25

6 2 0
                                    


Napatili ako saka pinaghahampas ko sa shoulder bag  pero natigilan ako sa paghampas ng naririnig ko ang tawa nito. Sa tawa palang at amoy nito kilala ko na kung sino ang kumag na ito.

"urgh.. Sakit nu'n ah. Bakit kaba nagugulat? May nakasunod ba sayo?"

Saka tumingin ito sa may likuran ko. Napalunok ako ng sa mismong leeg niya tumapat ang mukha ko. Naamoy ko ang amoy niya na kinamiss ko na amuyin dati.

"alam mo kung uuwi ka ng gabi dapat magpasundo ka sa kapatid mo para walang mangyaring masama
sayo. Kahit kapitbahay lang natin at kilala natin lahat ang nandito malay mo may pagnanasa sayo."

Dahil medyo may katangkaran ito napatingin ako nito. Bahagya din itong yumuko sa akin. Gosh.

Bakit ang sarap niyang yakapin ngayon? Nagkagat labi ako.
Ngumiti ito at bahagyang umatras para tingnan ako ng maigi.

" janice. "sucks! Pati boses niya ang sexy.

Tiningnan ko ito sa mata  pababa sa mukha niya pababa sa labi nito na medyo namumula.

Back to the world janice!

Napapikit ako saka dumilat at nag iiling iling. Ano ba ang nangyari sa akin. Mag iisang linggo na rin kasi mula noong hindi kami nito nagkita.

Aminin mo kasing miss mo siya.

Napatikhim ako saka medyo dumistansiya sa kanya kaya nagtaka ito at tumawa.

"ang weird mo ngayon."

Umismid lang ako saka lumakad na. Sumunod din ito.

"ano ba ang nangyari noon sa resort? Hindi ko kasi natandaan yung tungkol sa amin ni edward."

Nakita ko ang pag tiim bagang nito saka namulsa sa auot na short.

"wala naman. Bakit mo natanong?"

"hindi ko kasi natatandaan eeh. Nagtaka nga ako ng magising ako sa kwarto mo."

"hindi muna kailangan pang malaman basta ang masasabi ko wag kang maniwala agad sa kung sino. Piliin mo yung kinaibigan mo."

Napakagat labi ako saka tumango.

"mag pinsan ba sila ni cellin?"

Napahawak ako sa labi ko. Bakit ko ba tinanong? Nagtaka din ito kaya napahinto ito sa paglalakad.

"bakit?"

Napailing ako saka tumawa ng bahagya.

"ah wala lang."

"sabihin mo janice."

Hinawakan ako nito sa may pulso kaya natigilan ako at bahagyang humarap sa kanya.

"nandito si edward ngayon...hindi! Isa siya sa subject teacher namin ngayon. Ano ba ang relasyon nila ni  cellin? Kaibigan? Pinsan?"

Nakita ko ang pagtiim ng labi nito. Halatang nagpipigil.

"ano ba kasi ang nangyari noong gabing yun??." inis ko na tanong nito

"binastos ka sa elevator. Masyado ka kasing naniwala at pumayag na ihatid sa kwarto mo,  kung hindi ako sumunod baka na rape ka na ng lalaking yun."gigil na sabi nito

Natigilan ako sa sinabi niya.
Ano?

"Binastos ka niya sa elevator. Hinawak hawakan na yang balikat mo't inaamoy ka ng maniac na yun."

Inis at galit ang nakikita ko sa mata nito. Natigilan ako sa inatsa niya. Nagseselos ba ito?

Hinila ako nito at walang sabi sabi na inabot ang labi ko at hinalikan. Napapikit ako.

Endless loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon