Natigilan ako sa pag iiyak ng hawakan niya ang mukha ko. Ngumiti pa ito.
"p-patawarin mo ako sa lahat lahat...." nahihirap na sabi nito.
"gusto kong maibalik ang dating sinira ko... Pa.... Patawarin.....m-mo......ako j-janice.." saka ngumiwi ito
"sshhh.... Napapatawad na kita..." sabi ko nalang, hindi ko kasi alam kung ano ang ibig din niyang sabihin. Napangiwi na rin ako ng maramdaman ang kirot ng braso na tinamaan kanina.
"si n-nexie...."
"ligtas na si nexie."
"s-siya...."
"wag ka nang magsalita please. Please tulungan niyo ang asawa ko."BALING SA MGA PULIS
takbong lumapit sa amin ang resue team at nilagay nila sa higaan si edward. Naramdaman ko ang haplos ng balikat. Si steven ang nalingon ko. Hindi ko alam pero bigla ko itong niyakap at umiyak sa mga bisig nito.
" maam hinanap kayo ng asawa niyo." lapit ng isang rescuer.
"ikaw na muna ang bahala ni nexie please.." pakiusap ko saka nagpahid ng luha at sumakay sa ambulansiya.
Nahihirapan ako sa nakikita niyang kalagayan. Humahagos ito ng hininga. Ginanap ko ang kamay nito.
"lumaban ka please... Hinihintay ka ni nexie..." naiiyak ko na sabi nito.
"j-janice.....si n-ne....xie....."
"ligtas na siya" ngiti ko na sabi nito pero umiling iling ito.
"ne......xie.....ay s-si.......j-jan---
Bigla iyong huminga ng malalim at hinigpitan ako ng hawak. Maya maya lumupaypay na ang kamay nito at pumikit. Napasigaw ako at niyogyug ito. Nilapitan ako ng isang nurse at pinalabas na sa ambulansiya. Nag iiyak ako.
Naramdaman ko ang isang yakap. Kilala ko sa amoy palang kung sino ang yumakap sa akin. Hinaplos haplos ang likod ko para gumaan.
Nakatingin lang ako sa kawalan habang nakikinig sa pinag uusapan ng mga katabi ko. Agad sumugod sa hospital sila nanay at tatay ng malaman ang nangyari kasama si jordan. Mabilis na yumakap si nexie kay jordan pagdating nito. Ginanap naman ni nanay ang kamay ko.
"nahuli na ba ang may gawa nito?"
Tumango ako at naglandasan ang aking luha. Pinahid iyon ni nanay at niyakap ako. Binalita ko na rin sa magulang ni edward na wala na ang anak nila. Panigurado ano mang oras susulpot yun dito sa hospital.
"magpahinga ka muna jade..may sugat ka pa sa braso."
Saka tiningnan ang braso ko na nakabenda na. Ngumiti ako saka tumayo. Ng marinig ko ang ingay sa may nurse station.
"ma...." mahina ko na usal nito at hindi mapigilang mapaiyak ulit. Napatingin ito sa gawi ko. Mabilis ding nagpababa si nexie kay jordan at takbong lumapit sa ina ni edward.
"lola...." saka nagmano ito
Medyo napaatras si mama kaya nagtaka ako. Nahihiya din si nexie na inasal ni mama kaya bumalik ito kay jordan. Bakit parang galit ito.
"ma....sorry..."naiiyak ko na sabi nito
Nakita ko ang masama niyang tingin sa akin saka inisa isang tingnan ang nasa likod ko. Mula kay jordan, kay nexie, kay nanay at kay tatay saka tumingin din sa akin.
" alam mo ba kung anong buhay at ambition ang na give up ni edward para tulungan kalang...pagkatapos ito lang ang mangyari sa kanya. Umuwi sa amin na bangkay nalang." galit na sabi nito
"teka nga... Wag mong ginaganyan ang anak ko." si tatay at pumantay kay mama. Ngumisi si mama at may kinalkal sa bag.
"hanggang ngayon wala ka pa ring alam."saka may inabot na sobre. Mabilis ko itong tinanggap.
" ano 'to ma. "
"tigilan mo ako sa katatawag na mama, pwede ba! Hindi naman totoo ang kasal na yun." bigla akong naghina sa sinabi nito. Alam din pala ni mama. Si nanay at tatay ay naguguluhan.
"kukunin ko ang katawan ng anak ko at wala kang karapatan na pumigil."galit na sabi nito
" ma....masasaktan si nexie... "naghihirap kong sabi
Narinig ko na ang pag hikbi ni nexie. Mabilis itong niyakap ni jordan at nilayo sa amin pansamantala.
" hindi anak ni edward ang batang yan. Kung curious ka kung sino si nexie... Basahin mo yan."gigil na sabi nito at tumalikod na.
Hinaplos haplos ni nanay ang likod ko. Ginaya din ako nito na umupo. Hinigpitan ko ang paghawak ng sobre.
" saka muna basahin kung handa mo na yang basahin. "si nanay. Tumango tango ako. Nahihiya ako sa mga magulang ko.
" wag muna ng isipan yan. Alam na namin ang bagay na yan noong una pa. Sinabi samin ni edward at yung tungkol kay ne--
"tumahimik ka nga espie mas lalo mong binigyan ng problema si jade.. Pabayaan muna natin siya, malalaman at malalaman din niya ang mga bagay bagay."
Hiya at galit ang naramdaman ko sa aking sarili. Pinagbutihan ko pa ang pakikitungo ni edward sa harap ng magulang namin yun pala alam na nila sa umpisa. Pumikit ako at sumandal sa kinaupuan namin.
"magpahinga ka muna jade... Ikaw ng bahala muna dito pupuntahan ko si jordan at nexie." saka naramdaman ko ang pag alis ni tatay sa tabi ko. Naramdaman kong pinasandal ako ni nanay sa balikat nito. Dumilat ako saka tiningnan ang sobre.
Paano na kami ni nexie ngayon?
Ilang araw ang nakalipas panay ang punta nila angel at nexie sa malaking bahay. Hindi narin ako tumutol pa dahil nakikita ko ang pagiging close ni nexie at steven.
Hindi ko mapigilang landasan ng luha saka nagpahid. Mag iisang linggo na mula noong nawala si edward at hindi ko mapigilang mag isip sa kanya.
Malaki ang naitulong sa akin ni edward at hindi ko kayang baliwalain yun. Na guilty din ako kasi dahil sa akin kaya nangyari yun sa kanya.
Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin na ituwid niya ang pagkakamali. Mabilis kong hinanap ang sobre. Nakalimutan ko kung saan ko yun nalagay. Hanggang sa nakita ko ito sa may uluhan ng unan.
Mabilis ko itong binasa. Nanginginig ang kamay ko habang binabasa ito at hindi ko mapigilang mapaiyak sa mga natutuklasan.
°°°
BINABASA MO ANG
Endless love
De TodoDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.
