Kapit lang
''Isama mo nalang kaya si Cia?''
Suggestion ni kuya. Nasa balcony kaming tatlo at nag-uusap. Kakatapos lang ng christmas at ang susunod na event ay ang birthday ni Jessica, ang kapatid ni Jace. Yinaya niya ako dahil gusto niya akong ipakilala sa pamilya niya at dahil iyon din ang request ni Jesse.
''Kuya, I'll be fine'' sabi ko.
Simula noong nangyari yung nangyari sa school ay lagi nalang nag-aalala si kuya. Mabuti nga at nakumbinsi ko siya na huwag na niyang sabihin kela mama. Lagi lang din akong naka long sleeves para matago ko kela mama ang mga galos sa mga braso ko.
''She'll be fine. Strong din yan, isa pa nandyan si Jace'' sabi ni Cia.
''Sana nga lagi siyang nandyan dahil siya naman talaga ang rason kung bakit nangyayari to'' sabi ni kuya.
Hindi ako sumagot, wala ni isang nagsalita. Iyon ang huling usapan naming tatlo dahil lumuwas na ng Manila si kuya dahil may trabaho pa siya. Mabuti na lang at wala na yung mga sugat ko kaya noong birthday ni Jesse, December 30, ay hindi na long sleeves ang suot ko. Naka pink na sleveless ako pero hindi spagetti yung strap, naka pants lang din ako at linagyan ko lang ng belt. May bitbit akong cute na sling kung saan kasya yung powerbank, phone at tsaka wallet ko.
Hapon magsisimula ang party ni Jesse, parang mini debut siya dahil 7 years old palang siya. Nagpaalam ako kay lola dahil siya lang ang nasa bahay, alam na naman to nila mama. Nasa bakery daw si Cia at tsaka si Louis. Pagkabukas ko ng gate ay bumungad sa akin ang naka sandal na si Jace sa kotse niya, plain t-shirt, black pants and denim jacket. Magulo yung buhok niya kaya nang makalapit ako ay inayos ko. Nagulat pa siya dahil hindi niya pala nakita na lumabas na ako dahil sa kabilang direksyon siya nakatingin.
''Pogi naman niyan'' sabi ko.
''Bolera'' sabi niya sa akin.
Ipinagbuksan niya ako ng pinto at isinara niya rin bago umikot para makapasok sa loob. Mabilis ang byahe patungo sa bahay nila dito sa Laguna. Pangiti-ngiti lang ako pero kanina pa ako kinakabahan dito. Malaki ang mansyon nila dito kumpara sa bahay nila sa Manila, I guess dito kasi pati mga tito niya ay nakatira, silang lahat.
Tanaw ko na ka agad ang mga sasakyang naka-park. Marami nga silang bisita. Pagkatapos i-park ni Jace ang kotse niya ay naglakad na kami papasok sa bahay, at lumabas sa likod para pumunta sa garden kung saan nandoon ang mga tao. Mahigpit lang ang hawak ni Jace sa akin na para bang takot na takot siyang mawala ako.
''Kuya kuya'' sigaw ni Jessica na nasa harapan.
Napatingin tuloy ang lahat ng tao sa amin. Bigla akong nahiya pero pinanatili ko na lang ang naka-ngiti kong bibig. Nahagip ng aking mga mata ang kanyang mommy na nakatingin sa amin. Naglakad kaming dalawa palapit doon, habang papalapit na papalapit na kami ay mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na parang tatakbo.
''Ate Lorraine'' Jesse immediately hugged me.
Bumitaw ako sa hawak ni Jace at yumuko para yakapin at batiin si Jesse. Nararamdaman ko ang mga titig ng mommy niya sa amin ngunit itinuon ko na lang sa bata ang atensyon. Hindi ko nakita ang daddy at ang kanyang mga lolo at lola.
YOU ARE READING
Summer Love
Teen FictionLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...