Janice pov
Agad akong lumabas sa sasakyan at luminga linga sa paligid. Ito na yung lumang simbahan malapit sa plaza. Agad akong pumasok sa simbahan.
Ang daming alikabok at may mga tubong halaman na. Akmang lalakad na ako ng makita ko ang dalawang lalaki sa di kalayuan nagyoyosi.
Mabilis akong napatago.
May dala itong baril. Bigla akong pinagpawisan. Ang bilis ng tibok ng dibdib ko.Agad akong bumalik sa tinahak ko at sa kabilang dumaan. Naririnig ko pa ang ilang mga boses na lalaki na nagtatawanan. May nakita akong maliit na pinto kaya marahan ko itong binuksan at nakahinga ako ng maluwang ng makita si nexie nakaupo gapos ang dalawang kamay at paa. Hindi ko mapigilang mapaiyak at marahang sinara ang pinto.
Niyakap ko ito ng mahigpit. Umiiyak din ito."mommy... I'm scared!" nanginginig na sabi nito. Pinahid ko ang luha nito at hinalikan sa ulo.
"ssshhh... Ssshhh... Ligtas kana.." naiiyak ko na sabi nito at niyakap ulit. Naririnig ko ang mga yapak sa labas. Nanlaki ang mata ni nexie.
"it's ok nexie... It's ok." saka tumayo at pinulot ang isang kutsilyo na nakalagay sa mesa at sumandal ako sa mag dingding. Nang bumukas ang pinto natakpan ako. Narinig ko ang pagtawa ng lalaki at lumapit kay nexie."gandang bata pala ito." saka inamoy amoy ang buhok ni nexie. Napaiyak ng todo si nexie sa takot. Tawang tawa naman ang ilang lalaki sa labas ng kwarto.
"hala ka, eh iiwanan kana lang namin para masolo mo yan." ani ng isa saka tumawa at narinig ko ang pag alis nito.
"wag po.." tanggi ni nexie..
Mahigpit na hinawakan ko ang kutsilyo at walang babala na tinusok ko ito sa may likod niya. Napatili si nexie kaya mabilis kong sinara ang pinto at nilock.
Nanlaki ang mata nito ng makita ang dugo. Nanginginig din ang kamay ko dahil sa nagawa ko. Mabilis ko itong kinalagan ng tali at niyakap ng mahigpit."it's ok. Wag kang lalabas hanggang sa hindi dumating ang pulis, ok. Ilock mo ang pinto." saka hinalikan ko ito sa noo. Tumango tango ito.
Agad akong lumabas sa kwarto at sinara. Narinig ko ang paglock ni nexie sa loob.
Mabilis akong lumakad at hinanap ang iba pang kwarto sa posibleng nilagyan nila ni edward.Natigilan ako ng marinig ko ang putok. Bumilis ang tibok ng puso ko at mahigpit na hinawakan ang kutsilyo. Bahala nang makapatay ako basta mailigtas ko sila ngayon sa kamay ni cellin.
Narinig ko ang ilang putukan pa hanggang sa narinig ko ang tunog ng patrol ng pulis. May mga pulis na.Napatingin ako sa daan paakyat ng dambana. Baka nandoon sa itaas si edward ng may humila sa akin. Napasinghap ako at nabitiwan ang hawak na kutsilyo.
"nababaliw ka na ba?" galit na bulyaw sa akin ni steven. Napansin ko ang dala nitong baril.
"oo nababaliw na ako. Bitiwan mo ako." inis ko na sabi nito pero hinawakan ako nito ng mahigpit.
"Ang mga pulis na ang bahala sa kanila."
"hahanapin ko si edward. Ano ba?" asik ko na tanong nito at kumawala sa hawak niya. Narinig ko pa ang ilang putok.
Akmang aakyat na ako ng biglang may pumutok at naramdaman ko ang manhid sa aking braso. May bumaril sa akin. Napatingin ako sa itaas at nakita ko si cellin. Mabilis akong nahila ni steven patago. Nagmura ito. Napasandal ako sa dingding biglang umagos ang dugo sa braso ko. Nataranta na si steven at hindi alam kung saan ako hahawakan. Sa mukha ba o sa braso.
"damn! Are you ok?" alala na mukha ni steven na nakatunghay sa akin. Napasalpak ako sa sahig at hinawakan si steven.
"nasa kwarto si nexie... Doon." saka tinuro ko ang kwarto ni nexie medyo may kalayuan mula sa tinaguan namin.
BINABASA MO ANG
Endless love
RandomDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.