Truth
''Nasabi mo na ba kay Jace?''
Napatingin ako kay Cia na biglang nagsalita. Nasa kwarto kami ngayon, nasa sahig ako habang siya naman ay nasa kama. Nakatuon yung atensyon naming dalawa sa laptop namin. Simula noong gabing yun ay minsan nalang kami mag-usap ni Jace, mabuti narin yun dahil abala kami ngayon dahil malapit na yung pasukan, maraming requirements.
''Kailangan pa ba niya malaman?'' nakakunot ang aking noo habang nagtatanong.
Sa Dela Rosa Academy din kasi kami mag-aaral dahil binigyan kami nang scholarship ng kapatid ng ama niya dahil iyon ang boss ni papa. Ayaw ko nga sana dahil nasa Manila yun, masyadong magulo. But of course, wala akong choice. Kailangan kong maging praktikal, hindi kami tumatae ng ginto.
''Of course duh! Hindi ko nga sinabihan sina Cynthia para hindi malaman ni Jace'' sabi niya habang ang mga mata ay nakatutok sa laptop niya.
Nag-uusap parin pala sila nina Cynthia. Para kasi sa akin ay hindi ko naman kailangan sabihin kay Jace, hindi naman kasi importante yun. Sa laki ng school ay sigurado akong hindi o kaya minsan lang kami magkikita nun.
''Hindi na kailangan yun, kung magkita ede magkikita'' sabi ko.
Hindi narin naman ako kinulit ni Cia tungkol doon. Yung kukuning kurso na naman ang topic ngayon. Business ang kukunin ko dahil yun ang makakatulong sa akin at sa buong pamilya ko. At tsaka, makakasama kopa si Cia. Hindi ko kasi talaga ma-imagine na magkahiwalay kami eh. Hindi ko pinangarap na kumuha ng business pero hindi na iyon ang mahalaga sa akin.
Seeing kuya and his passion makes me happy for him but I also feel jealous and useless for myself. Mabuti pa kasi siya kahit mahilig mag lakwatsya at parang patapon ang buhay kung titignan ay may mga pangarap parin naman. Sigurado at masaya siya sa kinuha niyang kurso, at yun ang pagiging, Engineer. Idol niya ata si Papa eh. Si Cia naman ay hindi ko alam kung ito ba talaga ang gusto niya, parang may mask kasi sa itsura niya, yung tipong hindi mo alam kung masaya ba talaga siya, nasasaktan o ano.
''Sure kana ba sa business besh? Baka kasi ayaw mo lang mahiwalay sa akin'' sabi niya.
Ayaw ko nga mahiwalay sa kanya dahil parang may kulang pa sa sarili ko, puwede akong madapa nalang bigla at kailangan ko nang best friend na laging nandoon para pagaanin ang mararamdaman ko kung saka-sakali.
''Oo naman'' tanging sagot ko.
Matututunan ko rin naman siguro na mahalin yun. Maganda rin naman yun eh. Sana nga lang ay maging masaya at maging successful ako balang araw. Pagkatapos namin tapusin ang ipapasa naming requirements ay bumaba narin kami. Saktong dumating sina Mama at mukhang nag-take out pa mula sa Chicken Inasal. Pagkatapos namin kumain ay umakyat ako sa kwarto para mag-pahinga, mag-ayos at saka maghanda na para makatulog nang biglang tumunog yung phone ko.
YOU ARE READING
Summer Love
Teen FictionLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...