Something New
''Bagong taon na, Love. Paalam, Mahal ko.''
Bulong ko sa kanya bago ko siya hinalikan. Ang himbing nang tulog niya habang ako naman ay hindi na makatulog. Ayoko na rin na mag-abot pa kami pagkagising niya dahil baka umiba na naman ang higip ng hangin kaya aalis na ako ngayon.
Alas tres pa lang nang umaga, hindi ko alam kung may masasakyan ako niyan pero bahala na. Nakapag-shower na ako at lahat-lahat. Dahan-dahan akong tumungo papuntang pinto pero bago pa ako makarating doon ay narinig ko na nagsalita si Jace.
''Lorraine, lorraine huwag mo akong iwan'' ayan na naman ang nagmamakaawa niyang sambit.
Napalingon ako at parang pinupunit ang puso kong makita na tumutulo ang kanyang luha kahit nakapikit siya. Bakit ganun? Bakit nasasaktan ko pa rin siya kahit tulog siya? Lumapit ako sa kanya dahil napansin kong parang gumagalaw ang labi niya, ginigaw yata siya. Hinawakan ko ang noo niya gamit ang likod ng palad ko, pucha ang init.
Ano ba naman to? Tinakpan ko siya nang kumot dahil giniginaw na nga siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko naman siyang puwedeng iwanan dito na ganyan ang kalagayan niya. Wala rin akong gamot na puwedeng ipa-inom sa kanya. I opened my phone and in-expect ko na maraming missed call kagaya noon pero wala naman, a text from Cia lang.
From: Bestie Cia
nauna na ako, you're with Jace right? sabi ni PJ.
Mamaya ko na siya rereplyan. Tinawagan ko ka agad si PJ, sana naman ay sumagot siya. Pagkatapos nang ilang tawag ay sinagot niya rin, at mukhang nagising ko siya dahil sa tawag ko.
''Sorry, peej. Asan ka?'' I asked.
[Gago, ede nasa condo! kayo ha, di kayo umuwi noh?Anong oras na ha?!] he teased.
''May lagnat si Jace, puwede ka bang pumunta dito? Please.'' I said.
YOU ARE READING
Summer Love
Novela JuvenilLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...