Janice,
Patawarin mo ako sa mga kasalanang nagawa ko sayo. Alam ko pag malalaman mo ito paniguradong wala na ako. Alam ni mama kung bakit kita tinulungan. Noong una paman tutol na siya sa plano ko pero pinilit ko siya kaya pumayag na rin ito.Alam ko minsan pakitaan ka ni mama ng magaspang na ugali pero hindi mo pinapansin at nagpawalang kibo kalang kahit alam ko ang bagay na yun.
Hindi ko mapigilang maglandasan ng luha.
I'm your stalker back in college, dahil kay cellin kaya nalaman ko ang pangalan mo. Wala akong alam kong bakit galit na galit si cellin sayo hanggang isang araw nakiusap siya sa akin.
Hindi ako tipong lalaki na gumawa nga masama. Nakiusap ni cellin sa akin na ilayo ka kay steven pero hindi ko ginawa dahil nakikita ko kung gaano mo siya kamahal.Bawat araw akong nakasunod sayo kung saan ka pumunta. Hindi sa binabantayan kita, gusto lang kitang makita na nakangiti at masaya kausap ang boyfriend mo at mga kaibigan mo. Hanggang isang araw nakita kita sa rooftop umiiyak. Nasasaktan ako. Plano ko sanang lapitan ka para pagaanin ang sarili mo kaso dumating si cellin.
Hindi ko alam kung ano ang plano niya pero may pinakita siyang picture. Hawak niya ang mga magulang ko. Maling kilos ko lang buhay ng pamilya ko ang kapalit. Kaya sunod sunuran ako sa mga utos niya.
Noong araw na pinanganak mo si janine nandoon ako. Ako ang kumuha ng anak mo. Patawarin mo ako janice....hindi ko gustong gawin yun pero buhay ng pamilya ko ang nakataya.
Nakiusap ako sa pinsan kung nurse na siya ang mag aalaga sa anak mo hanggang sa namatay ito.
I swear janice! Gusto kong ituwid ang pagkakamali kong yun sa abot ng makakaya ko gagawin ko.Si nexie si janine!
Patawad my princess.
Isang luha ang pumatak sa papel pagkatapos ko itong basahin. Hinaplos ko ang letrang janine saka niyakap ang papel.
Hindi ko mapigilan maiyak sa tuwa.
Hindi ako makapaniwala na kasama sama ko pala ang anak ko. Napangiti ako kahit hilam ang mukha sa luha.Mabilis akong nagpahid ng luha saka lumabas sa kwarto. Nasa sala si nanay at tatay nanonood ng palabas. Hindi ko ito pinansin. Lumabas ako at malaki ang hakba na tinungo ang malaking bahay.
Naabutan ko si angel na nakaupo sa upuan habang nakatingin kina nexie at steven na naghahabulan.
Napangiti ako at nanlabo ang mata ko dahil sa luha.Ang aking janine!
"ate jade.." bulaslas ng makita ako. Mabilis akong nagpahid ng luha at lumapit kay angel. Natigilan din sa paghahabulan ang dalawa ng makita ako.
"parang gulat na gulat ka."saka umupo
" mommy. "takbo na sabi ni nexie. Mabilis ko itong sinalubong at niyakap ng mahigpit. Lahat ng pangulila at sakit na naramdaman ko sa isang iglap napawi lahat.
Naglandasan ang luha ko na hindi ikaila na nakikita ni steven. Pinahid ko ang luha saka pinantayan ang ulo ni nexie.
"how are you?"
"mommy naman...teka...umiiyak ka ba?"
Mahigpit ko itong niyakap ulit kaya yumakap din ito. Si steven na nagtataka na nakatingin sa amin. Maya maya inaakay ko ng umupo si nexie.
Tinitigan ko ito habang umiinom ng juice. Lumunok ako. Bakit hindi ko napansin na may similarity sila ni steven. Lalo na ang mata nito na kulay brown.
"mom, your so weird today!"
Napangiti ako at pinisil ang mukha nito.
"na miss kalang ni mommy." piyok ko na sabi nito. Nakita ko ang pagkunot noo ni angel. Pati ito nagtaka na rin sa inasal ko.
"you look so weird! Ano bang nangyari sayo?" takang tanong ni steven. Tumikhim si angel bago ito tumayo at niyaya ang anak ko sa pumasok sa malaking bahay. Taka kung binalingan si steven.
"ok lang ba sayo na may pumasok sa bahay mo na hindi mo kapamilya."
"pamilya ko na sila janice."
Humugot ako ng hininga at inabot ang iniwang juice na ininom ni nexie kanina.
Nakataas ang kilay ni steven sa ginawa kong pag inom sa juice ni nexie. Mabilis ko itong binaba."sa pagkaalala ko ayaw mong uminom ng tirang juice o tubig sa kahit kanino. Kahit sa pamilya mo."
Napakagat labi ako saka tumikhim. Hindi pa panahon para malaman ni steven na anak niya si nexie baka ilayo ito sa akin kung nagkataon.
"kumusta ka pala?" napatawa ito sa tanong ko saka nag iiling.
"nilalagnat kaba?"
"maayos akong nagtanong sayo steven at sagutin mo ako ng maayos."nakakainis na siya. Tumawa ito. Natigilan akong napatitig sa kanya. Bakit ang gwapo parin nito kahit kailan.
Sa bagay kailan naman ito naging pangit."mukhang may gusto kang sabihin pero ayaw mong sabihin."
"wala 'no." kaila ko nito.
"tungkol ba kay nexie o kay janine?"seryosong sabi nito.
Biglang nabingi sa sinabi niya. Bakit niya natanong? May alam na din siya? Tumayo ito saka nagtukod sa mesa at tiningnan ako ng matiim. Nagtagis bagang pa ito. Lumunok ako.
Bakit kailangan pa bang sa iba ko malaman? Huh?"
"ano bang pinagsasabi mo?"
Napatawa ito at nagpokpuk ng mesa. Napaitlag ako sa gulat. Nakita kong nagpahid ito ng mata at galit na tumingim sa akin.
"sinabi sa akin ni nanay at tatay... Alam mo ba kung saan nila nalaman? Huh? Kay edward. Magaling din ang lalaking yun." nanggigigil na sabi nito. Napakagat labi ako at hindi mapigilang landasan ng luha. Alam na din pala nila nanay at tatay. Napapikit ako saka huminga ng malalim.
"bakit hindi mo ako hinanap? Bakit hindi mo sinabi sa akin buntis ka pala? Pinagkait mo sa akin ang karapatan ng anak ko." diin na sabi nito at dinuro ako sa mukha. Nagpigil ako sa pwede kong sabihin baka kasi makabitiw ako ng masamang salita na ikakasakit niya.
" I'm sorry... "
" shit janice... Diyan ka lang magaling. Ang mag sorry. Pinagkait mo sa akin na makita kung paano lalaki ang anak natin. Pinagkait mong makita ko ang unang ngiti niya, ang unang sambit ng papa o mama, ang unang hakbang niya at ang pag aalaga sa kanya kung magkasakit siya. Tinago mo siya!"duro sa akin. Mabilis akong nagpahid ng luha at tumayo na parang walang nangyari. Pinakita ko sa kanya na hindi ako mahina.
"kung kukunin mo si janine mas mabuti na yun dahil mabibigay mo lahat na kailangan niya. Plano ko rin kasing iwan siya sayo dahil mangibang bansa muna ako." nahihirapan kung sabi. Ngumiti ito ng patuya sa akin saka umupo pero nakatingin parin sa akin.
"gusto mong iwan si janine? Iwan ang pamilya mo? Iwan kami? Go! Go! Hindi ka namin pipilitin. Sa oras na bumalik ka siguraduhin mo lang na hindi pa huli ang lahat." nanggagalaitin na sabi nito saka iniwan ako.
Napakagat labi ako at pinigilang wag maiyak pero mabilis na naglandasan ang aking masaganang luha. Bakit ganito ang kapalaran ko? Ako na nga ang biktima ako pa ang masama?
°°°
BINABASA MO ANG
Endless love
RandomDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.