbago niya lalo na ang mataas niyang buhok, pinaikli talaga pero mas lalo ata itong gumanda ngayon.
Dahil holiday ngayon nag desisyon din akong wala munang trabaho para makapaghinga pero si tay felix nag insist kaya wala akong nagawa ng magdesisyon itong ako muna ang hindi papasok.
Natigilan ako ng matanaw ko si janice dumaan bihis na bihis ito halatang may pupuntahan. Kasunod nito si angel.
Mabilis akong tumayo at nagdesisyon na lumabas ng nakasalubong ko si nanay espie sa hagdanan may dala itong pagkain.
"Kain muna—clarck!!"tawag sa akin ng lagpasan ko lang ito.
"Aalis muna ako nay espie!"tugon ko na walang lingon lingon at tinungo ang pinto palabas ng bahay.
Agad akong tumakbo para sundan si janice.
"Janice!"tawag ko nito.Natigilan ang mga ito at sabay na lumingon. Ngumiti ako saka kumaway habang palapit sa kanilA. Nagkasalubong ang mga kilay ni janice at si angel naman ay nakangiti.
"Kuya clarck!"ani pa nito
"O!"inis na sabi sa akin ni janice.
"Sasama ako!"ani ko
Tumango si angel saka ngumiti.
"Tara kuya!"anyaya pa nito
"Ano naman ang gawin mo doon kung sumama ka!"inis na irap sa akin ni janice
"Ate!"kontra ni angel kay janice at hinila pa ako para sabay sabay kaming lumakad.
"Aanhin mo yan hindi yan sasakay ng ano ano, kotse lang ang pwedeng sakyan niyan!"giit nito kaya inakbayan ko ito.
Napatili si angel
"Sanay akong sumakay kahit ano 'no!"ani ko saka bahagya lumapit sa tainga niya at mali ata ang paglapit ko dahil naaamoy ko ang pabango nito na masarap sa ilong. Yung amoy na hinahanap hanap.
"Also when i ride with—aw!!"ngiwi kong sabi ng siniko ako nito.Tawang tawa naman si angel kahit hindi alam ang binulong ko.
"Bumalik ka na lang kaya sa manila ano!"inis na sabi sa akin at nagpatiuna ng lumakad. Umiiling iling akong sumunod sa kanya.
"Babe—"Shut up!!"gigil na sabi nito at lumapit ang mukha nito sa akin.
"Try to talk to me again!! Try!!"diin na sabi sa akinNapansin ko ang pagtaka na ni angel sa amin.
"Pwede naman sigurong mag usap kayo bago tayo pupunta sa bayan!"si angel.
Tila hindi komportable sa bangayan namin."Ok na kami!!"sagot ko saka inakbayan ulit si janice
"Ganito lang kami mag asaran sa ate mo..ajeje.."natatawa sabi ko"Close ba kayo ni ate kuya?" Tanong nito
"Hindi masyado!! Masyadong maldita ang ate mo!"ani ko mabilis ulit akong sinuko nito kaya napaagik ako. Tumawa naman si angel.
"Ano ba ang problema mo at sinisingit mo ako? Nanahimik na nga ako dito!"galit na sabi nito at akmang hahampasin ako ng pumagitna si angel!
"Tumigil nga kayo para kayong bata!"sabat ni angel
Doon lang parang natahimik kami. Huminga ako ng malalim saka nagkamot ng batok.
"Sorry!"ikli kung sabi nito
Umiiling iling lang ito saka nagpatiuna ng lumakad. Napahugot hininga si angel bago ako nito hinila para makasunod kay janice.
"Girlfriend mo ba si ate?"tanong nito sa akin habng distansiya kaming nakasunod kay janice.
"Ikaw talaga bata ka!!"ani ko kay angel
"Bakit mo naman natanong?""Nanghihinala na kasi ako sa inyo!"lukot mukha nitong sabi
Napatawa ako saka ginulo ang buhok nito.
"Hindi ko pa alam kong ano talaga kami sa ate mo!"tugon ko nalang
Hindi ko akalin papasok pa kami sa isang merkado kung saan may mga putik at ang malangsang amoy ng mga isda.
Ngumiwi ako humahakbang papasok sa merkado ng tumawa si janice.
Tumingin ito sa akin at namaywang."Bakit ka pa kasi sumama ayan tuloy nahihirapan tayong magmadali dahil sayo!"inis na sabi nito sa akin
"I want to try nga eeh!"giit ko pero ang totoo gusto ko ng lumabas dahil sa mabahong amoy
"Try!! Diring diring ka nga eeh!"asik sa akin
"Diyan ka nalang wag ka ng pumasok hintayin mo nalang si angel!"ani sa akin."Ayaw ko!! Baka iwanan niyo pa ako dito!"mabilis kong tugon.
Tumawa ito."Pakiramdam mo iiwan ka talaga namin!"bulaslas nito at umiling
"Kung ganoon dali na!"inis na sabi nito at mabilis na humakbang.Mabilis ko itong sinundan.
Damn!
What's this awful smell?Ngumiwi ako at mabilis na nakailag ng may dumaan na maduming lalaki na hindi ko maipaliwanag ang amoy. May dala itong malaking isda.
Sa hindi sinadya na pag-ilag doon ako dumikit sa may display na isdaan kung saan nagsasaboy ng tubig ang babae.
Napamura ako. Narinig kung tumawa si janice!
Tiningnan ko ng masama ang babae. Yumuko ito."Sorry! Sorry!!"sunod na sunod na sabi nito
"Dali!"ani ni janice
Gigil kung sinundan si janice. Saan ba ang punta ng babaeng ito! Nadaanan na din naming ang may display na tuyong isda. Kanina pa kami palakad lakad dito!
"Malayo pa ba tayo?"hindi ko mapigilan mag tanong
"Sumunod ka na lang!"ani nito.
Tinikom ko ang aking bigbig. Maya maya naririnig namin ang sigawan.
"Suki ...suki...suki...suki..."
"Nanay!!"bati nito sa matanda na nanininda ng gulay. Ngumiti ito.
"Mabuti at nakadaan ka dito jade... matagal tagal na mula noong nakita kita!"ani nito
"Oo eeh!"natatawa nitong tugon
Tumawa din ito at sinulyapan ako sa likod.
"Boyfriend mo ba yang kasama mo?" Tanong nito
"Ah..oo si steven!"sagot ni janice. Napatingin ako sa kanya pero nagkibit balikat lang ito!
"Foreigner ba yan!! Ang gwapo huh at ang puti pa!!"ani nito kay janice hindi ko mapigilan mapatawa ng mahina.
Bumaling ito sa akin at nagtaas ng kilay! Napangisi nalang ako at napakagat labi.
Hindi ko mapigilan matuwa sa sinabi niya. Did she really admit that i'm her Boyfriend?
••••
💜
BINABASA MO ANG
Endless love
LosoweDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.