31

7 2 0
                                    


Nang lumalim ang gabi hindi ko na nakita ulit si steven. Ang ibang bisita naman nagsiuwian na pero ang iba nakihalobilo na rin dahil may kunting inuman naman na nagaganap.

Si angel nagpaalam na din na uuwi na ksama si jay halatang gusto ng matulog. Si tatay lasing na rin pero nasa may kubo pa rin ito nakikanta sa mga kakilala nito.

Si nanay nasa may mesa kausap ang mga kaibigan din nito. Napahugot ako ng hininga saka tumingala sa terrace. Maliwanag ang terrace.

Pasikreto akong pumasok sa bahay at luminga linga.

May mga ilang bisita din ang nasa loob kanya kanyang grupo din. Ng  makasigurado akong walang nakapuna sa akin tumungo agad ako sa hagdanan paakyat sa 2nd floor.

Humugot ako ng hininga ng makarating ako sa ikalawang palapag. Marahan akong luminga linga. Baka kasi may makakita sa akin.

Huminga ako ng malalim saka tinungo ang pinakadulo ng kwarto ng may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko. Nanlaki ang mata ko. Hinila ako sa may terrace nito likod ng malalaking halaman bago binitiwan.

Inis ko itong tiningnan pero nagulat ako ng makita ko kung sino ang humila sa akin.

"Edward...." bulaslas ko sa kanya

"hi." ngiti na bati nito sa akin saka mabagyang tumingin sa paligid.
"hinila kita kasi paakyat na ang ina ni Steven."ani nito at bahagya itong lumapit sa akin para matakapan din sa malaking halaman. Naririnig ko ang yabag nito at ang pagbukas sara ng pinto.
Huminga ako ng malalim saka tumanaw sa ibaba. Nandoon parin ang ilang mga tao na nagsayahan.

"ano ba ang ginagawa mo dito?" tanong nito sa akin. Tiningnan ko ito saka nagkamot ng batok.

"hinanap ko si steven... May ibibigay kasi ako."pag aamin kong sabi . Napangiti ito.

"nasa ikalawang kwarto mula sa dulo ang kwarto niya."sabi nito saka tinuro ang pinto. Taka ko itong tiningnan. Bakit niya alam.?

"sabi niya pinakadulo."

"nakita ko siyang pumasok diyan." saka tinuro ulit ang kwarto.

"anong set up mo edward?" inis ko na tanong nito. Taka itong tumingin sa akin.

"WALA! I'm trying to help you." kibit nitong sagot
"bahala ka kung ayaw mong maniwala." saka iniwan ako.

Huminga ako ng malalim saka tinungo ang pinakadulo ng kwarto. Nakabukas ito pero walang tao. Mabilis akong lumabas sa kwarto  at tumingin sa katabi nito.

Bigla akong kinabahan. Marahan kong hinawakan ang doorknob nito saka pinihit pabukas. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si steven sa kama katabi si cellin. Halatang wala itong mga saplot dahil nakabalot lang ang mga ito sa kumot.
Nanginginig ang kamay ko.

Ang dibdib ko parang sasabog sa sakit. Sobrang sakit parang sinaksak ng isang libong carayom.

Lumunok ako at dali daling umalis. Palayo sa kwarto. Agad akong bumaba sa hagdan at dali daling lumabas sa bahay. Palayo kay steven.

Narinig ko pa ang tawag ni nanay sa akin pero hindi ko pinansin. Agad ko ng binaybay ang kadiliman ng daan patungo sa amin habang umiiyak. Iyak na hindi ko alam kung kailan ito titigil. Humagolhul ako ng iyak habang patuloy na lumalakad palayo sa mansiyon.

Palayo sa lalaking minahal na kahit kailan hindi para sa akin.


Years later....

Napamulat ako ng maramdaman  ang mabining halik sa aking pisngi. Napangiti ako.

"good morning mommy." ngiti na sambit ni nexie sa akin. Nasa edad na dose anyos ito pero ang pagiging malambing ay hindi nababawasan.

"good morning baby.."saka bumangon ako at niyakap ito.

" wake up na mommy, daddy is waiting. "

Naglulundag ito ng bumaba na ako sa kama. Ito pa ang naghila sa akin patungo sa kusina. Naabutan ko si edward na naghain na ng pagkain sa mesa.

" good morning  my two princesses."ngiti nito sa amin. Pinaupo ko na rin si nexie sa upuan saka umupo na rin.

"how's your head?" tanong ni edward at tumingin sa akin

"maayos na.. Pasensiya kagabi."bigla kasing sumakit ang ulo ko kagabi.

"tssk..i't ok. Ok!" sabi  nito ng matapos ng ihain ang lahat ng niluto at umupo na rin.
"what's do you want baby?" tanong nito kay nexie

"i want to eat vegetable dad."

"good girl." saka nilagyan ng gulay si nexie at kanin sa plato. Sinamahan na rin ng pritong  isda.

"thank you dad."

Napangiti ako habang nakatingin sa kanila. Kung hindi ako umalis noon, naging kami kaya? Katulad nito, may anak na siguro kami at ganito ka laki kay nexie. Kumurap kurap ako saka nagsimula ng kumain.

Mahigit dalawang taon na ang nakalipas pero sariwa pa ang ala alang yun para sa akin. Naalala ko pa kung paano ako umuwi at ilang araw na nagkulong sa kwarto.

Nabalitaan ko rin sa mga kapatid ko na ikakasal na si cellin at steven kaya nagdesisyon akong umalis at lumayo, gusto ko na  ring  kalimutan ang lahat kaya  bumalik ako sa manila pero sa kasamaang palad o dios na siguro ang may gawa sa laytr ako napadpad.

Napangiti ako ng magsubuan ang dalawa. Nakita ko ang pagtingin ni edward sa akin kaya mabilis akong yumuko at nagkunwaring kumain. Pero kahit anong kain ko sa pagkain hindi ko nalalasahan ang lasa.

Mabilis kong napahid ang luha ng pumatak sa pisngi ko habang nasa pagkain ang intensiyon. Bakit ang sakit parin.

"ano ba ang pwede kong gawin para mabawasan yang bigat ng dibdib mo." alalang sabi ni edward sa akin. Nasa terrace kami nakaupo tanaw ang malawak na bakuran namin.
Huminga ako ng malalim.

"ayaw kung pag usapan."

"pwede ba janice... Pati si nexie nagdududa na. Ayaw kung maapektuhan siya dahil sa atin. Nagdududa nga siya ng maghiwalay tayo ng kwarto." inis na sabi nito at tumayo. Nanghilamos ng mukha halatang naguhuluhan din. Paano naman kagustuhan naman namin ang desisyon na ito.

"sorry.."saka hindi ko mapigilang mapahikbi. Agad ako nitong inalo at tinapik tapik ang likod ko pero nakatayo lang ito.

"paano ka ba babalik doon kung ganyan ang hitsura mo, huh? Ang bilis mong umiyak."

"Edward..." sambit ko saka pinigilang wag maiyak pero ang luha nag alpasan pa rin sa pagtulo. Nagkagat labi ako at pilit na maging matatag.
"i'm not ready to face them."

"again?? Kailan ka pa handang harapin sila janice?" galit na sabi nito saka lumapit sa duli nh terrace lumanghap ng hangin.

"i don't want to go home. Pwedeng dito nalang ako."pakiusap ko nito
Narinig ko ang paghinga nito ng malalim.

" face your fear janice."madiin na utos nito
" ayaw kung nakikita kitang naghihirapan at nasasaktan. Umuwi tayo sa inyo. Tayong tatlo bilang isang pamilya."pinal na sabi nito

Napahagulhol ako ng iyak. Ayaw ko pang umuwi dahil masasaktan ako sa posibleng malaman ko kung sakali.

Maraming tumatakbo sa isip ko na hindi ko alam kung nangyari ba o wala.

°°°°

Endless loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon