Janice pov
Tahimik lang kaming nakaupo sa kotse habang pauwi na kami sa opisina. Wala sa amin ang kumibo. Ayaw ko ring kumibo baka kasi mapahiya lang ako dahil sa pagiging feeling close.
Hindi naman kami ok. Bumuga ako ng hanging kunting minuto nalang. Mabilis akong bumaba pagkapark ng sasakyan pagdating sa opisina.
Mabilis akong lumakad patungo sa elevator at sa kasamaang palad naabutan niya ako sa elevator kaya mas lalong naging awkward.
Kapwa kami tahimik habang hinihintay kong kailan bubukas ang elevator. Ng bumukas ang elevator ito ang unang lumabas kaya nakahinga ako ng maluwang.
Kanina ko pa pala pinigilan ang hininga ko. Mabilis itong pumasok sa opisina kaya umupo na rin ako sa pwesto ko.
Nagsisisi ako sa pakiusap ni tita. Bakit ba kasi ako pumayag? Bumuga ako ng hangin at inabot ang isang folder na may lamang bagong latest model ngayon.
Infairness naman kahit mayaman na sila mas pinagtiyagahan nilang magtrabaho para mas lalong lumaki ang pera nila.
Namiss ko tuloy si janine. Gusto ko itong makita. Mabilis kong kinapa ang aking cellphone at tinawagan si janine.
"hello mom.." masiglang bati nito kaya napangiti ako.
"namiss na kita.."
"si mommy talaga...nasa flowershop kami ni lola..."
Napangiti ako saka binuklat ang pahina ng papel ng may tumikhim. Mabilis kong pinatay ang cellphone at napatayo.
"good afternoon maam..."
Ngumiti lang ito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"ikaw ba ang pumalit sa pwesto ng sekretarya niya?" nakataas kilay na sabi nito.
Tumango ako ng bahagya.
Sino ba ito? Wala naman akong kakilala na pinsan niya na ganito.Kaibigan? O baka girlfriend?
Akmang magsalita ako ng tinaas ang kamay nito."hindi mo ba alam bawal ang cellphone pag nasa oras ng trabaho."seryoso na sabi nito kaya napakagat labi ako.
Sino ba siya?
Maya maya ngumiti ito.
" anyway.. Nandiyan ba sa loob si steven clark? "Tumango ako.
" sandali lang po maam... Sino po kayo?"MAGALANG KO NA TANONG
Nakita ko ang pag ikot ng mata nito. Nagkuyom ako ng kamay sa inis. Kung hindi lang ito opisina hinila ko na ang buhok nito.
"Just open the door!" inis na utos nito.
Marahang kong binuksan ang pinto at sumilip. Nakatotok sa computer si steven.
Tumingin ito ng mapansin ako at binalik ang tingin sa computer. Bakit masyado siyang seryoso?
Hindi ko nga nakita ang pagngiti nito ngayong araw. Ganito ba niya ako kaayaw ngayon?"yes?" ani nito at ang tingin ay nasa computer. Nahiya tuloy ako sa ginagawa ko.
"may gusto pong kumausap sayo.."
"sino?" sabay tingin sa akin. Seryoso parin ang mukha nito.
"si--
" it's me!"masigla na sabi ng babae at sumilip din. Nakita ko ang pagngiti nito. Mabuti pa ang babaeng ito ngingitian niya ng ganyan samantala ako. Hmmp!
" ooh.. Hi cindy.. "ngiti pa na sabi nito at tumayo kaya nagbigay daan na din ako para makapasok ito.
"it's ok cabrera.. How are you?"masuyo pa na tanong nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/250326535-288-k227100.jpg)
BINABASA MO ANG
Endless love
RandomDid you believe in destiny? Sabi nga ng ilan pag kayo tinadhana kahit anong unos pa ang dumaan pagtatagpuin talaga. Tunghayan ang kwento ni steven at janice. R-18 Cover is not mine credit to the rightful owner.