Gigil kong tinulak ang pinto pabukas ng napansin kong nakaabang na sa loob si jay nakangiti pa."Unya 'te gwapo ba?"tanong nitong sabi sa akin(ano te gwapo diba?)
Umupo ako sa sofa na yari ng kawayan saka pumikit.Paano ko ba sasabihin sa kanila?
Huminga ako ng malalim saka umiling."I don't care!"inis kong tugon saka tumayo at dinampot ang mga gamit ko na nakapatong sa mesa saka pumasok sa kwarto namin ni angel.
"Eeh...baka ilang buwan lang kayo na!"asar na sabi nito at sinundan ako sa kwarto.
"Baka gusto mong mabato ng libro!"inis kong sabi saka hinarap ito.
"Ok!! Titigil na!!"natatawa nitong sabi saka bahagya lumakad palalikod palabas sa kwarto!
Umiiling iling akong umupo sa upuan saka inasikaso ang mga lesson plan na gagawin ko.
Napangiti ako ng makita ko si tatay na umiiling iling habang kaharap kami sa hapagkainan kinagabihan.
Napansin kong nakangiti si jay sa akin.
Dinilatan ko ito kaya umiwas ito ng tingin."Wala ko nakabalo na magka-ila diay mo ni clarck sa manila!"paninimula ni tatay. (Hindi ko akalaing magkilala kayo ni clarck sa manila)
Napansin ko ang pagtataka ni nanay sa akin pati ang mga kapatid ko.
Nagkagat labi ako! Yan na!
Ihanda mo na ang script mo babae ka -bulong ng isipan ko
"Magkilala kayo ate?"segunda ni angel
"Nakadungog ka diba!!"asar din ni jay kay angel. Dinilatan din ito ni angel.(naririnig mo naman diba!)
"Baka magkilala lang pero hindi close!"sabad ni jordan.
Lahat ng mata sa kanya ang atensiyon. Nagtaas ito ng kamay tumatawa.
"Did i commit a crime!"dagdag pa nitong sabi
Nagtinginan ang mga ito. Nagsimula na akong sumubo ng magsalita si nanay.
"Pwede bang pagkatapos ng hapunan saka na natin yan pag usapan! Importante pa ba yan na malaman kung bakit sila mag kilala!"ani ulit ni jordan
"Unsa man jade dili ka mag explain!"ulit ni tatay(ano jade hindi ka ba mag explain!")
Nakita ko ang pagdilat ni nanay kay tatay pero hindi ito pinansin.
Sumubo ulit ako saka nag desisyon na sagutin ang tanong."Nakilala ko siya bilang steven. Hindi bilang clarck kaya hindi ko agad kilala kung sino ang tinutukoy niyong clarck!"sagot ko
Gaya ng sabi niya magkikita kami minsan sa college na pinapasukan namin at steven ang pagkilala ko sa kanya!"dagdag ko.Napangiti ang dalawa kong kapatid na lalaki pero hindi ko pinansin.
"Mabuti naman dahil hindi na ako maghihirapan sa inyong dalawa!"ani ni tatay.
"Naku felix kung plano mong ipagpares yang dalawa baka pumuti nalang ang uwak hindi yan mangyayari!"si nanay.
"Hindi yan ang ibig kung sabihin!"sabi ni tatay.
"Naks tay gumagaling na ang tagalog niyo!"natatawa sabi ni jordan.
Napangiti naman si tatay saka bumaling kay nanay."Simpre anak ni don renato si clarck mas mabuting kilalanin din ni jade si clarck para naman sa ganoon medyo malaman ni clarck ang mga pasikot sikot at mga pamilihan dito!"sabi ni tatay.
BINABASA MO ANG
Endless love
RandomDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.