Star
"Good morning, Love"Umupo siya sa tabi ng kama ko at hinalikan ako sa noo. Napaayos ako nang upo nang mapagtanto na nandito pa rin siya. Dito ba siya natulog? Wala ba siyang trabaho? Ako? May trabaho pala ako!
"Good morning!" bati ko at tatayo sana kaso pinigilan niya ako.
"Nagmamadali ka?" he asked.
"Oo, may trabaho pa ako" sabi ko.
"Wala" sabi niya.
"Huh? Baka ikaw yun, ako meron" sabi ko.
"Wala. I texted Lisa, sabi ko masakit puson mo" sabi niya.
"What?" medyo napataas ang boses ko.
Masakit nga yung puson ko pero kagabi pa yun, nakatulog nga ako sa sofa dahil doon. Hindi ko lang alam kung paano ako napunta sa kama. Ano kaya ang iisipin ni Lisa na si Jace ang tumawag sa kanya?
"Okay naman na ako, hindi ko-" umiling siya at siningitan ako.
"She's giving you until tomorrow. Wala naman daw masyadong kailangan gawin" sabi niya.
Okay, fine. Alam ko naman kasing siya pa rin ang masusunod, alipin ako eh. Alipin niya ako. Eh siya? Wala ba siyang trabaho? Umuwi ba siya? Bakit iba na ang damit niya?
"At ikaw?" I asked.
"Wala rin akong gagawin. Sasamahan lang kita" he said.
"Paano ka nakapagbihis?" I asked.
"Nagpahatid ako kay Lia" sagot niya.
Lumaki ang mata ko. Lia is Emily. Wala naman akong problema sa kanya kaso ano nalang kaya ang iisipin nun? Hindi pa naman kami ni Jace pero baka isipin niya na ang dali-dali lang lahat.
"What's wrong?" Jace asked.
"Wala naman pero bakit siya? Baka isipin nun, nagpapa-uto ka sa akin" sabi ko.
"Don't say that. Lia knows I'm happy, yun lang naman tanging gusto nun" sabi niya.
Tumango na lang ako at hindi na dinugtungan ang sasabihin. Sila naman ang mag best friends eh. For sure, alam niya kung bakit ginagawa ni Jace ito, alam niya ang takbo ng utak nito. Kung tanga man ang tingin niya kay Jace, alam kong tatanggapin niya rin.
Him saying that is happy makes me happy. Masaya siya dahil sa akin, masaya siya sa ginagawa niya kahit wala pa namang kasiguraduhan. Habang ako naman ay puro overthink lang ang ginagawa, lagi ko nalang pinangungunahan ang mga bagay-bagay.
"Breakfast?" he asked.
Tumango ako at tumayo, inalalayan niya ako ka agad. Napairap ako dahil sa ginawa niya at hinampas ko pa ang kamay niya.
"Ouch" sabi niya.
"Masakit ho puson ko, pero hindi ako pilay!" sabi ko.
"I want to take care of you" sabi niya.
Maaga pa! Kinikilig ako. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ngumiti pero hindi ko na naman nagawa. It's a good thing na hindi kami magkaharap para hindi na niya ako tuksuin. Nang napunta kami sa hapag ay napangiti ako sa pancakes na nasa plato. Naka smiley face pa yung syrup kaya mas natuwa ako.

YOU ARE READING
Summer Love
Teen FictionLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...