Janice pov
Natigilan ako sa pagsusulat ng marinig ko ang mahina pero madiing bangahan nila nanay at tatay sa sala.
Ano naman kaya ang pinag aawayan nila? Tiningnan ko ang relo sa may mesa. Mag alas nuebe na ng gabi. Tumayo ako saka lumapit sa pinto at pinihit pabukas sabay hawi ng kurtina.
Natigilan ang mga ito saka napatingin sa akin.
"Ano bang nangyari sa inyo?"
Taka ko na tanong sa mga ito. Umayos ng upo si nanay saka tumingin kay tatay na napatayo.
"Kausapin mo yang tatay mo jade ang tigas ng ulo!"inis na sabi sa akin
"Hindi mo ako naintindihan, nag alala lang ako ni clarck!"mahina pero diin na sabi ni tatay
"Ano ba ang nangyari sa kanya?"tanong ko sa mga ito saka pinihit pasara ang pinto ng kwarto namin ni angel saka umupo sa bakanteng upuan.
"Yan tatay mo...alalang alala kay clark alam naman natin na mag kilala ang dalawa!"sagot ni nanay sa akin saka tumayo na din
"Bakit hindi nalang si janice ang ipapunta mo doon?" Tanong pa ni nanay kay tatay na mas lalong kinataka ko.
Ano ba ang pinagsasabi nila?
"Magkilala? Sinong dalawa?? At ba't ako nadamay?"taka ko na tanong.
Anong meron ba?
"Mabuti pa!"sang ayon din ni tatay sa sinabi ni nanay.
"Luh...ano ba ang ibig niyong sabihin?"
"Pupunta kasi kina don ramon si clarck at nag alala ako baka hindi makauwi ngayon. Sa malaking bahay ka na lang matulog janice tawagan mo ang nanay mo pagkadating niya!"sabi ni tatay na sa akin nakatingin.
"Tay!! Ayoko!"matigas ko na tugon at tumayo. Bahala na!
"Jade sige na...ngayon lang ito!"segunda ni nanay.
Huminga ako ng malalim saka umiiling .
"Si jordan nalang o si jay—
"Janice jade..."buong pangalan na sambit ni nanay sa akin na kinatigil ko.
Ngayon lang ako nakarinig na tinawag ako ni nanay sa buo ko na pangalan. Marahan akong tumango kahit labag sa kalooban ko ang pag punta sa malaking bahay. Si nanay pa mismo ang nagpili ng mga damit na babaunin para bukas.
Malayo palang nakikita ko na ang malaking bahay na wala pang ilaw. Hindi pa siguro nakarating.
Umikot ako sa likod para doon dumaan. Agad ko na kinapa ang switch ng ilaw kaya lumiwanag ang buong kusina. Agad ko nilock ang pinto saka pinatay ang ilaw at dumaritso sa sala saka binuksan ang dim light.
Agad ko na nilapag ang bag sa upuan at lumapit sa sofa para humiga. Napapagod ako kanina kaya gusto ko ng ihiga ang likod ko.
Napangiti ako ng maramdaman ko ang lambot na kutson. Iba talaga. Marahan akong pumikit para i relax ang sarili ko.
Naalimputangan ako ng maramdaman ko ang mabigat na binti na nakadagan sa akin tiyan. Idagdag pa ang init na tumama sa pisngi ko. Marahan akong napamulat at saka napatingin sa may tiyan ko.
Nanlaki ang mata ko saka mabilis na tinabig ang binti. Napakurap kurap ako saka ko narealise na may katabi ako at yun nasa sahig nahuhulog. Napaungol pa ito. Si steven!
"Love naman.."ungol na sabi pa nito saka pakusot kusot pa sa mata. Mabilis akong napaupo.
"Ba't ka ba tumabi? Ang bigat ng binti mo , ah!"inis ko na sabi nito at inirapan ito.
Mukhang inaantok pa ito dahil humiga ulit sa sofa kaya no choice ako kundi tumayo na at umikot sa kabilang upuan.
"Anong oras ka ba nakauwi?"nagawa ko pang itanong. Hindi ko kasi na tawagan si nanay na dumating na ito baka nag alala na ito.
"Ako na ang tumawag kagabi dahil tulog na tulog ka panay naman ang txt ni nanay espie!"paungol na sagot nito habang nakabaon ang mukha sa unan. Saka ko napansin na may unan na at kumot. Gentlemen din pala ito hanggang ngayon.
Dinampot ko na din ang bag saka dumaritso sa kusina dahil may banyo doon. Doon nalang ako maliligo.
Nag desisyon din ako na magluto nalang ng almusal para kay clark kahit papaano kasi anak ito ng amo ni nanay.
Nasa kalagitnaan ako nang pagluluto ng bigla itong lumapit sa likuran ko at inamoy amoy ang luto ko na sinigang na baboy.
Naramdaman ko ang mainit na hininga nito sa may ulohan ko. Bigla ata akong inatake ng kaba.
"Ang bango..."ani pa nito
Hindi ko alam ko ano ang tinutukoy niyang mabango basta ang alam ko nanginginig na ang tuhod ko.
"Mukhang masarap yang luto mo aah!"ani nito saka umalis na at narinig ko pa ang pag ingay ng upuan halatang umupo na ito hinintay akong matapos.
Napabuga ako ng hangin hindi ko namalayan na pinipigilan ko pala ang hininga ko kanina pa.
Lumunok ako saka pinagpapatuloy ang pagluto ng magsalita ito.
"Bakit ka ba nagpaiksi ng buhok?"tanong nito bigla
Natigilan ako saka bahagya tumingin sa kanya pero mali ata ang ginawa ko na pagtingin sa kanya dahil nakatingin din ito sa akin. Hindi basta tingin kundi titig talaga halatang binabasa ako.
Alam ko ring ayaw niya akong magpaiksi ng buhok. Ngumiti ako saka sinalubong ang titig niya.
"For a change...ganoon naman talaga!"sagot ko saka binalingan ang niluto ko at tinikman ang sabaw. Ok na ang lasa.
Agad ko itong pinagsandok.
"Sabayan mo akong kumain!"hindi ko alam kung utos pa yun o pakiusap na sabi
"Sa bahay nalang...maya maya nandito na rin si nanay!"ngiti ko na sabi
Hindi nagtagal dumating din sa nanay kaya nag excuse na din ako saka lumabas na bitbit ang bag ko. Huminga ako ng malalim saka marahang lumakad.
Bakit ba nagkita pa kami ulit?
Bakit ba ang lakas ng tibok ng puso ko?
Huminga ulit ako ng hininga saka mabilis ang ginawa ko na hakbang papunta sa bahay namin.
Mula sa insidenteng yun hindi ko na rin masyadong nakikita si steven. Halos apat na araw ko rin siyang hindi nakikita kahit pag uwi mula sa paaralan hindi ko na ito nakikita sabagay anihan ng tubuhan nila ngayon.
Teka nga.
Bakit ko ba siya hinanap?
Bakit parang namiss ko ang presensiya niya?
Hindi maari ang ganito! Hindi!
Napatili ako ng bigla may umakbay sa akin. Mabilis ko rin itong nalingunan at bigla akong natigilan ng makita si steven.
Napangiti ito pero tinabig ko ang kamay niya saka lumayo ng bahagya. Bigla kumabog ang puso ko! Na miss ko ang ganoong ngiti niya pero never ko yung sabihin 'no!
"Ano bang problema mo?"inis ko na tanong nito
"Trip lang kita ngayon!"sagot pa nito
"Pwes...hindi kita trip ngayon! Pwede ba tantanan mo na ako!"inis ko na asik nito
NO! Gusto din kitang i trip ngayon. Gusto ko sanang i usal pero nagpipigil ako
"Naku friend ikaw talaga!"pa bakla bakla pa nitong sabi sabay pisil sa mukha ko
"Gusto lang kitang makita dahil may sasabihin ako sayo! Isasama sana kita sa manila kasal kasi ni princess ngayong 18."patuloy nitong pabakla bakla na sabi at may pa wave wave pa sa kamay sa ere
Napatawa nalang ako saka namaywang.
"Mas mabuti pa ikaw ang umuwi doon para matahimik na ako dito ano!"pa asik asik ko pang sabi saka tiningnan pa ito ng masama.
"Pag iisipan mo Friend!"patuloy nitong pabakla bakla saka kumikimbot pa na naglalakad . Napangiti ako ng lihim saka napailing. Anong nakain ng lalaking yun mukhang may sayad.
••••
💜
BINABASA MO ANG
Endless love
RawakDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.
