Chapter 3

96 10 29
                                        









Selos




"Kakauwi mo lang?" 





Pagkapasok ko ay naabutan ko si Kuya na may bitbit na mangkok na mukhang linagyan niya ng tubig at tsaka may towel sa loob nito. Kakababa niya lang, ewan ko kung saan niya ginamit yun.




"Hindi, may inayos lang sa labas, Kuya" sagot ko sa kanya.





"Matulog kana, inayos ko na yung isa" sabi niya sa akin. Hindi ko na gets yung ibig niyang sabihin pero tumango parin ako at umakyat na.





"Goodnight, Kuya" I said.






"Goodnight" sabi niya at dumeretso sa kusina.





Pagkapasok ko sa loob nang aking kwarto ay malinis na si Cia, pwera nalang yata sa damit niya. Hindi niya na siguro kinaya na mag bihis pa kaya nag hilamos nalang siya. Pinalitan ko siya at pagkatapos ay nagbihis at natulog narin. Kinabukasan, halos sabay kaming nagising ni Cia.







"Ah, masakit ulo ko, tangina" ayan ka agad ang bungad ni Cia.








"Inom pa" sabi ko naman habang umuupo at isinasandal ang ulo sa headboard ng kama.







"Minsan lang naman" depensa niya at tumayo para pumunta ng banyo.








Wala akong lakas para tumayo, masakit yung katawan ko, lalo na yung likod ko. Kinuha ko ang selpon ko para tingnan ang oras, alas kwarto na!? We already skipped breakfast and lunch, gutom na ako. Kaya pagkalabas ni Cia galing banyo ay yinaya ko siya na bumaba para maka kain na kami. Pagkababa namin tanging si Louis lang ang nandun.






"Asan si Lola?" I asked.





"Kasama mga kumare niya, Ate" sagot niya sa akin.







"Walang pagkain?" tanong naman ni Cia.







"Wala na, ubos na" sabi niya.





Summer LoveWhere stories live. Discover now